Delivery Driver

2024 BLOWBAGETS: Mga Dapat Tandaan sa Daan

featured image

Ano nga ba ang mga dapat tandaan sa daan para sa mga Lalamove Driver ngayong tag-init?

Ngayong summer season, kailangang mas mapangalagaan hindi lamang ang kundisyon ng iyong sasakyan, kundi pati ang iyong sarili sa daan.

Kaya naman para mas swabe ang biyahe, tandaan lamang ang katagang BLOWBAGETS lalo na kung ikaw ay isang truck driver.

 


Hindi ka pa ba Lalamove Partner Driver?REGISTER NA

 

philippine-traffic

 

WHAT IS BLOWBAGETS?

BLOWBAGETS stands for Battery - Lights - Oil - Water - Brake - Air - Gas - Engine - Tire - Self.

Ang bawat salitang bumubuo sa BLOWBAGETS ay may kaukulang importansya na dapat laging tandaan ng ating mga Lalamove Drivers, tag-init man or maski na sa tag-ulan:

 

1. BATTERY

Para masiguro na tuloy-tuloy ang ating biyahe at hindi tayo magkaka-aberya sa daan, siguraduhing may sapat na tubig ang baterya ng iyong sasakyan, Bossing!

I-check kung tama ang pagkakakabit ng mga terminal at malinis dapat ang mga ito para hindi madiskarga ang baterya lalo na sa panahon ng tag-init na maaari makapagdulot ng pagka-diskarga ng baterya.

 

2. LIGHTS

Tirik man ang araw ngayong tag-init, mahalaga pa rin na i-check ang ilaw ng ating mga sasakyan at siguruhing ang iyong Signal Lights, Brake Lights, Headlights ay gumagana dahil ito ay may dagdag na visibility sa daan, maliwanag man or gabi.

Mahalaga rin na i-check ang mga saksakan ng mga ilaw ng ating sasakyan at siguruhing walang mga punit o ngatngat ng mga daga ang mga wires dahil maaari itong pagsiklaban ng sunog lalo na ngayong tag-init bilang driver on hire.

 

3. OIL

Mahalaga rin na siguruhing may sapat na langis ang ating mga sasakyan dahil maihahalintulad ito sa dugong dumadaloy sa ating katawan.

Ito ang nagbibigay ng lubrication sa makina ng sasakyan. Kung kulang o sobra ang langis, maaaring magdulot ito ng pinsala sa makina at magresulta sa aberya habang nasa biyahe.

Kaya't mas mabuting siguruhing sapat ang langis bago mag-umpisa ng biyahe para maiwasan ang anumang problema sa daan lalo na kung truck driver ka, Bossing!

 

4. WATER

Bukod sa langis, mahalaga rin na laging mag baon ng tubig hindi lamang para maiwasan ang pag-overheat ng ating mga sasakyan, kundi para rin maiwasan natin ang heatstroke.

Siguruhing lagi tayong may baong distilled water na magagamit natin hindi lamang para sa radiator ng ating mga sasakyan kundi maaari nating inumin.

 

5. BRAKE

Mahalaga rin i-check ang ating mga preno at siguruhing makapal pa ito upang masiguro na ito ay kakagat at maiwasan ang aksidente.

Siguraduhing may sapat na brake fluid ang iyong sasakyan upang maiwasan ang pag-overheat ng brakes na maaaring magdulot ng brake failure.

 

6. AIR

Isa rin sa dapat hindi makalimutan i-check bago bumiyahe ay ang hanging ng ating mga gulong.

Ang tamang PSI o hangin ng ating mga gulong ay maaaring makita sa ilalim ng compartment ng ating mga motorsiklo o sa mismong katawan sa may driver side para naman sa mga 4-wheels at trucks.

Ang pagkakaroon ng tamang hangin sa ating gulong ay makakatulong hindi lamang upang maiwasan ang wear & tear ng mga gulong kundi para mas maiwasan ang pagiging matagtag ng iyong sasakyan sa biyahe.

 

7. GAS

Tulad ng langis sa sasakyan, ang gasolina ay energy source ng katawan. Siguruhing sapat ang gasolina para sa biyahe.

Ang pagpapa-full tank ay tip para makatipid, Bossing!

Kung may kakaibang tunog na maririnig o tagas sa mga hose ng sasakyan, dalhin na agad sa iyong trusted mechanic. Tsek ang makina para maiwasan ang aberya. 

 

8. TIRES

Siguraduhing tama ang PSI at tignan ang gulong para maiwasan ang aberya lalo na sa truck drivers.

Mahalaga rin ang tire rotation kada 10,000kms upang masigurong hindi mapupudpod ang iyong mga gulong sa likod kaysa sa harap.

 

9. SELF

Higit sa lahat, dapat mong siguruhing nasa kundisyon ang iyong pisikal na pangangatawan, emosyonal at pag-iisip, bukod sa kundisyon ng iyong sasakyan.

Bukod sa laging pag-inom ng tubig, mahalaga ring iwasan ang pagkain ng sobra dahil maaari itong mag-dulot ng heatstroke.

Para masiguro ang inyong good health, mahalagang magkaroon ng regular na check-up, may nararamdaman ka man o wala, bilang preventive maintenance para sa iyong sarili. 

 

 

driver lalamove angkat barang keluar dari van

 

Bukod sa BLOWBAGETS, marami ka pang reminders at diskarteng malalaman sa kapwa Lalamove Drivers mo pag sumali ka sa Liga ng mga Bossing FB Page.

Mag-aya pa ng maraming tropa sa daan via Driver Referral Program at kumpletuhin ang Lalamove Requirements para maging verified Partner Driver na. Tingnan ang Panalomove Driver Benefits para makita ang mga benepisyong naka handa para sa'yo, Bossing!

 

 

 

Simulan ang iyong journey bilang Partner Driver!REGISTER NA

 

 

 

RELATED POSTS:
Ano ang Diskarte para Kumita nang Mas Malaki?
3 Tips para makaiwas sa traffic
Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?

 

Read more

Need to book a delivery?