Select your language preference

  • English
  • PANALOMOVE: Discount sa Dorm Housing mula sa Citihub para sa Lalamove Partner Drivers

    Partner, kung ika'y naghahanap ng mura at malinis na matutuluyan, 'di mo na kailangan maghanap sa iba dahil meron nang 50% discount ang lahat ng Lalamove partner drivers sa first-month rental sa Citihub (para sa first-time user)! Meron pang 20% discount sa monthly rates sa lahat ng klase ng room type (airconditioned, o fanned). At dahil alam ng Lalamove at ng Citihub kung gaano kapagod ang trabaho sa biyahe, meron pang exclusive lounge para sa mga motorcycle Lalamove partner driver sa Balintawak Citihub sa halagang ₱ 1,000 lang kada-buwan.

    Ang mga Citihub branches ay nakatayo sa strategic na mga location kaya naman ayos 'to para sa'yo, partner. Narito ang mga sumusunod nilang branches:

    Balintawak

    178 Intl. Kaingin Road, Apolonio Samson Balintawak, Quezon City

    Cainta

    Gloria Ext, Cainta, 1900 Rizal

    Sta. Mesa

    3250 First Street, Santa Mesa, Manila 1016

    citihub photos

    Ang monthly rental rates naman ay may kasama nang kama, locker, drawer, kurtina sa iyong kama, access sa toilet at shower, tubig, kuryente, at Wi-Fi (para sa mga airconditioned room). Para malaman ang monthly rental rate na ito, tingnan lang ang listahan sa baba.

    Para sa long-term stay (5 na buwan pataas):

    Room Type SRP Lalamove Partner Driver Price
    Airconditioned ₱ 2,500 ₱ 2,000
    Fanned ₱ 1,900 ₱ 1,520 


    Para sa short-term stay (1 - 4 na buwan):

    Room Type SRP Lalamove Partner Driver Price
    Airconditioned ₱ 3,000 ₱ 2,400
    Fanned ₱ 2,280 ₱ 1,824 

    May motorcycle parking din, ang kailangan lang ay mag-dagdag na ₱ 250 kada-buwan. Libre naman ang parking para sa mga gumagamit ng lounge. Para ito ma-avail, sundan ang ang mga steps na ito:

    Para sa short- at long term na mga tenant:

    1. Pumunta sa gusto niyong branch at magpa-reserve.
    2. Makakatanggap ka ng text na may link para magbayad.
    3. Pwede itong bayaran sa kahit na anong 7-Eleven, M Lhuillier o Cebuana branch.
    4. Makakatanggap ka ng confirmation matapos magbayad.
    5. Pwede ka nang mag-check in kahit anong oras mula sa naka-schedule na starting date. May resident manager at personnel na tutulong sa'yo.  
    6. Makakatanggap ka ng text na may kasamang link para magbayad kung magtatagal ka ng mahigit sa dalawang buwan.

    Para naman sa mga lounge users:

    1. Pumunta lang sa Balintawak Citihub branch.
    2. I-settle ang one-month membership fee ng cash.
    3. Bibigyan ka ng ID na magagamit sa branch
    4. Pwede mo nang magamit ang lounge 6 AM hanggang 9 PM araw-araw.

     

    Para sa payment, pwede itong gawin gamit ang Coins.ph (para sa short- at long-term tenants) o saan mang 7-Eleven, M Lhuillier, or Cebuana branch. Kasama sa babayaran ang 1 month advance at consumable na ₱ 250 deposit. Para naman sa mga lounge users, kailangan lang bayaran ang 1 month na advance gamit ang cash.

     

    Tama na ang pagtitiis sa init at hassle ng traffic, partner! Subukan nang tumira sa Citihub!

     

    Gusto mo rin ba ng benepisyong katulad ng kanila?

    Maging Partner Driver Na!

    Share this on

    Jian Robedillo

    Related Posts

    lalamove for business

    Tips on How to Skip Cebu’s Traffic

    November 4, 2019

    Tips on How to Skip Cebu’s Traffic

    Whoever said Cebu is a rural province hasn’t fully experienced its crazy traffic yet. With road widening projects here and there, and cars floggingtrue

    Read More
    lalamove driver

    PANALOMOVE: Special Discount sa Spare Parts og Accessories hatud sa Taiga.com.ph

    October 3, 2019

    PANALOMOVE: Special Discount sa Spare Parts og Accessories hatud sa Taiga.com.ph

    Unsaon kung mu ingon mi nga pwede na ka mupalit og dekalidad na automobile spare parts og accessories bisan nasa balay o biyahe lang ka? Matud patrue

    Read More
    small businesses

    How to Set Up Cash On Delivery (COD) with Lalamove

    September 19, 2019

    How to Set Up Cash On Delivery (COD) with Lalamove

    Online shopping is all the rage now, and with this, convenient payment options such as cash on delivery (COD) is something a lot of customers aretrue

    Read More
    lalamove driver

    PANALOMOVE: Bigating savings sa bagong motor mula sa CitySavings

    August 9, 2019

    PANALOMOVE: Bigating savings sa bagong motor mula sa CitySavings

    Ganahan ba ka nga i-upgrade ang imong motor, partner? Kaya na kaayo na kay kung mupalit ka sa among accredited dealer-partners gamit ang CitySavingstrue

    Read More

    COMMENTS

    Recent Posts

    Tips on How to Skip Cebu’s Traffic
    November 4, 2019
    PANALOMOVE: Special Discount sa Spare Parts og Accessories hatud sa Taiga.com.ph
    October 3, 2019
    How to Set Up Cash On Delivery (COD) with Lalamove
    September 19, 2019
    PANALOMOVE: Bigating savings sa bagong motor mula sa CitySavings
    August 9, 2019
    Cheapest On-Demand Delivery Van and Truck Rental in Metro Manila
    July 4, 2019

    NEWSLETTER