Balak mo bang mag-apply bilang delivery driver sa Lalamove? Kayang-kaya 'yan kahit sa loob lang ng isang araw! Basahin na at sundin ang mga sumusunod na steps para malaman ang mga requirements at process na kailangan ihanda at gawin.
STEP 1: Mag-sign up sa form na ito |
I-click ito at mag-sign up sa form
STEP 2: I-download ang Lalamove Driver App |
Para ma-upload mo ang iyong mga requirement, kailangan mo ang Lalamove Driver App, at siyempre ito din ang gamit mo para makuha ang iyong mga booking. I-click na ang buttons sa baba para ma-download ang app:
STEP 3: Mag-register sa Lalamove Driver App |
May mga simpleng tanong lang na kailangan mong sagutan para mas makilala ka namin, partner. Kailangan mo lang ibigay ang mga sumusunod:
Cellphone Number |
Buong Pangalan |
Vehicle Type (kung ikaw ba ay may motor, MPV, o Light Truck; tandaan na hindi kami tumatanggap ng sedan) |
Preferred Training Location |
Preferred Training Date |
Matapos nito, antayin lang ang text mula sa aming team tungkol sa iyong training!
STEP 4: I-upload ang mga available na requirement |
Para mas maging simple ang iyong pag-aapply, pwede mong i-upload ang mga requirement na meron ka na sa mismong Lalamove Driver app.
Professional Driver's License |
NBI Clearance |
OR / CR / Deed of sale |
Picture ng plate ng Vehicle |
Picture ng harap ng Vehicle |
Picture ng side ng Vehicle |
Profile picture |
STEP 5: Dalhin ang mga sumusunod sa mismong araw ng training |
Para namin ma-verify ang iyong mga na-upload na dokumento, kailangan mo itong dalhin sa mismong araw ng iyong training. Kaya naman, siguraduhing dala mo ang mga sumusunod na dokumento:
Professional Driver's License |
Original copy ng NBI Clearance |
OR / CR / Deed of sale |
Letter of authorization (kung hindi mo pagmamay-ari ang Vehicle) |
STEP 6: Magpa-verify at simulan nang kumita ng malaki sa delivery! |
Matapos ang training, handa ka na para kumita nang malaki sa delivery! I-settle lang ang iyong cash bond (Motorcycle: P2,000; MPV and Light Truck: P3,000), at initial top up (P500), at ganap ka nang Lalamove Partner Driver!
Handa ka na bang kumita ng malaki sa delivery?
COMMENTS