'Yan Ang Bossing: Ikaw ang Lodi ko, Mark!
Paps! Anong kwentong on-the-road mo bilang partner driver? Wanted 'yan dito!
Napakaraming pwedeng mangyari sa bawat biyahe — sa kalagitnaan man ng traffic o sa kasagsagan ng matulin na takbo ng mga sasakyan sa buhay ng isang delivery driver. Alam mo bang sa bawat matagumpay na delivery, may kaakibat na #HeroMove? Tunghayan natin ang iba’t ibang kwento ng ating Lalamove Partner Drivers!
Tara, Kwentuhan Tayo!
Malaki ang community ng ating Lalamove Bossing -- mula motorcycle drivers, sedan, MPV, at truck drivers sa Philippines. Kilala ang ating mga partner drivers dahil sa kanilang sipag, tiyaga, at kahandaang tumulong anumang oras, basta’t para sa nangangailangan.
Isa na sa mga 'to si Bossing Alexander Amparo. Isa na namang araw ng pagsusumikap sa daan ang dumating. Dali-dali at mayroon na agad siyang natanggap na order!
Mabilisang naghanda si Bossing Alexander para i-pick-up ang item na kanyang kailangang i-deliver. Kaya lang sa hindi inaasahang pagkakataon, nasiraan siya ng motor bago pa man siya makarating sa paroroonan.
Agarang nag-isip ng paraan si Bossing Alexander para masigurong matutuloy pa rin ang delivery ng customer na kanyang tinanggap. Naisipan niyang magbook na lamang ulit gamit ang Lalamove on-demand delivery app. Oh 'di ba, resourceful!
Hinintay niyang may tumanggap ng kanyang booking hanggang sa lumitaw ang pag-accept ni Bossing Mark Vasquez! Laking ginhawa niya dahil matalik na kaibigan niya pa ang nakakuha ng kanyang booking.
Kaya naman dahil dito, sigurado siyang safe ang parcel ni customer. Tinanggap agad ito ni Bossing Mark at sinabing,
“Dahil doon sa nangyari, masaya na ako at nakatulong pa ako para mapabilis ang pagdeliver ng item na sa kanya.. Nakakatuwa lang [na] nagkataon talaga..."
Nang dahil sa #HeroMove ni Bossing Mark, nasolusyunan agad ang problema ni Bossing Alexander! Higit pa rito, naihatid ang parcel ng customer nang safe at secure dahil sa mabilis na pag-aksyon ni Bossing Alexander.
Iba talaga ang galing ng mga delivery driver! Maaasahan, lalung-lalo na sa oras ng pangangailangan. At kita naman sa kwento ni Bossing Alexander na solid ang samahan ng ating mga Lalamove Partner Drivers! Sabi nga natin lagi, “Ganito kami sa Lalamove!”
Ikaw, anong kwentong on-the road mo?
Ibahagi mo na rin ang iyong Partner Ko 'To moment!
Hiring ng Delivery Drivers sa Lalamove, Bossing!
Tama 'yan, Bossing! Naghahanap kami ng drivers for hire sa Manila, Pampanga, at Cebu.
Ang pagiging Lalamove partner driver ay isa sa mga pinakamagandang oportunidad para sa mga taong gustong kumita at magkaroon ng flexible na oras ng trabaho. Ang totoo niyan, maraming benepisyo at oportunidad sa pagiging Lalamove Bossing na hindi mo makikita sa ibang mga trabaho.
Una sa lahat, bilang isang Lalamove partner driver, may kontrol ka sa oras ng trabaho mo. Hindi mo kailangang sumunod sa traditional na oras ng trabaho na mula 8AM hanggang 5PM.
Dito, ikaw ang magdedesisyon sa oras ng pagpasok at pagtapos mo sa trabaho. Kumbaga, wala kang schedule na sinusundan. Depende 'yan sa diskarte mo.
Kaya rin para sa karamihan ng mga Lalamove Bossing, mas magaan ang pakiramdam ng pagtatrabaho. Dahil hawak mo ang oras mo, may time ka para sa pamilya at sa iba pang mga personal na gawain.
At hindi mo na rin kailangang magpaalam sa boss mo, dahil ikaw ang boss, Bossing!
Pangalawa, malaki ang kita na pwede mong makuha sa pagiging Lalamove partner driver. Sa bawat delivery na makukumpleto mo, syempre may kikitain ka.
Kung masipag kang magtrabaho at magdagdag ng oras, mas malaki rin ang kita na maaaring makamit. Kaya kung may sasakyan ka at gusto mo ng extra income, sign up na bilang driver -- hiring sa Pampanga!
Pangatlo, may mga benepisyo na ibinibigay sa mga Lalamove partner driver. Kasama na rito ang mga discounts sa mga gas station at maintenance shops.
Meron ding mga libreng seminar tungkol sa pagmamaneho, kaligtasan sa kalsada, at iba pa. May mga promos at discounts din tayong mas makakatulong para sa dagdag na kita, Bossing!
Maraming Panalomove Benefits para sa'yo, Bossing!
Pang-apat, mas may opportunity kang makapagtravel bilang isang Lalamove partner driver.
Alam mo bang 48 ang serviceable areas ni Lalamove sa Luzon at sa Cebu? Sa dami ng customers na tumatangkilik sa Lalamove, talagang pwedeng-pwede kang makapunta sa iba't ibang mga lugar, Bossing!
Ang pagiging Lalamove partner driver ay isa talaga sa mga pinakamagandang trabaho na pwede mong gawin. Extra income at hawak mo ang sarili mong oras? Saan ka pa, 'di ba?
Kaya kung may sasakyan ka at naghahanap ka ng pagkakakitaan -- o gusto mo lang ng part-time delivery driver job, nandito ang Lalamove para sa'yo. Apply na bilang delivery driver -- hiring din sa Cebu!
Handa ka na bang maging Lalamove Partner Driver?