Angat ang Matibay kasama ang Lalamove at Nestle Bear Brand

Talaga ngang di mapagkakaila na matitibay at masisipag ang mga Lalamove Partner Driver! Pero sa gitna ng panahong ito, mas mabuting makasiguro na tayo ay ligtas at malusog.Kaya naman kasama ang Nestle, inihatid namin ang Bear Brand Sterilized Ready-to-Drink Milk bilang paalala sa mga Partner Driver na #AngatAngMatibay!

Sinimulan ng Nestle at Lalamove ang pagbibigay tibay sa mga Partner Drivers nitong October 15, 2020. Sa mga piling lugar, namigay ang Lalamove ng Bear Brand Sterilized Ready-to-Drink Milk sa mga Partner Driver para magsilbing energy booster sa biyahe. Dahil siksik sa nutrients, nakatulong din ito para mas maging matibay ang kanilang resistensiya laban sa iba't ibang sakit.

 

Bukod pa dito ay kinilala din ng Bear Brand ang Angat ang Matibay Partner Drivers!

Sila ang mga nakakuha ng pinakamaraming 5-star rating sa lahat ng mga Partner Driver kaya naman sila ay binigyan ng Nestle ng parangal at tulong para lalo pang paigtingin ang kanilang determinasyon sa kada-delivery.

 

Nakatanggap ang 20 Partner Drivers ng 5-month supply ng Nestle Bear Brand Sterilized Ready-to-Drink Milk! Gamit ito mas masisiguro na sila'y magiging malakas sa kada biyahe dahil #AngatAngMatibay kasama ang Lalamove at Bear Brand.

 

Gusto mo rin ba ng delivery driver benefits?

Mag-sign up na

Read more