Panalomove: Dorm Housing Discount ng Citihub para sa Drivers

Partner, kung ika'y naghahanap ng mura at malinis na matutuluyan, 'di mo na kailangan maghanap sa iba dahil meron nang 50% discount ang lahat ng Lalamove partner drivers sa first-month rental sa Citihub (para sa first-time user)! Meron pang 20% discount sa monthly rates sa lahat ng klase ng room type (airconditioned, o fanned). Tingnan ang buong detalye ng benepisyong ito hatid ng Lalamove para sa aming mga delivery driver.
ANO? |
50% discount sa unang buwan ng rent para sa mga first-time users 20% discount sa monthly rates ng lahat ng room types (airconditioned at fanned) Exclusive lounge sa Balintawak Citihub (exclusive sa motorcycle partner drivers) |
SINO? |
Lahat ng Lalamove Partner Driver (Motorcycle, 300kg MPV, 600kg MPV, 1000kg Light Truck, 2000kg Light Truck) |
PAANO? |
Para sa short- at long term na mga tenant: 1. Pumunta sa gusto niyong branch at magpa-reserve. Para naman sa mga lounge users: 1. Pumunta lang sa Balintawak Citihub branch. |
Gusto mo bang makita ang iba pang Panalomove? |
Ang mga Citihub branches ay nakatayo sa strategic na mga location kaya naman ayos 'to para sa'yo, partner. Narito ang mga sumusunod nilang branches:
Balintawak |
178 Intl. Kaingin Road, Apolonio Samson Balintawak, Quezon City |
Cainta |
Gloria Ext, Cainta, 1900 Rizal |
Sta. Mesa |
3250 First Street, Santa Mesa, Manila 1016 |
Ang monthly rental rates naman ay may kasama nang kama, locker, drawer, kurtina sa iyong kama, access sa toilet at shower, tubig, kuryente, at Wi-Fi (para sa mga airconditioned room). Para malaman ang monthly rental rate na ito, tingnan lang ang listahan sa baba.
Para sa long-term stay (5 na buwan pataas):
Room Type |
SRP |
Lalamove Partner Driver Price |
Airconditioned |
₱ 2,500 |
₱ 2,000 |
Fanned |
₱ 1,900 |
₱ 1,520 |
Para sa short-term stay (1 - 4 na buwan):
Room Type |
SRP |
Lalamove Partner Driver Price |
Airconditioned |
₱ 3,000 |
₱ 2,400 |
Fanned |
₱ 2,280 |
₱ 1,824 |
Para sa payment, pwede itong gawin gamit ang Coins.ph (para sa short- at long-term tenants) o saan mang 7-Eleven, M Lhuillier, or Cebuana branch. Kasama sa babayaran ang 1 month advance at consumable na ₱ 250 deposit. Para naman sa mga lounge users, kailangan lang bayaran ang 1 month na advance gamit ang cash. Tama na ang pagtitiis sa init at hassle ng traffic, partner! Subukan nang tumira sa Citihub!
Gusto mo rin ba ng delivery driver benefits?