Partner Driver #DiskarTips para sa good Customer Experience
Lalamove driver ka ba na gustong maka-5 star rating?
Syempre, dapat swabe ang serbisyo sa customer! Lalo na kung may hindi pagkakaintindihan, dapat marunong ka makipag-usap nang maayos.
Malaki ang epekto nito sa ating pang araw-araw na biyahe, Bossing! Importante ang customer experience sa bawat delivery, kaya alamin ang iilan sa #DiskarTips na makakatulong para sa'yo bilang Lalamove Partner Driver.
Hindi ka pa ba Lalamove Partner Driver?
Bakit importante ang customer experience?
Ang customer experience ay mahalaga sa bawat delivery ng isang Lalamove driver dahil ito ang nagtatakda ng reputasyon ng Lalamove. Kapag ang customer ay natutuwa sa kanilang delivery experience sa'yo, mas malamang na mag o-order ulit sila at ire-rekomenda pa sa iba ang Lalamove.
Bakit kailangan makapag-5 Star Rating?
Kapag maganda ang customer experience, posibleng maganda ang driver rating mo kay customer. Ang makakuha ng 5-Star Rating ay nagpapahiwatig ng kahusayan at kahandaan mo bilang Lalamove driver.
Sikaping makakuha ng mataas na driver rating dahil nagpapakita ito ng kumpiyansa ng mga customer sa kakayahan ng Partner Driver na maabot ang kanilang mga inaasahan at pangangailangan. Bukod dito, ang rating na ito ay nagbibigay na rin ng personal feedback kung paano mo pa mapabubuti ang iyong serbisyo.
Epekto ng magandang rating:
-
More orders na papasok
-
Higher chance maging 'Favorite Driver' at ma-priority
-
Tiwala ng mga customer
Sa ating palagiang pagbi-biyahe, iba't-ibang klaseng customer ang makakasalamuha natin. Minsan hindi mo alam kung paano iha-handle ang mga hindi pamilyar na sitwasyon sa'yo o kaya naman, may hindi maayos na pagkakaintindihan sa customer.
Sa tingin mo, ano ang kadalasang dahilan?
Ito ang ilan sa maaaring sanhi:
-
Stress o maraming iniisip ang customer
-
Hindi naka abot sa oras ng delivery
-
Delay ang pag-update kay customer
-
Iba ang natanggap na item
-
Paghingi ng tip
-
Kulang ang na-deliver na item
-
Medyo malayo ang napuntahang location
-
Hindi aware sa bayad ng Surcharge o Additional Services
-
Incomplete ang nailagay sa customized 'Driver Note'
‘Yan lamang ang iilan sa dahilan kung bakit madalas hindi nagkakaintindihan ang driver at customer. Relate ba, Bossing? Kung oo, kailangan mo pa tapusin ang blog na ito!
Paano mag-handle ng iba't-ibang klaseng customer? Paano gagawan ng solusyon ang mga hindi inaasahang problema sa daan? Paano pag may hindi kayo pagkakaintindihan ng customer?
Alamin na ang mga tips na magagamit mo sa araw-araw, Bossing!
💡 4 #DISKARTIPS NG LALAMOVE DRIVERS
1. Huminga nang malalim at alamin kung ano ang problema.
Tanungin muna ng mahinahon ang customer kung ano ang nangyari.
Kung medyo emosyonal ang customer, huwag makipag sabayan. Piliing maging propesyonal at lawakan lagi ang pag iintindi. Pakinggan muna ng maigi ang puno’t dulo ng concern niya nang sa gayon, malaman mo kung saan hindi nagkaintindihan.
2. Makipag-usap nang maayos.
Matapos alamin ang problema, kausapin ng mahinahon ang customer.
Piliin ang mga sasabihin. Huwag mag-interrupt kung hindi pa tapos mag salita ang customer, intindihin at patapusin siya magsalita, saka sumagot kapag pu-pwede na. Kung ito ay pagkakamali mo bilang Lalamove driver, marapat lamang na itama ito.
3. Magbigay ng solusyon.
Pag mahinahon na kayo pareho, mag-isip ng solusyon sa problema.
Pwede kang magbigay ng suggestion na maaaring makatulong sa customer. Bilang isang Lalamove Driver, dapat ay mabilis tayong mag-isip ng paraan para sulit ang oras mo sa kada-biyahe.
Matapos magbigay ng mga pwedeng solusyon, maging alisto at disiplinado para di na muling maulit pa ang nangyaring hindi pagkakaintindihan. Ang iyong problem solving skill ay makaka apekto rin sa iyong driver rating kaya siguraduhing alam mo ang mga dapat at hindi dapat gawin, Bossing!
4. Magpasalamat sa customer.
Kapag naayos na ang problema, ‘wag kakalimutang magpasalamat sa customer!
Ikaw man na Lalamove driver o si customer ang nagkamali, laging magpasalamat sa kanilang oras at pagiintindi.
Tandaan na naka base sa ating pag-uugali ang makukuha na driver feedback. Kung kinakailangan, tayo ay magpakumbaba para hindi na humaba ang diskusyon.
Higit sa lahat, sumunod at alamin ang pasikot-sikot ng rules & regulations ni Lalamove para sa mga Lalamove driver.
Alamin ang mga importanteng impormasyon mula sa'yong Onboarding Process. Sundin lagi ang mga tamang guidelines para protektado ka. Tulad ng paborito nating Content Creator at Lalamove Driver na si Julio Fabian, mas magandang maalam ka sa mga dapat at hindi dapat para swabe lang ang biyahe!
Tandaan, mga Bossing: kung sasabayan natin ang galit ng iritadong customer, wala itong patutunguhan kundi ang malala at matinding pagtatalo. Maigi nang magpakumbaba at solusyunan ang mga bagay na dapat ay daanin sa mabuting usapan.
Basahin ang 2024 BLOWBAGETS: Mga Dapat Tandaan sa Daan para mas maging handa sa kahit anong aberya!
Kung hindi ka pa Partner Driver at gusto mong subukan ang driving job na ito, tingnan lang ang Lalamove Requirements para sa mas madaling proseso.
Kung gusto mo pa malaman ang ibang #DiskarTips mula sa kapwa Partner Drivers, lalo na sa truck drivers, Sali na sa Lalamove Liga ng mga Bossing FB Page! Makipag tulungan sa mga tropa sa daan para mag-improve ang driver rating ng isa't-isa, makapaghatid ng magandang serbisyo at makapag trabaho nang marangal.
Bago bumiyahe, laging magkaroon ng ganitong mindset:
GOOD CUSTOMER EXPERIENCE > 5-STAR RATING > MORE ORDERS.
Simulan ang iyong journey bilang Partner Driver!
RELATED POSTS:
• Ano ang Diskarte para Kumita nang Mas Malaki?
• 3 Tips para makaiwas sa traffic
• Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?