FAQs

General

Paano sumali sa Lalamove? Pwede bang part-time?

Madali lang sumali sa Lalamove! Mag-sign up lang dito, i-download ang Lalamove Driver App, mag-training, at pwede ka nang magsimula.

Mapa-fulltime man o part-time, pwede dito sa Lalamove!

Magkano ang pwedeng kitain sa Lalamove?

Pwede kang kumita ng malaki sa Lalamove, Partner at nakadepende ito sa iyong sipag at diskarte!

Para malaman ang buong detalye, basahin ito.

Ano ang process para maging Lalamove Partner Driver?

Step 1: Mag-sign up sa form na ito

Step 2: Mag-register sa Lalamove Driver app sa Android o iOS.

Step 3: I-upload ang mga requirement

Step 4: Mag-training: Virtual Training

Step 5: Hintayin na ma-verify, at pwede ka nang kumita sa pagkuha ng delivery jobs!

Gaano katagal ang process para maging Lalamove Partner Driver?

Sinisikap ng Lalamove team na mag-verify ng Partners sa pinakamabilis na panahon. Pero ito parin ay nakadepende sa dami ng application na aming natatanggap.

Karaniwang umaabot ng 1-2 linggo ang pag-process.

Vehicle-related

Hindi kasama sa listahan ang sasakyan ko. Paano ako makakasali sa Lalamove?

Nandito ang Lalamove Automotive para tulungan kang makakuha ng auto loan at iba pang benepisyo para makakuha ka ng sasakyan na pwedeng gamitin sa Lalamove!

I-click ito para sa iba pang detalye tungkol sa Lalamove Automotive.

May higit sa isa akong sasakyan. Pwede ko ba silang ilagay sa Driver profile ko?

Isang sasakyan lang ang pwedeng i-register sa kada Driver.

Pwede ba akong sumali sa Lalamove ng walang sasakyan?

Matutulungan ka ng Lalamove Automotive makakuha ng auto loan at iba pang benepisyo para makakuha ng sasakyan na pwede mong gamitin para kumita sa Lalamove!

I-click ito para sa iba pang detalye tungkol sa Lalamove Automotive.

Pwede bang gamitin namin ng kakilala ko ang parehong sasakyan sa magkaibang account?

Isang Driver account lang ang pwedeng i-register sa iisang sasakyan.

Document-related

Ano ang requirements para maging Lalamove Partner Driver?

Pagkatapos mag-sign up at mag-register sa Lalamove app, i-handa ang mga sumusunod na requirements para maging Lalamove Partner Driver:

- Professional Driver's License
- NBI Clearance
- OR / CR / Deed of sale
- Picture ng plate ng Vehicle
- Picture ng harap ng Vehicle
- Picture ng side ng Vehicle
- Profile picture

Magiging ligtas ba ang isu-submit kong requirements?

Alinsunod sa umiiral na Privacy Policy ng Lalamove, nakatitiyak ka na ligtas ang iyong mga sensitibong impormasyon.

Training-related

Paano ako makakapag-reschedule ng training?

Para sa Online Virtual Training, gamitin lamang ulit ang link na ibinigay upang makapagtake ng training. Kapag on-site training reschedule , magsesend ang aming team ng SMS upang itanong ang preferred date kung saan kayo available na makapagtraining.

Ano ang pinagkaiba ng Virtual Training sa In-Person Training?

Para masigurado ang kaligtasan ng mga nagnanais na maging Partner Driver, hatid ng Lalamove ang mas pinadali at pinaligtas na Virtual Training. Gamit ito, di mo na kailangang pumunta pa sa opisina ng Lalamove.

Aming ise-send ang link ng Virtual Training matapos niyong mag-sign up. Dito namin ituturo ang mga proseso ng pag-dedeliver bilang Lalamove Partner Driver.

Payment-related

May bayad ba para maging Lalamove Partner Driver?

May ₱2000 na cash bond para maging motorcycle Partner Driver, at ₱3000 cash bond naman para maging 4-Wheel Partner Driver (MPV/Truck).

Bakit may deposit/cashbond para maging Lalamove Partner Driver?

Ang Cash Bond ay mahihahalintulad sa Liability Insurance na kung saan saklaw ng nasabing bond ang mga sumusunod na pananagutan tulad ng:
-nasirang/nawalang item
-Paglabag sa Code of Conduct
Ang iyong Cash bond ay hindi bayad para sa membership sa Lalamove. Huwag mag-alala dahil ang Cash Bond ay refundable sa oras ng platform withdrawal ng isang Partner Driver, depende sa balanseng hindi pa nagagamit o nakakaltasan sa panahanong nagserbisyo sa Lalamove.

Paano ko makukuha ang kita ko mula sa Lalamove?

Buksan ang iyong Lalamove Driver App at sundin ang mga steps na ito
- I-click ang My Wallet at pindutin ang Cash out
- Ilagay ang iyong bank account/GCash account
- I-input ang mga detalye ng iyong bank account/GCash account
- I-input ang amount na nais mong i-cashout
- Sundan ang confirmation process

Matatanggap mo ang cashout sa iyong bank account/GCash account sa susunod na working day.
Patuloy lang na kumuha ng booking para lalo pang lumaki ang iyong kita sa delivery!

Have more questions?

Chat with US