Maging isa sa mga 100 na mapipiling Lalamove Partner Drivers na makatatanggap ng PHP 20,000 educational financial assistance para sa edukasyon ng inyong anak o kapatid na nag-aaral sa senior high school o kolehiyo. Pwede kang mag-apply simula September 29 hanggang October 29, 2023.
Sino-sino ang pwedeng sumali?
Pwedeng mag-apply ang 1 Lalamove Partner Driver para sa kanilang anak o kapatid (first-degree relatives only) na nasa senior high school o kolehiyo.
Active Lalamove Partner Driver ng at least 1 buwan (minimum) at na-meet ang order requirement ayon sa vehicle
Dapat mayroong good track record ang Lalamove Partner Driver. Hindi dapat suspended o banned ang Lalamove Driver account mo.
I-submit lamang ang school ID o enrollment documents mula sa huling semester o academic year. Walang minimum grade requirement.
Sumang-ayon sa Terms and Conditions ng Lalamove at pumayag na ibahagi ang iyong personal data, kwento, at testimonials tungkol sa programa.
- Digital 2x2 picture
- Screenshot ng Driver App Profile
- [Para sa anak o kapatid ng Partner Driver]
- Official documents na nagsasaad ng enrollment status ng aplikante
- Dokumentong nagpapatunay na anak o kapatid ng Partner Driver ang aplikante (hal. Birth certificiate, Medical records, Baptismal certificate)
- Digital 2x2 picture
- Screenshot ng Driver App Profile
- [Para sa anak o kapatid ng Partner Driver]
- Official documents na nagsasaad ng enrollment status ng aplikante
- Dokumentong nagpapatunay na anak o kapatid ng Partner Driver ang aplikante (hal. Birth certificiate, Medical records, Baptismal certificate)
- Digital 2x2 picture
- Screenshot ng Driver App Profile
- [Para sa anak o kapatid ng Partner Driver]
- Official documents na nagsasaad ng enrollment status ng aplikante
- Dokumentong nagpapatunay na anak o kapatid ng Partner Driver ang aplikante (hal. Birth certificiate, Medical records, Baptismal certificate)
- Digital 2x2 picture
- Screenshot ng Driver App Profile
- [Para sa anak o kapatid ng Partner Driver]
- Official documents na nagsasaad ng enrollment status ng aplikante
- Dokumentong nagpapatunay na anak o kapatid ng Partner Driver ang aplikante (hal. Birth certificiate, Medical records, Baptismal certificate)
• Ilang aplikante ang pwedeng makatanggap ng educational financial assistance?
100 na Partner Drivers ang pwedeng mapili bilang beneficiary ng educational financial assistance, pero isang beneficiary lamang ang pwedeng makatanggap ng nasabing assistance (anak o kapatid). Non-transferable din ito.
• Paano kung huminto sa pag-aaral ang anak o kapatid ko na gusto kong maging beneficiary?
Pwede pa rin siyang mag-apply basta’t mai-submit ninyo ang mga required documents na patunay na siya ay nagnanais na bumalik sa pag-aaral (ex. School ID, enrollment documents mula sa last academic year).
• Mula saan ang mga pwedeng mag-apply sa programang ito?
Pwedeng mag-apply ang mga Lalamove Partner Drivers mula sa Greater Manila area, NCR, North, Central at South Luzon, at Cebu na serviceable areas ng Lalamove.
• Kailan ko [beneficiary] matatanggap ang educational financial assistance?
Matatanggap ng beneficiary ang educational financial assistance bago magsimula ang semester ng January 2024.
• Paano ko matatanggap ang educational financial assistance?
Ide-deposit diretso sa bank account ng Lalamove Partner Driver ang PHP20,000 na educational financial assistance.
• Ilang beses ako pwedeng mag-apply para makakuha ng educational financial assistance?
Sa ngayon, isang beses lang pwedeng mag-apply ang Lalamove Partner Drivers sa programa. Hintayin ang iba pa naming updates tungkol dito.
• May maintaining grade ba para sa mga makatatanggap ng educational assistance?
Wala dapat failing grade o bagsak na grado ang mga beneficiaries (GPA ng 3.0 o mas mataas o at least ~76-82 sa academic percentage).
• May mga requirements bang kailangang ipakita bilang patunay na nagamit ang PHP 20,000 na cash assistance?
Dapat magpakita ng Proof of Enrollment bilang patunay na nagamit ang educational financial assistance. Pwede ring magbigay ng kopya ng tuition payment receipt ang beneficiary.
• Ano pa ang ibang bahagi ng programa pagkatapos makuha ang educational assistance?
Magiging bahagi rin ang beneficiary ng Group Kumustahan Calls at Learning Sessions kasama ang iba pang beneficiaries. Gaganapin ito ng dalawang beses per semester.
• Anong mangyayari kung hindi ako makakapagbigay ng patunay na nagamit ang PHP 20,000 na cash assistance para sa edukasyon ng anak o kapatid ko?
Kung hindi makapagbibigay ang beneficiary ng patunay sa loob ng 30 araw, hindi na muling mabibigyan ng pagkakataon ang Partner Driver na sumali sa iba pang programa ng Lalamove.
• Paano kung hindi ko ma-maintain ang aking good track record bilang Lalamove Partner Driver matapos mapasama sa beneficiaries ng BiyahEdukasyon?
Kung masuspend o ban ang account, hindi na pwedeng mag-apply muli ang Partner Driver, anak o kapatid nito na maging parte ng kahit anong susunod na Lalamove program.
• Saan pa pwedeng makahanap ng updates tungkol sa programang ito?
I-follow ang Lalamove Philippines sa Facebook, Instagram, o TikTok para sa iba’t ibang updates.
Listahan ng 100 Lalamove BiyahEdukasyon Partner Driver Beneficiaries
Congratulations sa mga napiling 100 Lalamove Partner Drivers at sa inyong mga beneficiaries! Pagpupugay para sa inyong sipag at dedikasyon para sa inyong mga mahal sa buhay, mga Bossing!