Part-time o Full-time Delivery Driver Job: Mga dapat malaman bago mag-sign up sa Lalamove

featured image

Naghahanap ka ba ng extrang pagkakakitaan? Gets ka namin, Bossing! Ang dami pa namang gastusin ngayong holiday season. Buti na lang, pwede ka dito sa Lalamove delivery driver jobs.

Pero ano ba ang hanap mo -- part-time o full-time? Truck driver o motorcycle rider? Kung 'di ka pa sigurado, OK lang 'yan! Narito ang lahat ng dapat mong malaman bago ka mag-decide at mag-sign up sa Lalamove:

 

Ano ang pinagkaiba ng part-time at full-time Lalamove partner drivers?

Parehong micro-entrepreneurs ang isang part-timer at full-time Lalamove partner driver. Parehong hawak ang oras, pwedeng mamili ng orders, at parehong Bossing sa kalsada.

Halimbawa si Bossing Ron, isang part-time Lalamove partner driver at part-time taxi hailing driver. Para sa kanya, malaking bagay ang Lalamove kasi hindi siya sagabal o aberya sa diskarte niya.

Kwento niya niya, "Ang kagandahan sa app eh napipili ko 'yung orders kaya kontrolado ko 'yung biyahe, 'yung kita, at siguradong hindi maaaberya ang pasahero ko at ang customer na naghihintay ng delivery niya."

"Tatlong taon na po akong part-timer dito kaya napagpatapos ko 'yung kapatid ko. Bale habang naghahatid ako ng pasahero, tumatanggap ako ng orders sa Lalamove," dagdag pa nito.

Ano ang benefits ng part-time at full-time Lalamove delivery rider?

Pareho ring nae-enjoy ng part-timer at full-time rider ang benefits at rewards mula sa ating Panalomove partners. Ang pinagkaiba ay ang kung magkano ang kanilang kinikita sa pagtanggap at pag-deliver ng orders via Lalamove.

Isang success story rin itong kay Bossing Jocelyn, na nagsimula bilang delivery driver at ngayon ay Lalamove Fleet Operator na nagma-manage ng mga truck drivers

"Dahil sa full-time [ako dito], nakapag-ipon ako at nakakuha ng mga sasakyan. Ngayon, apat na 'yung vehicles ko na naka-register sa Lalamove. Naipasok ko na rin 'yung 6-wheeler ko sa fleet ko," kwento niya.

Interesado ka na?

MAG-SIGN UP NA

Paano mag-sign up bilang part-time o full-time Lalamove partner driver?

Pareho lang ang process ng pag-sign-up bilang part-time o full-time Lalamove partner driver.

Step 1: I-download ang Lalamove Driver app. Pwede sa App Store o Google Play Store.

Step 2: Sign up sa Driver app.

Step 3: Mag-online o on-site training.

Step 4: I-upload ang complete requirements.

Step 5: Magpa-verify at simulang kumita!

Base sa experience nila Bossing Jocelyn at Ron, mabilis ang sign-up process sa Lalamove. Sabi nga ni Bossing Ron, "Pagka-sign up ko, tinawagan ako kaagad tapos biyahe na agad!"

Saan pwedeng mag-sign up sa Lalamove?

Tumatanggap ng walk-in applicants ang Lalamove sa offices na ito mula Tuesday hanggang Saturday:

  • Ground Floor, 114 Herco Center, Benavidez Street, Legaspi Village, Makati City
  • Ground Floor, Hexagon Corporate Center, Quezon Avenue, West Triangle, Quezon City

Bukas din ang pintuan ng Lalamove sa walk-in trainings. Pumunta lamang sa mga sumusunod na opisina ng Lalamove sa Manila, Pampanga, at Cebu:

City / Province Address Schedule
Makati City GF, 114 Herco Center, Benavidez St. Legaspi, Village, Makati City Tuesday to Saturday
Quezon City GF, Hexagon Corporate Center, Quezon Ave., West Triangle, Quezon City Tuesday to Saturday
Pampanga Gruppo Del Diamante, Magalang Ave., Angeles, Pampanga Monday to Saturday
Cebu Unit 3-104, GF, OIC3-Oakridge Business Park, Mandaue City, Cebu Monday to Saturday

Tulad ni Bossing Ron at Bossing Jocelyn, abot-kamay ang iyong mga pangarap sa Lalamove! Kaya kung naghahanap ka ng job bilang delivery rider o truck deliver, sign up na sa Lalamove! 

 

Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?

MAG-SIGN UP NA TINGNAN ANG MGA BENEPISYO

Bossing sa daan. Bossing sa negosyo. Bossing sa pamilya. ‘Yan ang Lalamove Partner Drivers! Tibay ng loob at solid na samahan ang puhunan. Panoorin ang ating Lalamove Bossings Manifesto:

 

Read more