Panalomove: Special Discount sa Fuel mula sa Caltex para sa mga Lalamove Driver

Dala ng Caltex, isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang fuel brand, ang special discount para sa mga Lalamove Partner Driver. Ang maganda dito, 'di mo na kailangan i-register ang card! Kunin mo lang ang iyong Lalamove-Caltex SavePlus Card sa alinmang Lalamove office at pwede mo na itong gamitin agad! Basahin na ang buong detalye ng benepisyong ito hatid ng Lalamove para sa aming mga delivery driver

Disclaimer: This has been updated and optimized last July 2020.

ANO?

Mga sumusunod na discount gamit ang Lalamove-Caltex SavePlus Card

- ₱3 per liter off sa Caltex Platinum with Techron and Silver
- ₱1.50 per liter off sa Diesel with Techron
- ₱10 per liter off sa Lubricant products

SINO?

Lahat ng Lalamove Partner Driver

PAANO?

1. Pumunta sa alinmang Lalamove Office para makuha ang iyong Lalamove-Caltex SavePlus Card

2. Pumunta sa kahit na anong Caltex participating branch

3. Ipakita ang Lalamove-Caltex SavePlus Card para makuha ang special discounts

 

Gusto mo bang makita ang iba pang Panalomove?

Tingnan ang mga benepisyo

 

Dala ng Lalamove-Caltex SavePlus Card ang panalong discount para sa'yo, partner! Gamit ito, makakatipid ka ng ₱3 kada litro ng Caltex Platinum with Techron and Silver, ₱1.50 kada litro ng Diesel with Techron, at ₱10 kada litro ng- Lubricant products. 

Kailangan mo lang tandaan ang mga sumusunod para ma-avail ang promo:

Para sa Fuels:

1) May maximum na 80 liters kada card o 2 transactions kada araw lang ang Lalamove-Caltex SavePlus Card, sa kahit na anumang fuel na ipapakarga (kung anuman ang mauna)

2) Ang discount ay mag-aapply lang sa mga sumusunod na maximum purchase:
- 400 liters kada card, kada month, para sa Caltex Platinum or Silver with Techron
- 1200 liters kada card, kada month, para sa Caltex Diesel with Techron;

Para sa Lubricants:

- May maximum na 25 liters kada card o 4 na transactions per quarter per card (kung anuman ang mauna)

Caltex Products

Pwede pa itong gamitin sa kahit na anong Caltex branch maliban sa mga nasa loob ng Landers Superstore at sa Mindanao! Kaya ano pa ang hinihintay mo, partner? Punta na sa Lalamove Office at kumuha na ng iyong Lalamove-Caltex SavePlus Card! 

*Hindi pwedeng bayaran ang transaction gamit ang StarCard o local PO, at hindi din pwede gamitin ang card
kasabay ng anumang discounting scheme at hindi din ito makakaipon ng loyalty points.

 

Gusto mo rin ba ng delivery driver benefits?

Mag-sign up na

Read more