Table of Contents

 

Hanap mo ba’y malaking pagkakakitaan kung saan hawak mo ang iyong oras? Kung ikaw ay may sasakyan at handang maghatid ng saya at magandang serbisyo sa mga customer, maging Lalamove Partner Driver na! Mula sa requirements, proseso, pati ang pwede mong kitain at benefits, mahahanap mo dito.

Ang Lalamove ang nangungunang on-demand delivery platform sa buong Asia, at dito sa Pilipinas matatagpuan ang aming mga Partner Driver sa mga kalsada ng Manila at Cebu. Gamit lang ang iyong motorsiklo, MPV (tulad ng Avanza, Innova, o Hiace), o Light Truck (tulad ng L300), pwedeng pwede kang kumita sa delivery! Handa ka na ba?

Requirements ng Lalamove Partner Driver

Simulan ang lahat sa paghahanda ng mga requirement!

Kung gusto mong maging Partner Driver, ang unang requirement namin ay siyempre dapat handa kang magbigay ng magandang serbisyo sa lahat ng ating customer. Ang pagiging masipag at matapat ang pinakamahalagang requirement ng isang Lalamove Partner Driver. Kung kaya mong ibigay ito, kailangan mo nalang ihanda ang mga sumusunod na bagay:

  • Sariling sasakyan mapa-motorcycle, MPV, o Light Truck man (hindi po kami tumatanggap ng sedan o ng 6-wheeler na truck) *
  • Professional Driver's License
  • NBI Clearance
  • OR / CR / Deed of sale
  • Letter of authorization (kung hindi mo pagmamay-ari ang Vehicle)

Kung handa na ang mga ito, oras na para mag-apply!

Steps para maging Lalamove Partner Driver

Isang araw lang, pwede ka nang bumiyahe at kumita! 

Matapos mong ihanda ang mga requirement, oras na para ipa-process ang mga ito para maging Lalamove Partner Driver. Madali lang ito at kayang kaya mong gawin sa loob ng isang araw. Ready?

  • Una mong kailangan gawin ay mag-sign up sa form na ito:
  • I-download ang Lalamove Driver App       Lalamove Download Google Play     Lalamove Download App Store
  • Mag-register sa Lalamove Driver App
  • I-upload ang mga inihanda mong requirements at idagdag ang mga ito:
    • Picture ng plate ng Vehicle
    • Picture ng harap ng Vehicle
    • Picture ng side ng Vehicle
    • Profile picture
  • Pagkatapos nito, pumunta na sa training! 'Wag kalimutang dalhin ang mga requirements
  • Pumunta sa orientation, magpa-verify, at simulan nang kumita ng malaki sa delivery

Nagawa mo na ba lahat ng ito? Congrats! Isa ka nang ganap na Lalamove Partner Driver. O 'di ba ang simple at ang bilis lang ng proseso 😉At ngayong kasama ka na sa madaming Partner Driver na naghahatid ng magandang delivery service, ihanda mo na'rin ang iyong sarili sa magandang kita sa Lalamove!

Kita ng Lalamove Partner Driver

Depende sa iyong sipag, tiyak na magiging malaki ang kita mo sa delivery kasama ang Lalamove!

Ngayong Lalamove Partner Driver ka na, kailangan mo nalang sipagan sa pag-dedeliver para kumita ng malaki! Pero magkano nga ba ang kayang kitain ng isang Lalamove Partner Driver?

LLM Driver 1Kung ikaw ay isang Motorcycle Partner Driver, kaya mong kumita ng humigit kumulang ₱6,000 - ₱30,000/month. Marami sa mga booking na iyong makukuha ay mga packed food meals ng ilan sa ating mga business clients, mga documents (a la messenger), at iba pang pangangailangan ng ating mga customer.

