Paano Maging Partner Driver - Requirements, Process, ATBP.

Balak mo bang mag-apply bilang Lalamove Bossing? Ito na ang motorcycle o private car delivery job na para sa'yo!
Kayang-kaya 'yan kahit sa loob lang ng isang araw gamit ang iyong smartphone! Ito na ang mga steps at delivery driver requirements na kailangan sa application process.
STEP 1: I-DOWNLOAD ANG DRIVER APP
![]() |
![]() |
Para sa mas pinadaling sign-up process, i-download lamang ang Lalamove Driver App sa App Store o Google Play Store. Maliban dito, pwede ka ring mag-sign up sa Lalamove Website.
STEP 2: MAG SIGN-UP SA DRIVER APP
May mga simpleng tanong lang na kailangan mong sagutan para mas makilala ka namin, Bossing. I-provide lamang ang mga detalyeng ito:
Cellphone Number |
|
Buong Pangalan |
|
Vehicle Type (kung ikaw ba ay may motor, sedan, MPV, o truck) |
|
STEP 3: MAG-ONLINE TRAINING
Isapuso ang mga lessons para sa mas swabeng delivery! Ang resulta ng iyong exam ay makikita mo din agad sa app.
STEP 4: I-UPLOAD ANG REQUIREMENTS
Para mas simple ang pag-apply, pwede mong i-upload ang mga Lalamove driver requirements sa mismong driver app.
Sariling sasakyan/motor |
Vehicle Photos na kita ang Plate Number (harap, likod, gilid) |
Professional Driver's License |
Profile Photo (plain background, no accessories) |
Valid NBI Clearance (3 months valid) |
Kung non-pro ang license: Pwede ka pa ring ma-verify, pero kailangan mo itong maayos sa loob ng tatlong (3) buwan. O kaya naman ay mag-provide nalang ng Police / Barangay Clearance. |
Official Receipt of Vehicle Registration (OR) |
Kung walang OR / CR ang 4-Wheel: Sales Invoice |
Vehicle Certificate of Registration (CR) |
Truck Requirement: Truck for Hire permit (LTFRB Case number/Provisional Authority). Pwedeng kausapin ang customer service para matulungan kayo.
|
STEP 5: MAGPA-VERIFY AT SIMULANG KUMITA
Matapos ang training, handa ka na para kumita nang malaki sa delivery! I-settle lang ang iyong cash bond, initial top-up, at ganap ka nang Lalamove Bossing! Pwede rin dito ang mga taxi driver na nais mag-deliver gamit ang private car. Simulan mo na ang delivery driver journey mo, Bossing!
Sumali na rin sa Liga ng mga Bossing Facebook Group — Driver Community ng Lalamove. Mas madali nang makakuha ng updates, lalo na sa exclusive discounts at latest announcements sa Lalamove, at marami ka pang makakausap at makaksalamuha ng mga kapwa Lalamove Bossings na magbibigay ng tips, inspirasyon, at handang tumulong sa mga kapwa nila delivery driver sa Pilipinas.
Kung meron ka pang higit sa isang sasakyan, pwede ka pang maging Fleet Operator via Fleet Management Program kung saan may sarili ka nang negosyo, mas sulit pa ang biyahe! — Truck Driver PH
FAST ACTIVATION SITES
MANILA | |
Makati City | Paranaque Integrated Terminal Exchange 1, Kennedy Road, Tambo, Parañaque, 1701 Metro Manila |
PAMPANGA | |
Angeles City | Gruppo Del Diamante, Magalang Ave., Angeles, Pampanga |
CEBU | |
Mandaue City | Unit 3-104, GF, OIC3-Oakridge Business Park, Mandaue City, Cebu |
Kung ready ka na sa mga application process at kumpleto na ang iyong requirements, pumunta lamang sa aming fast activation sites. Pwede kang maging Lalamove rider in as fast as 6 hours. Welcome din ang mga delivery riders na at naghahanap ng part-time delivery job! — may driver for hire Manila, driver hiring in Pampanga, at driver hiring in Cebu dito.
Pwede ka na ring mag refer ng tropa sa Manila, Cebu, at Pampanga para maging Bossing na rin sila! Kung may mga katanungan ka tungkol sa Cash Out Process at Vehicle Stickers, nandito na rin ang mga kasagutan. Oo mo nalang ang kulang!
Ano pang hinihintay mo? Mag-apply na sa truck, motorcycle at private car delivery job na ito! Siguradong panalo ka sa bawat biyahe kasama ang Lalamove. Sundan lamang ang mga nakalagay sa itaas at siguradong sagana ang iyong hanap-buhay. Tara na't mag-long distance roadtrip kasama ang mga soon-to-be kapwa Lalamove Bossing mong maaasahan sa bawat biyahe!
Handa ka na bang kumita ng malaki sa delivery?