Select your language preference

  • Delivering Care amidst COVID-19: Lalamove continues to support the public and businesses for the delivery of essential needs during this period. We encourage everyone to keep each other safe by following the safety procedures we've implemented. Learn more.

    Lala Auto Shop: All-in-One at Comprehensive Motor Vehicle Insurance Para Sa Lahat ng Lalamove Drivers

    Partner, siguraduhing protektado ka at iyong sasakyan sa arawan mong pag-biyahe! 

    Hatid ng Lala Auto Shop at Standard Insurance ang mas pinaabot kaya at all-in-one comprehensive Motor Vehicle Insurance Package (MVIP) para sa lahat ng Lalamove Partner Drivers.


    Ano-ano ang mga kwalipikadong sasakyan?

    Ang mga sasakyan na ginagamit ng mga Partner Drivers sa Lalamove ang maaaring makapag-apply para sa insurance package na ito. Tinatanggap ang mga motorsiklo, AUV, SUV ,MPV, VAN at light truck na may modelong 2011 pataas. Hindi na tinatanggap ang 2010 pababa.

     

    Bakit kailangan mong magka-insurance?

    Narito ang pitong (7) dahilan kung bakit kailangan mo ng insurance para sa iyong sasakyan. Kapag ikaw ay may insurance, lahat ng ito ay hindi mo kailangang problemahin dahil ito ay sasagutin na ng Lala Auto Shop at Standard Insurance.

     

    1. 1. Posible na magkaroon ng “Serious Partial Loss”

    Sa panahon ng malaking sira sa iyong sasakyan bunga ng isang aksidente, mahalagang handa ka na sagutin ang repair nito para makabyahe kaagad.

    1. 2. Posible na tuluyang masira ang sasakyan mo o maging “Total Loss” 

    Sakaling maging “Total Loss” o hindi na kayang ayusin ang iyong sasakyan, mabuting mayroon kang cash na magagamit pamalit sa iyong sasakyan. 

    1. 3. Maaari kang maging biktima ng “carnapping” or “carjacking”

    Kung ma-carnap o manakaw ang mga parts at accessories ng iyong sasakyan, masasisiguro nating sapat ang iyong cash para agaran itong mapapalitan. 

    1. 4. Maaari kang maka-aksidente ng tao na maaaring masaktan o mamatay

    Kung sakaling ikaw o ang iyong driver ay makasagasa ng tao na maging sanhi ng kanyang pagkakaospital o pagkamatay, mabuti na handa kang sagutin ang mga gastusin dahilan dito.

    1. 5. Maaari kang makasira ng ibang sasakyan o ari-arian

    Sa panahon ng aksidente, kadalasang makakasira ka ng ibang sasakyan o makapinsala ng mga ari-arian ng ibang tao. Sa ganitong pagkakataon, mabuting may sasagot sa pinsala dulot nito. 

    1. 6. Maaaring may masaktan sa mga pasahero mo dulot ng aksidente

    Sakaling may masaktan o masawi sa mga pasahero mo, mabuting handa ka na saluhin ang gastusin sa pagpapagamot, pagpapaospital, at pagbibigay ng tulong sa mga kaanak ng nasawi. 

    1. 7. Maaaring masira ang sasakyan mo dulot ng bagyo, baha at kalamidad

    Sa panahon na masira ang iyong sasakyan dulot ng bagyo, baha at pagsabog ng bulkan, mabuting may sapat na mapagkukunang pinansyal para ipaayos o palitan ang nasira mong sasakyan.

     

    Ano-ano ang mga benepisyo sa pagkuha ng insurance sa Lala Auto Shop?

    1. BIG SAVINGS. All-in-one package ang aming insurance, Partner! Mayroon nang Third Party Liability (TPL) at may coverage pa para sa Commercial Use of Private Vehicles. Napaka-affordable at higit na mababa ang aming premiums kung ikukumpara sa individual premiums na nasa merkado ngayon.

    2. PEACE OF MIND. Dahil sa protektado ka, ang iyong seguridad at ang kapanatagan ng iyong loob ang aming misyon upang higit na mapagtuunan mo ng pansin ang iyong mga byahe para sa panalong extra kita!

    3. CONVENIENT AND HASSLE-FREE. Mayroong 24/7 Customer Support ang aming insurance partner (Standard Insurance), aktibong tatanggap at mag-aassist sa inyong mga kinakailangan at agarang pagkuha ng claims sa panahon ng pangangailangan.

     

    Ano-ano ang mga insurance package?

    Sa tulong ng Standard Insurance, ang iyong sasakyan ay mayroong benepisyo ng Roadside Assistance Program (RAP). Sa RAP, may libreng towing, hanggang sa limitasyon ng programa,  ang iyong sasakyan sakaling magkaroon ng aksidente at masiraan.

