FAQs

Ano ang requirements para maging Lalamove Partner Driver?

Pagkatapos mag-sign up at mag-register sa Lalamove app, i-handa ang mga sumusunod na requirements para maging Lalamove Partner Driver:

Professional Driver's License

NBI Clearance

OR / CR / Deed of sale

Picture ng plate ng Vehicle

Picture ng harap ng Vehicle

Picture ng side ng Vehicle

Profile picture

Ano ang process para maging Lalamove Partner Driver

Step 1: Mag-sign up sa form na ito

Step 2: Mag-register sa Lalamove Driver app sa Android o iOS.

Step 3: I-upload ang mga requirement

Step 4: Mag-training: Virtual Training

Step 5: Hintayin na ma-verify, at pwede ka nang kumita sa pagkuha ng delivery jobs!

 

Sinisikap ng Lalamove team na mag-verify ng Partners sa pinakamabilis na panahon. Pero ito parin ay nakadepende sa dami ng application na aming natatanggap.

Karaniwang umaabot ng 1-2 linggo ang pag-process.

Magkano ang kita sa Lalamove?

Pwede kang kumita ng malaki sa Lalamove, Partner at nakadepende ito sa iyong sipag at diskarte!

Para malaman ang buong detalye, basahin ito.

Paano ko makukuha ang kita ko mula sa Lalamove?

Buksan ang iyong Lalamove Driver App at sundin ang mga steps na ito:

 

- I-click ang My Wallet at pindutin ang Cash out

- Ilagay ang iyong bank account/GCash account

- I-input ang mga detalye ng iyong bank account/GCash account

- I-input ang amount na nais mong i-cashou

- Sundan ang confirmation process

 

Matatanggap mo ang cashout sa iyong bank account/GCash account sa susunod na working day. Patuloy lang na kumuha ng booking para lalo pang lumaki ang iyong kita sa delivery!

May benefits ba ang Lalamove Partner Driver?

Oo! May benefits ang lahat ng Lalamove Partner Driver mula sa ating mga Panalomove Partners.

Mayroong benepisyo sa fuel, maintenance, healthcare, personal accident insurance, at marami pa ang mga Lalamove Partner Driver.

Hindi kasama sa listahan ang sasakyan ko. Paano ako makakasali sa Lalamove?

Nandito ang Lalamove Automotive para tulungan kang makakuha ng auto loan at iba pang benepisyo para makakuha ka ng sasakyan na pwedeng gamitin sa Lalamove!

 

I-click ito para sa iba pang detalye tungkol sa Lalamove Automotive.

Ano ang pinagkaiba ng Virtual Training sa In-Person Training?

Para masigurado ang kaligtasan ng mga nagnanais na maging Partner Driver, hatid ng Lalamove ang mas pinadali at pinaligtas na Virtual Training. Gamit ito, di mo na kailangang pumunta pa sa opisina ng Lalamove.

 

Aming ise-send ang link ng Virtual Training matapos niyong mag-sign up. Dito namin ituturo ang mga proseso ng pag-dedeliver bilang Lalamove Partner Driver.

 

Para makapag-reschedule ng training, Gamitin lamang ulit ang link ng Virtual Training. Kapag on-site training reschedule , magsesend ang aming team ng SMS upang itanong ang preferred date kung saan kayo available na makapag-training.

Ano ang Terms & Conditions at Privacy Policy para sa Lalamove Partner Driver?

Basahin ang Terms and Conditions at Privacy Policy ng Lalamove.

More Questions

Chat with US