Panalomove: CIMB Loan Assistance para sa mga Lalamove Driver

Ang Lalamove kasama ang CIMB Bank ay may hatid na loan assistance benefits na pwedeng ma-avail ng lahat ng Lalamove Partner Driver! Sa simpleng mga steps lang ay pwede ng makauha ito, basahin ang buong detalye:

ANO?

REVI Credit (Customized Credit Loans)

SINO?

Mga Partner drivers na makakatanggap ng SMS invitation

PAANO?

1. Malapit na at makaka-apply ka na sa REVI Credit! Abangan lang ang SMS invitation para mag-apply! Para mag-apply sa REVI Credit, kailangan muna magbukas ng GSave Account at magtransact ng kahit isang cash-in upang maging active ang GSave Account.

  • Buksan ang iyong GCash mobile app o i-download ito para magbukas ng GSave Account:

    Play Store: https://go.gcash.com/GCashAndroid

    App Store: https://go.gcash.com/GCashiOS

    Huawei App Gallery: https://go.gcash.com/GCashAppGallery

2. Magbukas ng REVI Credit Account kapag nakatanggap na ng imbitasyon galing sa CIMB Bank. Ito ay ipapadala sa loob ng limang (5) araw pagkatapos magbukas ng GSave account. Kung isa ka ng active na GSave user (i.e. may minimum one (1) cash-in transaction), abangan lang ang invitation para mag-apply sa REVI Credit.

  • I-download ang REVI Credit by CIMB Bank PH Mobile App para makapag-sign up ng REVI Credit Account.
  • Mag sumite ng isa (1) sa alinmang Government ID sa mga sumusunod:
    - Driver’s License
    - Voter’s (COMELEC) ID Card
    - National Professional ID Card
    - Philippine Passport
    - Unified Multipurpose ID (UMID)
    - Postal ID
    - Social Security System (SSS)
    - Philippine Identification System ID (PhilSys ID)

3. Maaaring makatanggap ng maximum na PHP 250,000 credit line at interest rate na minimum 1% kada buwan



Payment options:
CIMB Savings Account
7-Eleven (CLIQQ)
Dragonpay

 

Gusto mo bang makita ang iba pang Panalomove?

Tingnan ang mga benepisyo

 

Screenshot (392)

Ano ang REVI Credit?
Ang REVI Credit ay first-of-its-kind all-in-one revolving credit line. Sa REVI Credit, may ready cash ka, kahit kailan, kahit saan. Maaring ma-approve ang mga customers ng credit line hanggang PHP 250,000 na pwede nilang ma-access sa REVI Credit App at gamitin para magbayad ng bills, i-convert sa term loan, at iba pa. Kung hindi nila gagamitin ang kanilang credit, wala silang kailangan bayaran na additional interest o fees. Maaaring i-replenish ang kanilang credit line kapag binayaran ang kanilang balanse bago ang due date.

Saan magagamit ang REVI Credit:

  1. Magagamit ang REVI Credit para sa pang araw-araw na pangangailangan, emergencies, pangbayad ng bills, o para mag-shop online (coming soon).
  2. Magagamit ang REVI Credit para mag withdraw ng cash at ideposit sa CIMB Bank savings account. 
  3. Pwedeng i-convert ang credit line sa term loan.


Tingnan ang mga karagdagang benepisyo na pwede mo pang makuha:

Bawat Partner Driver ay magkakaroon ng Personal Accident Insurance na nagkakahalaga ng Php 50,000.00 habang active ang REVI Credit account at may good standing. Magkakaroon din ng credit line rebates para sa kanilang credit line na abot hanggang 10% para sa mga Partner Drivers na nagpapakita ng maayos na record sa pagbayad ng kanilang credit; sila ang mga Partner Drivers na walang naitalang overdue payments sa tatlong (3) sunud-sunod na payments. Ang credit line rebates na benepisyo ay automatic na i-babayad sa GSave account  sa susunod na billing cycle pagkatapos ng tatlong (3) sunod-sunod na on time payments. 5% per annum na interest rate promo (hanggang Php 200.00 kada buwan) para sa savings balanse ng Participating Driver’s GSave disbursement account at hindi kailangan ng maintaining balance. *Ang promo interest rate (5% per annum) ay valid hanggang January 2022. Pagkatapos ng January, ang interest rate ay magiging 2.6% per annum.

PAANO MAG BAYAD?

  1. Mag log-in sa REVI Credit by CIMB Bank PH Mobile App.
  2. Sa iyong billing date, makikita sa iyong app ang total ng iyong babayaran (Principal + Interest). Magkakaroon ka ng labinlimang (15) araw para makapagbayad.  
  3. Pwede kang makapagbayad sa mga sumusunod na Payment Options:
    - CIMB bank Savings Account
    - 7 Eleven (CLIQQ)
    - Dragonpay
  4. Pwede kang magbayad ng buo o full payment o kaya naman ay minimum amount due na naghahalaga ng 15% ng total ng iyong due amount.

PAANO KUNG HINDI NAKAPAGBAYAD (SA LOOB NG 15 DAYS)?

  1. Hindi maaaring maaccess ang credit limit hanggang sa makapagbayad
  2. Magkakaroon ng 5% late fee o minimum na Php 50.00 na dagdag na fee

Ready ka na bang makuha ang mga benefits na ito? Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang CIMB Bank Website.

 

Gusto mo rin ba ng delivery driver benefits?

Mag-sign up na

Read more