Discounted mobile phones dala ng Vivo at MemoXpress para sa mga Lalamove partner driver

Bukod pa sa sasakyan, isa sa mga pinaka-importanteng gamit ng mga partner driver ang mobile phone dahil dito pumapasok ang mga delivery request para kumita. Alam namin kung gaano ito kahalaga para sa inyong aming mga partner driver, kaya naman mayroon kaming bagong Panalomove para sa inyo! Kasama ang Vivo at MemoXpress, dala namin ang 5% discount sa mga Vivo mobile phone. May kasama pang freebies para mas mapadali ang iyong pag-gamit dito.

Sa ginanap na contract signing sa pagitan ng Lalamove, Vivo, at MemoXpress, nilagdaan ang kasunduang ito para mas lalong maging abot-kaya ang pagkuha ng bagong mobile phone para sa mga partner driver!

Vivo-Lalamove-MX_19.10.18-54

 

Para ito makuha, sundan lang ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Mag-register sa PORTAL NA ITO

  2. Pumili ng gusto mong mobile phone, at i-select kung anong kulay at ilan, at i-add ito sa iyong cart

    (Paalala: Hindi pa kasama ang discount sa presyong nakalagay sa cart, mai-aapply lang ito sa pagbayad)

  3. Tatawag ang MemoXpress representative para i-confirm ang order at kung saan ang pinaka-malapit na pick-up point na pwedeng makuha at bayaran ang mobile phone

  4. Pumunta sa pick-up point at i-presenta ang iyong physical Lalamove ID at ang Lalamove Driver App na may Verified Note
    (Paalala: Kung wala ang dalawang ito, hindi makukuha ang discount)

  5. Bayaran ang phone ng cash. Ganun lang, may bagong phone ka na!

 

Tingnan ang mga mobile phone na pwedeng makuha!

vivo

 

Tumatanggap din sila ng mga walk-in, pero kailangan paโ€™ring mag-register sa portal at i-presenta ang mga requirements galing sa Lalamove.

Panalong benepisyo hatid namin para sa mga partner driver. Excited ka na bang makakuha ng bagong mobile phone? Kumuha na ngayon mula sa Vivo at MemoXpress!

Maging Partner Driver Na!

LALAMOVE PH BLOG โ€“ BUSINESS SUCCESS IN ASIA

Read light-hearted articles about business and logistics news, guides, insights and analysis about O2O, E-commerce, Food & Beverage, Retail, Startups, Deliveries and much more! 

Don't be a stranger, share with us your stories & questions: editor@lalamove.com

Recent Posts

Subscribe Now

Receive tips & news