Delivery Driver

Ano ang diskarteng 16K ng isang part-time Lalamove driver?

featured image

 

Posible bang kumita ng extrang ₱16,000 kahit part-time sa Lalamove? 

Kilalanin si Bossing Tirso Amila, isang kahanga-hangang part-time Lalamove driver on hire sa Cebu City na nagpatunay na kung meron kang tamang diskarte, mindset at dedikasyon, makakamit mo rin ang extrang kita na ₱16,000 sa isang buwan kahit part-time!

Hindi lang posible kundi abot-kamay pa ang tagumpay! Kaya kung naghahanap ka ng driver job hiring in Cebu, baka ito na ang dagdag kita na kailangan mo.

Alamin ang diskarte ni Bossing Tirso para masundan mo rin ang yapak niya kung paano kumita ng ganito kalaki!

 

icon_Vehicle Registration

Gusto mo rin bang kumita nang malaki?

SIGN-UP NA

 

 

 

Kilalanin si Bossing Tirso: Cebu's Top Earning 2000kg Part-time Truck Driver


August 2023 nang maging partner driver si Tirso Amila, may full time na trabaho sa Safety & Security Health sector pero pinapasada parin ang kanyang 2000kg elf truck para sa dagdag kita.

"Part-time lang ako sa Lalamove pero imagine, ₱16,000 a month nakukuha kong extra kita. Malaki pa sa sahod kong regular. Kung ifu-full time ko pa 'to, parang mas malaki pa talaga sa sahod ko ngayon. Kaya naman ako nag la-Lalamove, para talaga may panghulog ako sa sasakyan. Parang na-free ko na rin yung hulugan ko sa sasakyan." sabi ni Bossing Tirso.

Hindi maitatanggi ang sipag niya dahil pagtapos na pagtapos niya sa kanyang full time work, kumukuha na siya agad ng bookings sa gabi!

Dagdag pa niya na hindi rin dumadaan sa isip niya na ipasok ang sasakyan niya at mangontrata sa ibang kumpanya dahil sa siya ang sarili niyang boss dito at mas hawak niya pa oras niya. "Mas ok talaga sa akin deretso sa Lalamove, walang iba." sabi ni Bossing Tirso.

"Hindi ako nag mu-multi platform gaya ng iba dahil pinipili ko talagang sa Lalamove ibigay ang vacant time ko bilang mas kilala siya na app. Sikat yung Lalamove sa motor at ngayon naman sa malalaking truck na." dagdag ni Bossing Tirso patungkol sa kung bakit ekslusibong Lalamove lang ang gamit niyang driving app bilang driver on hire.


 

 

LALAKIT_Icon6

#DiskartengTirso

Paano niya nga ba nagawang kumita nang ganito kalaki sa loob ng isang buwan kahit part-time? Tingnan ang sariling diskarte ng top earning Lalamove 2000kg Cebu City truck driver na si Bossing Tirso dito!

 

 

HERO VEHICLE: 2000kg TRUCK

Isa sa diskarte ni Bossing Tirso bilang truck driver ay ang pagpili ng sasakyan na ipamamasada. 

"Sa ibang driving app kasi onti lang yung booking, sa Lalamove laging may booking lalo na sa 2000kg truck. Kahit sa tingin ng iba mababa rate ni Lalamove, e kung marami naman nagbu-book, hindi ka na rin lugi. Mas marami parin kinikita ng mga drivers dito kesa sa pa-isa isang booking ng ibang app." kwento ni Bossing Tirso.

Tuloy-tuloy lang ang daloy ng kita niya dahil tuloy-tuloy lang rin ang pasok ng mga booking sa driver app!

Maraming nangangailangan ng capacity ng isang 2000kg truck dahil ito ang ideal vehicle na pang delivery sa mga negosyo.

"Meron akong isang customer, natuwa siya sa laki ng truck, 'ito yung maganda. malaki yung truck!' sabi niya dahil sa order sharing." naka ngiting kinewento ni Bossing Tirso. 
 
Madalas ay puro scheduled o advanced bookings din ang nakukuha niya kaya pabor ito sa kanya, "Puro 1 week advance lalo na kung lipat bahay service" dagdag niya.

“Pinili ko mag lalamove para kumita kasi madali lang din makakuha ng booking dito kahit part-time lang. Kagabi, paguwi ko sa trabaho, isang biyahe lang naka ₱1,500 na ako agad. Mga 6-7pm lang ako nun." sabi ni Bossing Tirso. Uuwi ka na nga lang, sa loob ng isang oras, kumita ka pa!