MPV Partner Driver ka ba? Kung ganun, kaya mong kumita ng ₱10,000 - ₱70,000/month. Madalas na bino-book ang iyong serbisyo ng mga client para sa mga mid-sized at delicate items tulad ng ilang appliances at pastries. Kasama ang Lalamove, kaya nating gawing income para sa family ang inyong family car!

Big time negosyo ba ang gusto mo bilang Light Truck Partner Driver / Operator? Humigit kumulang ₱20,000 - ₱170,000/month ang kaya mong kitain, partner! Malaking tulong ang iyong serbisyo sa mga customer natin na nagli-lipat bahay o kaya naman ay may malaking negosyo. Sa laki ng iyong sasakyan, siguradong kaya mong kumita din nang malaki!

Ayos 'di ba? Kaya naman kung lagi kang kukuha ng booking, mas lalong lalaki pa ang kita mo na siguradong makakatulong para maabot mo at ng iyong pamilya ang inyong mga pangarap!

Benefits ng Lalamove Partner Driver

Dala ng marami naming partner companies ang mga benepisyo na para sa'yo.

Hep, hep, hep! Akala mo dun na tayo nagtatapos? Hindi, partner! Dahil alam mo bang, higit pa sa magandang kita, may panalo ring mga benefits ang Lalamove para sa lahat ng aming Partner Driver! Kasama ang aming mga partner companies, amin 'tong dala sa inyo para mas maging swabe ang inyong biyahe.

DriverPage_Panalomoves_Mobile-07

Kung kailangan mo ng mas mura at dekalidad na fuel, kasama namin ang Petron, Shell, Unioil, Seaoil, at Prycegas para bigyan ka ng exclusive discount at points. May maintenance partners din kami tulad nina Motolite, Aguila Auto Glass, Aetherion Solutions, Transcycle at Powercycle, at Coolmate na sisiguraduhing maayos ang iyong sasakyan gamit ang kanilang mga produkto tulad ng vehicle battery, auto glass, coolant, spare parts, at marami pang iba.

Para naman sa mga gusto ng healthcare benefits, nandyan ang Maxicare at Hi-Precision Diagnostics para magbigay ng mas mababang presyo para sa kanilang mga serbisyo. At dahil alam namin ang panganib na dala ng trabaho mo, dala namin at ng Chubb Insurance ang personal accident insurance para sa lahat ng Lalamove Partner Driver!

Bukod sa mga ito, marami pa kaming dalang benepisyo mula financing, vehicle purchase, accessories, tires, retail, at iba pa! Para sa buong listahan at mga detalye tungkol sa kanila, bisitahin na ang ating Panalomove site.

 

*  Para sa buong detalye ng mga Accepted
Vehicles,
tingnan ang listahang ito.

 

Iba talaga dito sa Lalamove, kaya naman mag-sign up na at ihanda ang sarili na kumita ng malaki sa delivery!

READY KA NA BA MAG-UPGRADE?

Wala ka pa bang sasakyan, pero gusto mong maging Partner Driver? O kaya Partner Driver ka na, pero gusto mong mag-upgrade ng sasakyan? Nandito ang Lalamove Automotive para tulungan ka!


Up to 60-months installment
para mas magaan ang iyong pagkuha ng sasakyan.


Big discount sa downpayment
dahil may special price kami mula sa aming parnters tulad ng JAC Motors, Hyundai, Isuzu, Foton at Kia.


Exclusive Lalamove Privileges
at mga freebie na mas magpapadali ng iyong delivery business.

MAG-SIGN UP NA PARA MAKUHA ANG IYONG BRAND NEW DELIVERY VEHICLE!

 

Pinasok ko ang Avanza ko sa Lalamove at masayang masaya ako dahil kumikita ako ng malaki kada buwan para matulungan ang pamilya ko.
arnold

Arnold Penaroyo Lalamove Partner Driver

Hindi ko man nagagamit pa, masaya ako at may insurance at benefits si Lalamove dahil hindi natin basta masasabi, baka biglang kailanganin.
jesus

Jesus Ogayre Lalamove Partner Driver