LalaMall: Panalong Vehicle Insurance hatid ng Stronghold Insurance para sa mga Partner Drivers

Partner, mapa-motorsiklo, Sedan, van, pick-up or light truck man ang gamit mo sa Lalamove, may swak at panalong insurance coverage para diyan sa pagsanib pwersa ng LalaMall at Stronghold Insurance! Basahin ang benepisyong hatid ng delivery driver job na ito.
Anu-ano ang mga kwalipikadong sasakyan?
Ang mga sasakyan na ginagamit ng mga Partner Drivers sa Lalamove ang maaaring makapag-apply para sa insurance package na ito. Para sa mga motorsiklo, tinatanggap ang mga may modelong 2015 pataas habang 10 years pababa naman para sa Sedan, AUV, SUV, MPV, VAN at light truck.
Anu-ano ang mga benepisyo sa pagkuha ng insurance sa LalaMall?
MORE INSURANCE BENEFITS. Depende sa iyong vehicle type, make, year and model, siksik ang insurance benefits na maaari mong makuha mula sa Third Party Liability (TPL) coverage, own damage, theft, acts of nature at marami pang iba. Dahil sa aming partnership kay Stronghold Insurance, napaka-affordable at higit na mababa ang aming premium rates kung ikukumpara sa individual premiums na nasa merkado ngayon.
PEACE OF MIND. Dahil sa protektado ka, ang iyong seguridad at ang kapanatagan ng iyong loob ang aming misyon upang higit na pagtuunan mo ng pansin ang iyong mga byahe para sa panalong kita!
CONVENIENT AND HASSLE-FREE. Mayroong 24/7 Customer Support ang aming insurance partner (Stronghold), aktibong tatanggap at mag-aassist sa inyong mga kinakailangan at agarang pagkuha ng claims sa panahon ng pangangailangan.
Anu-ano ang mga insurance package?
Narito ang mga insurance benefits / coverage na maaari mong makuha mula kay Stronghold Insurance base sa vehicle type na ginagamit mo sa Lalamove:
COVERAGE |
|
Motorsiklo |
|
AUV, SUV, MPV, Van at Truck |
|
Paano mag-apply?
I-click ang “GET A QUOTE” sa ibaba at fill-upan ang Vehicle Insurance Sign-up Form para makapag-request ng insurance quotation mula kay Stronghold Insurance. Ang quotation na ito ay naglalaman ng insurance benefits na maaari mong makuha at kabuuang halaga na iyong babayaran.
Isa sa mga staff ng Stronghold Insurance ang tatawag sa iyo upang ipaliwanag ang nababagay na insurance package para sa iyong sasakyan.
Maaari ring tawagan/i-chat ang LalaMall sa SMS o Viber: 0917-552-6255 o mag-email sa info.ph@lalamall.com.
Official Insurance Partner
Gusto mo bang makita ang iba pang offer ng LalaMall?