Mas pinamurang roadside assistance, dala ng Lalamove at Viray Towing Services

Nagka-problema sa kalsada? ‘Wag nang mag-alala, dahil dala ng Lalamove at Viray Towing Services ang mas pinadali at pinamurang towing service para sa inyo! Pwede ka nang makakuha ng 15% discount sa kanilang serbisyo dito sa Metro Manila. May libre ding pag-gamit ng mga towing at recovery equipment tulad ng mga strap, lubid at kable, at para mas lalong panatag ang iyong loob, may insurance ang iyong sasakyan kapag nai-karga na ito sa towing truck.

Roadside Assistance para sa mga motorcycle at 4-wheel na sasakyan sa Metro Manila

First 10 kilometers

Succeeding kilometer

SRP

Discount

SRP

Discount

₱2,500

₱2,125

₱100

₱85

* For outside Metro Manila, these will be taken on a case-to-case basis.

 

Para ito ma-avail, sundan lang ang mga sumusunod na steps, partner!

1) Tumawag lamang sa isa sa mga hotline na ito:

 - 524-4444

 - 531-3459

 - 0917-531-3459

 - 0999-992-8003

 - 0922-831-3459

2) I-Viber message ang mga numerong 0917-5313459, 0999-9928003, o 0922-8313459 kasama ang mga detalyeng ito
  - litrato ng iyong physical Lalamove ID

  - screenshot ng Lalamove Driver app na may Verified Note

  - klase ng sasakyan (motorcycle, MPV, light truck)

  - may karga bang mga gamit?

  - pick up point

  - delivery point

  - status ng sasakyan (na-aksidente, nasiraan ng makina, etc.)

3) Iva-Viber or ite-text ng Viray Towing Services ang presyo na babayaran kasama ang breakdown nito (naka-bawas na sa presyong ito ang discount)

4) Kailangan mong mag-reply sa Viber message o text na tinatanggap mo ang presyong babayaran sa Viray Towing Services, bago ka nila puntahan sa pick-up point

5) Kailangan i-settle ang bayad na cash pagdating sa delivery point.

 

Talagang mas panatag ka na sa kalsada, kasama ang Lalamove at Viray Towing Services!

 

Maging Partner Driver Na!

LALAMOVE PH BLOG – BUSINESS SUCCESS IN ASIA

Read light-hearted articles about business and logistics news, guides, insights and analysis about O2O, E-commerce, Food & Beverage, Retail, Startups, Deliveries and much more! 

Don't be a stranger, share with us your stories & questions: editor@lalamove.com

Recent Posts

Subscribe Now

Receive tips & news