PANALOMOVE: Libreng Personal Accident Insurance para sa Lalamove partner drivers mula sa Chubb

Partner, mas kampante ka na sa kada-biyahe at delivery dahil dala ng Chubb ang LIBRENG 24/7 personal accident insurance para sa lahat ng active driver at star driver ng Lalamove. Kung may at least 5 completed orders ka kada-buwan ikaw ay qualified na bilang isang active driver. Kailangan naman ay may 4.8 star rating, no penalty, at kabilang ka sa top 5% Lalamove earners (minimum earning requirement applies), qualified ka naman bilang isang star driver.

Mag-sign up na sa form na ito para ma-update ang iyong details, at maghintay ng confirmation message mula sa aming team kung kailan magiging active ang iyong benefit: 

Ngayong tapos ka na mag-sign up, hintayin lang ang confirmation message mula sa amin tungkol sa activation date ng iyong personal accident insurance mula sa Chubb. Narito naman ang mga benepisyo na pwede mong makuha sa personal accident insurance na ito:

Benepisyo Active Driver Star Driver

Accident Death

Kung ang taong naka-insure ay magtamo ng bodily injury na maging dahilan ng kanyang pagkamatay sa loob ng 180 na araw mula sa aksidente, babayaran ng CHUBB ang benefit na naka-specify sa policy.

₱42,500 ₱50,000

Accident Disablement

Kung ang taong naka-insure ay magtamo ng bodily injury na maging dahilan ng permanenteng pagkaputol ng parte ng kaniyang katawan o kaya naman ng kaniyang pagkabaldado sa loob ng 180 na araw mula sa aksidente, babayaran ng CHUBB ang benefit na naka-specify sa policy.

₱37,500 ₱50,000 

Unprovoked Murder and Assault

Kung mamatay, maputol ang bahagi ng katawan, o mabaldado ang taong naka-insure dahil sa murder o unprovoked assault, babayaran ng CHUBB ang benefit na naka-specify sa policy.

₱37,500 ₱50,000

Accident Medical Expense

Kung ma-ospital ang taong naka-insure, babayaran ng CHUBB ang actual expenses para sa medical treatment (In-patient at Out-patient) sa loob ng 52 na linggo mula sa araw ng aksidente (maximum reimbursement amount as stated in the policy)

₱3,750 ₱5,000

Accident Hospital Income

(subject to an excess of 1 day, up to 30 days)

Kung ma-ospital ang taong naka-insure dahil sa aksidente, at kakailanganing niyang ma-confine bilang In-patient sa pangangalaga ng isang doktor, babayaran ng CHUBB ang daily hospital income niya (maximum amount as stated in the policy) sa kada-buong araw na siya ay mamamalagi sa ospital. Ito ay mula unang araw ng confinement, hanggang pang-30 araw.

₱500/day ₱750/day

* based on estimated exchange rate from USD

 

Para naman malaman ang buong detalye tungkol sa pag-claim ng mga benepisyo at iba pang karagdagang impormasyon, pumunta lang sa site na ito. Gamit ang personal accident insurance na ito, mas magiging panatag ka na at ang iba pang mga Lalamove partner driver sa kada-delivery!

 

Gusto mo rin ba makakuha ng panalong benepisyo?

Maging Partner Driver Na!

Share this on

Lalamove Philippines Manila

Related Posts

lalamove driver

PANALOMOVE: Bigating savings sa bagong motor mula sa CitySavings

August 13, 2019

PANALOMOVE: Bigating savings sa bagong motor mula sa CitySavings

Gusto mo na bang i-upgrade ang iyong motorsiklo, partner? Kayang kaya mo na dahil kapag bumili ka sa aming accredited dealer-partners gamit angtrue

Read More
lalamove driver

PANALOMOVE: Discount sa Motorcycle Gear at Accessories mula sa Motoworld!

August 19, 2019

PANALOMOVE: Discount sa Motorcycle Gear at Accessories mula sa Motoworld!

Oras na para mag-upgrade ng iyong mga motorcycle gear at accessories, partner! Para mas astig at ligtas ka sa kalsada, punta na sa kahit na anong true

Read More

Cheapest On-Demand Delivery Van and Truck Rental in Metro Manila

August 9, 2019

Cheapest On-Demand Delivery Van and Truck Rental in Metro Manila

The answer to your search for the cheapest delivery van and truck rental that can be booked anytime, anywhere in Metro Manila is Lalamove! With thetrue

Read More

COMMENTS

Recent Posts

PANALOMOVE: Bigating savings sa bagong motor mula sa CitySavings
August 9, 2019
PANALOMOVE: Discount sa Motorcycle Gear at Accessories mula sa Motoworld!
July 31, 2019
PANALOMOVE: Libreng Personal Accident Insurance para sa Lalamove partner drivers mula sa Chubb
July 16, 2019
Cheapest On-Demand Delivery Van and Truck Rental in Metro Manila
July 4, 2019
PANALOMOVE: Mag-relax gamit ang 10% discount mula sa Mont Albo Massage Hut, partner!
June 29, 2019

NEWSLETTER