Madalas ang bitbit niya ay maraming mga kahon. 40 boxes ng noodles o chichirya na pinadadala sa Liloan. “Minsan nga, ₱5,000 sa isang araw. Basta 2000kg ang gamit na truck.” dagdag niya.

Ngayong ber months, panalo ang pasko mo sa Lalamove dahil sa Drive, Move & Win! Kung may 2000kg kang truck, pwedeng-pwede sumali para mas kumita nang marami. Partner Driver Pamasko ito mula November 17 hanggang December 14.

 

 

DRIVER REFERRAL PROGRAM

Mas maraming referral, mas maraming kita!

"Apat na yung na-recruit ko. Majority sa kanila, nag full time na at puro truck drivers under DRD (Driver-Refer-Driver)." sabi ni Bossing Tirso.

Naka apat na secured referrals na siya, kaya naman kumita na si Bossing Tirso ng mahigit ₱3,000 sa bawat approved driver na na-refer. Dagdag sa regular booking niyang kita! Tingnan na ang mga detalye tungkol sa Lalamove Driver Referral Program.

 

 

PAGIGING WAIS SA SCAM

Alerto si Bossing Tirso sa scam kaya hindi nababawasan nang malaki ang kanyang kita.

May mga Lalamove drivers na nas-scam sa iilang Buy For Me at COD bookings kaya imbis na nakaka ipon at kumikita ng mas malaki, nababawasan.

Kaya isa sa mga diskarte ni Bossing Tirso ay ang pagiging maingat at mabusisi sa customer at natatanggap na booking.

Dahil dito, mas nagiging safe ang lumalaking kita niya. Kung gusto mo rin maging wais sa scam, pumunta sa link na ito: Cebuano Driver Peak Season Tips.

"Bukod dito, ang maganda sa Lalamove, nagtutulungan din ang mga drivers kung paano maka-iwas sa scam." dagdag niya. Kaya para hindi ka maperwisyo sa daan pati na rin ang kita, maging wais sa scam!

 

PAGPILI NG AFFORDABLE GAS OPTION

Imbis na maubos ang pera sa mamahaling gas, isa sa diskarte ni Bossing Tirso ay maghanap ng mura at magandang quality ng gas.

Sulit na sulit niya ang bawat booking dahil namimili talaga siya ng pagpapa gas-an na hindi mabigat sa bulsa lalo na yung mga may malalaking Panalomove Driver Benefits galing sa Lalamove.

Bawas sa bayarin at naka ipon ka pa para sa ibang gastusing pang sasakyan! Ito ang mga fuel partners ng Lalamove sa Cebu City na pwede mong i-avail:


Panalomove: Exclusive na Fuel Discount mula sa Caltex
Panalomove: Fuel, Rebates at Free Services galing Petron
Panalomove: VIP Card na may Points to Cash Feature ng SEAOIL

 

 

 

 

lalamove-driver-tirso

 "Part-time lang ako sa Lalamove pero imagine, ₱16,000 a month nakukuha kong extra kita. Malaki pa sa sahod kong regular. Kung ifu-full time ko pa 'to, parang mas malaki pa talaga sa sahod ko."

- Bossing Tirso, Lalamove 2000kg Truck Driver

 

 

 

Gusto mo na rin ba kumita nang extra?

SIGN-UP NA

 

icon-Tax-ID-REGIMEN

Work-Life Balance

Sa laki ng kinikita ni Bossing Tirso bilang part-time Lalamove truck driver, meron pa kaya siyang work-life balance?

"Yes, balanse yan." agad na pag kumpirma niya.

Sa sipag niya, balanse parin ang oras sa pamilya family at pati na rin ang sariling pahinga. Isa sa mga dahilan ay marunong rin siya sa time management!

 

lalamove-fleet-operators

 

Tulad ni Bossing Tirso, kaya mo rin kumita nang malaki sa pagiging Lalamove truck driver! Samahan mo lang ng sipag at tamang diskarte.

Tingnan ang iba pang diskarte ng ibang partner drivers:
Paano kumita ng 200K bilang Lalamove Fleet Operator?
Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?
Paano kumita ng 53K bilang 3000kg Truck Driver?


Kung naghahanap ka ng job hiring in Cebu sa logistic industry, pwedeng-pwede dito! Tingnan ang Lalamove Requirements: Paano Maging Delivery Driver? para sa karagdagang impormasyon.

Marami pang Exclusive Panalomove Driver Benefits na para sa'yo. Kaya kung meron ka 'ring 2000kg truck, ipasok mo na 'yan sa Lalamove, bossing! Ngayon ang tamang oras para mag-apply dahil sa Best Income Combo, bai!

 

 

 

Handa ka na ba maging Lalamove driver?

SIGN-UP NA

 

Read more

Need to book a delivery?