    Narito ang mga benepisyo at limitasyon na maari mong makuha mula sa insurance ng iyong sasakyan.

    Coverage and Limits
    (Para sa Motorsiklo)

    Coverage

    Limits ()

    Compulsory Third Party Liability (CTPL)

    100,000.00 

    Own Damage/Theft/Acts of Nature

    Based on Standard Insurance Fair Market Value (FMV) 

    Excess Third Party Liability – Bodily Injury

    Maximum of 100,000.00

    Excess Third Party Liability – Property Damage

    Maximum of 100,000.00

    Auto Personal Accident for driver with 10% Medical Reimbursement and 10% Burial Benefit 

    ₱75,000


    Deductible:

    1,000.00 on each and every claim


    Coverage and Limits
    (Para sa AUV, SUV, MPV at Van)

    Coverage

    Limits (₱)

    Compulsory Third Party Liability (CTPL)

    100,000.00 

    Own Damage/Theft/Acts of Nature

    Based on Standard Insurance Fair Market Value (FMV) 

    Excess Third Party Liability – Bodily Injury

    Maximum of 1,000,000.00

    Excess Third Party Liability – Property Damage

    Maximum of 1,000,000.00

    Auto Personal Accident for driver with 10% Medical Reimbursement and 10% Burial Benefit 

    100,000.00 


    Deductible:

    Option 1: 3,000.00 on each and every claim for CASA repair
    Option 2: Waived Deductible if unit will be repaired at Standard Insurance TTC

     

    Coverage and Limits
    (Para sa Trucks)

    Coverage

    Limits (₱)

    Compulsory Third Party Liability (CTPL)

    100,000.00 

    Own Damage/Theft/Acts of Nature

    Based on Standard Insurance Fair Market Value (FMV) 

    Excess Third Party Liability – Bodily Injury

    Maximum of 200,000.00

    Excess Third Party Liability – Property Damage

    Maximum of 200,000.00

    Auto Personal Accident for driver with 10% Medical Reimbursement and 10% Burial Benefit 

    75,000


    Deductible:

    1% of the Fair Market Value, min. of 3,000.00 on each claim 

     

    Paano mag-apply?

    I-click ang “SIGN-UP NOW” sa ibaba upang fill-upan ang Motor Vehicle Insurance Sign-up Form. Ito ay ipapadala sa Standard Insurance para busisiin at pag-aralan:

    SIGN UP NOW

     

    Isa sa mga staff ng Standard Insurance ang tatawag sa inyo upang ipaliwanag sa iyo ang nababagay na insurance package para sa iyong sasakyan.  

    Maaari ring tawagan/i-chat ang Lala Auto Shop sa SMS o Viber: 0917-552-7467 o mag-email sa autoshop.manila@lalamove.com.

     

    PROMO ALERT

    Maging isa sa unang 15 policyholders ngayong buwan para makuha ang mga exclusive freebies na ito:

    Mug CollageMugs

    Umbrella Collage

    Umbrella

     

    Official Insurance Partner

    Screen Shot 2020-12-18 at 9.24.12 AM

     

    Gusto mo bang makita ang iba pang offer ng Lala Auto Shop?

    See Offers

    Share this on

    Mikee De Chavez

    Mikee is the pioneer PH Marketing Specialist for Lalamove Automotive. A dynamic & detail-oriented marketing & communications enthusiast having a solid background in crafting 360° marketing strategies & campaigns for events, products & services targeting both B2B & B2C communities.

    Related Posts

    vehicle care

    Lala Auto Shop: Discounted Unioil Fuel E-Vouchers Para Sa Lahat ng Lalamove Driver!

    January 4, 2021

    Lala Auto Shop: Discounted Unioil Fuel E-Vouchers Para Sa Lahat ng Lalamove Driver!

    Your one-stop shop for all your auto needs is now open! Bukas na ang Lala Auto Shop para sa iyong vehicle care needs hatid sa iyo ng Lalamovetrue

    Read More

    COMMENTS

    Recent Posts

    Lala Auto Shop: Discounted Unioil Fuel E-Vouchers Para Sa Lahat ng Lalamove Driver!
    January 4, 2021
    Lala Auto Shop: All-in-One at Comprehensive Motor Vehicle Insurance Para Sa Lahat ng Lalamove Drivers
    December 22, 2020
    Angat ang Matibay kasama ang Lalamove at Nestle Bear Brand
    December 11, 2020
    Champions Promo: 5X Points sa Phoenix Tsuper Club Card para sa mga Lalamove Driver
    November 16, 2020
    Champions Promo: Libreng Services mula sa Super Miler para sa mga Lalamove Driver
    November 16, 2020

    NEWSLETTER