Delivery Driver

Magkano ang kita ng mga Lalamove Partner Driver?

Sa panahon ngayon, marami ng paraan para kumita nang malaki sa sarili mong oras, at para sa ilan, nahanap nila ito sa pagiging delivery driver sa Lalamove. Kaya naman marami ang nagtatanong kung magkano nga ba ang kitaan dito. Kung isa ka sa mga nagpaplanong sumali at nagtataka kung magkano nga talaga ang kita sa Lalamove, basahin na ito!

‘Wag mong kalimutang mag-sign up at simulan nang kumita nang malaki sa delivery!

MAG-SIGN UP NA

Magkano ang kita ng Motorcycle Partner Driver?

₱6,000 - ₱30,000 / month

Kilala ang Lalamove dahil sa mga motorcycle partner drivers namin na walang sawang nagbibigay ng maganda at mabilis na serbisyo sa lahat ng customers. Mula sa pag-deliver ng mga packed food meals ng ilan sa aming mga business clients, hanggang sa mga documents at iba pang pangangailangan ng aming mga customer, laging nandiyan ang mga Lalamove Motorcycle Partner Driver.

At alam mo bang, humigit kumulang ₱6,000 - ₱30,000/month ang kinikita ng Motorcycle Partner Driver? Madaling maabot ang ₱30,000/buwan, basta't magsipag sa pag-take ng orders. Kaya naman kung gusto mong maging isa sa kanila, sign up na!

  Kita ng motor sa Lalamove

 

Magkano ang kita ng MPV Partner Driver?

₱10,000 - ₱70,000 / month

Alam mo bang pwede mo ding ipasok ang iyong SUV o van sa Lalamove bilang isang MPV Partner Driver? Ilan sa mga sikat na sasakyan na pwedeng ipasok sa vehicle group na ito ay ang Toyota Innova, Suzuki Ertiga, Mitsubishi Adventure, at Hyundai Starex. Kadalasang bino-book ito ng mga client para sa mga mid-sized at delicate items tulad ng ilang appliances at pastries.

Nasa mga ₱10,000 - ₱70,000 ang kinikita ng isang MPV Partner Driver kada-buwan! Basta't magsikap sa pagkuha ng booking, hindi mahirap kumita ng ₱70,000/buwan. Kung gusto mong gawing family income ang inyong family car, mag-sign up na!

Kumita gamit ang sasakyan

 

Magkano ang kita ng Light Truck Partner Driver at Partner Operators?

₱20,000 - ₱170,000 / month

Para naman sa mga heavy items tulad ng lipat bahay o bulk business deliveries, andiyan naman ang Light Trucks (FB van, L300) ng Lalamove. Karamihan sa mga Partner Drivers at Partner Operators na ito ay nagiging malaking tulong sa madaming malalaking negosyo para i-deliver ang kanilang mga produkto.

At dahil malalaki ang kanilang bina-biyahe, malaki din ang kitaan dito dahil kayang kumita ng Light Truck Partner Driver at Partner Operators ng humigit kumulang ₱20,000 - ₱170,000 kada-buwan. Basta't kuha lang nang kuha ng booking, posibleng posible ang ₱170,000/buwan. Handa ka na bang gawing magandang negosyo ang iyong Light Truck? Maging Partner Driver na!

Malaking kita sa Lalamove

 

Alam mo bang meron din kaming mga panalong Lalamove Driver Benefits?

TINGNAN ANG MGA BENEPISYO

Read more

Need to book a delivery?