'Yan Ang Bossing: Maaasahan On The Road
Bossing! Anong kwentong on-the-road mo?
Napakaraming pwedeng mangyari sa bawat biyahe — sa kalagitnaan man ng traffic o sa kasagsagan ng matulin na takbo ng mga sasakyan sa buhay ng isang delivery driver.
Alam mo bang sa bawat matagumpay na delivery, may kaakibat na #HeroMove? Tunghayan natin ang iba’t ibang kwento ng ating Lalamove Bossings!
Tara, Kwentuhan Tayo!
Naranasan mo na bang masiraan sa daan?
Hindi maiiwasan ang mga ganitong klase ng aberya kung ikaw ay isang delivery rider. Buti na lang ay may mga tao na handa laging tumulong at kumpleto sa gamit. Isa na rito si Bossing Ricky.
Bumabiyahe papuntang Cainta si Bossing Ricky nang may nadaanang kapwa Lalamove partner driver na tinutulak ang nasiraan at tila may flat tire na motorsiklo sa kahabaan ng Ortigas flyover. Maulan ang panahon at mabigat ang dala-dalang Lalabag ng rider.
Dahil dito, hindi na nagdalawang-isip pa na tumulong si Bossing Ricky.
Pinagtulungan nilang isakay ang motor sa kanyang sasakyan at sinamahang maghanap ng vulcanizing shop. Ayon kay Bossing Ricky, sinubukan siyang bayaran ng kapwa rider pero tumanggi siyang kunin ang pera.
Natigil man nang sandali sa pag-deliver, para sa kanya, mas importanteng makahanap sila ng mag-aayos ng motorsiklo.
Hindi na natanong ni Bossing Ricky ang pangalan ng tinulungang rider. Pero sa kanilang pag-uusap, isa raw siyang Muslim na taga-Mindanao. Dito niya naisip na magkaiba man sila ng pinaniniwalaang relihiyon, iisa pa rin ang kabutihan na maaring ibahagi sa kapwa.
“Wag nang pumili. Basta gusto[ng] tumulong, tulungan na agad, lalo na sa kapwa rider.”
- Ricky Soteo, Lalamove Partner Driver
Sa oras na may nahihirapan, umuusbong ang kabayanihan. Hindi madaling trabaho ang pagiging delivery rider, lalo na’t kaliwa’t kanang orders ang kailangan bunuin.
Sa kabila nito, may mga tao pa rin na handang umalalay, maantala man ang biyahe.
Laging drivers wanted sa Lalamove lalo na kung l300 driver ka. Ipasok mo na ang sasakyan mo't kumita nang malaki! Tingnan dito kung paano mag-apply bilang part-time o full-time partner driver.
Patunay ang kwentong ito na basta Lalamove Bossing, hindi lang naghahatid ng deliveries, pati na rin ng malasakit sa kapwa. Umulan man o umaraw, may partner driver kang maaasahan. Ano man ang pagsubok, tuluy-tuloy lang ang solid na serbisyo at samahan sa Lalamove!
Panalo ka dito dahil lagi pang hiring delivery drivers mapa-Manila, Pampanga o Cebu! Alamin kung paano maging Lalamove Bossing: Requirements, Process, ATBP. pati na rin kung magkano ang kita dito.
Ikaw, anong kwentong on-the road mo?
Ibahagi mo na rin ang iyong Bossing Ko 'To moment!
Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?