Sali na sa Lalamove Liga ng mga Bossing

featured image

What’s up mga Bossing? Alam mo ba na may Facebook Group na tayo? Syempre, para sa inyo 'to! Mas madali nang makakuha ng updates, lalo na sa exclusive discounts at latest announcements sa Lalamove, at marami ka pang makakausap at makaksalamuha ng mga kapwa Lalamove Bossings na magbibigay ng tips, inspirasyon, at handang tumulong sa mga kapwa nila delivery driver sa  Pilipinas.

Excited ka na bang sumali?

Join the Facebook Group

 

Bago ang lahat, ano nga ba ang Facebook Group na ito at para kanino ito?

 

Kilalanin ang Liga ng mga Bossing

Ang Lalamove Liga ng mga Bossing ay FB Group para sa ating mga existing Partner Drivers. Bukod sa daan, makakakilala ka dito ng bagong kaibigan at makakabuo ng magandang samahan. Sabi nga ng isang Bossing natin na si Bossing Chriz, “Mas ok dito sa group na ‘to, mas maraming matitinong tao”.

Sa pagsali dito, papakinggan ka namin at ng kapwa Bossing mo, mas madali kang makakahingi ng tulong ‘pag naaberya ka sa daan. Pwede ka ring mag-share ng mga kwento o saloobin mo. Tingnan pa ang ibang detalye at maging updated sa mga kaganapan sa group na ito.

 

 

 

 

Benefits sa Pagsali sa Grupo

Driver ka man ng delivery trucks, motorcyle o iba pang 4-wheel vehicle, ito ang mga benefits na pwede mong makuha kung ikaw ay member nang Facebook Group!

fuel-1

WEEKLY FUEL PRICE UPDATES

Bossing, tuwing lunes, updated ka sa fuel price! Minsan may increase at minsan naman ay may price rollback.

 

goal-setting-for-riders-full-time-or-part-time

TIPS PARA KUMITA NG MALAKI

Marami kang makukuhang tips mula sa kapwa Bossing mo dito -- hindi lang sa kita, pati na rin sa diskarte sa daan!


Raffle-for-riders

SOCIAL MEDIA CONTESTS AT RAFFLE

More games at prizes ba kamo? Meron din sa group natin 'yan, Bossing! May mga nakahandang premyo kami kaya abang-abang lang sa mga masayang activities na ipo-post.

 

Doctor-Anywhere-medical-insurance-for-riders

LALAMOVE BOSSING DISCOUNTS AT BENEFITS

Libreng consultation at discounts ang hatid sainyo ng Doctor Anywhere. Bukod pa diyan, uulanin ka pa ng Panalomove Benefits at iba't ibang driver partner opportunities. 

 

motorccyle-of-lalamove-rider-need-help

LIFELINE SA MGA BOSSING

Mabilis ka makaka hingi ng tulong pag nagka aberya sa daan — tulad ni Bossing Dnomyar na nagpost sa FB Group para humingi ng tulong sa kapwa Bossing. Sa pamamagitan ng comment section, nakapag bigay sila ng mga suggestion at recommedation nila dahil nanggaling na rin sila sa ganoong sitwasyon. Tulungan lagi dito!

 

rider-advice-on-life-and-delivery-job

ADVICE MULA SA KAPWA LALAMOVE BOSSINGS

Dito sa Lalamove Liga ng mga Bossing, marami kang mapupulot na aral mula sa kapwa delivery driver, advices sa buhay, at pang-araw-araw na diskarte sa biyahe. Pwede ka ring mag-share! Welcome na welcome ka sa group para maibahagi at maging inspirasyon pa sa mga kapwa Bossing sa daan.

 

 

Paano Sumali?

Panalo sa driver partner opportunities! Excited ka na ba sa iba pang activities na hatid namin sa’yo? Simple lang ang pagsali sa grupong ito, mga Bossing!

  1. Dapat Registered Partner Driver sa Lalamove.
  2. I-search ang Lalamove Liga ng mga Bossing sa Faccebook at mag-join.
  3. Sagutan ang LAHAT ng membership questions para siguradong approved!

Facebook Group Guidelines

Syempre sa group na ‘to, may mga rules at guidelines din tayo, Bossing. Heto ang mga simpleng paalala namin:

 

1. Mag-post ng naaayon sa tema ng FB Group

Tulad ng nabanggit, umiikot lamang ang topics sa mga balita, tips, updates, at iba pang interests ng mga Lalamove Bossing. Hindi ito lugar para sa kawalan ng galang o disrespect.

Pwede ka ring magbahagi ng karanasan at opinyon ngunit limitahan natin ito sa kung ano lang ang maaaring makatulong sa ating mga kapwa Bossing.

2. Maging mabait, magalang, at professional sa pakikisalamuha

Para mapanatiling positibo ang grupong ito, igalang at irespeto ang bawat isa para maiwasan ang anumang alitan o 'di pagkakaunawaan. Iwasan ring mag-comment o mag-post ng negatibo o makakasakit sa ating kapwa Bossing, kaya’t isipin muna ang sasabihin bago mag-post.

Kung mayroong insidente na hindi nagustuhan ang post o opinyon ng isang member ng grupo, pwede itong i-report sa group admin.

 

3. Hindi pwedeng mag-solicit at mag-promote ng personal products

Bawal ang mag-solicit, Bossing. Ang sinumang lumabag sa rule na ito ay pwedeng matanggal sa grupo. Hindi rin ito lugar para magbenta o mag-promote ng ating mga personal na produkto at business.

At mahigpit na ipinagbabawal ang pagla-live selling lalo na kung salungat ito sa nabanggit na rules. Kung may insidenteng hindi nasunod sa rules, i-report ito sa group admin.

 

Pwede bang sumali ang hindi Lalamove Partner Driver?

Hindi. Dahil ang grupong ito ay eksklusibo lamang para sa Lalamove Partner Drivers.

Gusto mo rin ba maging Bossing? Mag-register sa Lalamove Driver App at kapag verified na, i-refer ang kaibigan o kakilala mo at kumita up to ₱7,500 driver for hire sa Philippines 

Kung Lalamove Bossing ka na, pwede ka ring makatanggap ng reward! Available ito sa Manila, Pampangam at Cebu. Para sa kabuuang detalye, bisitahin ang mga link na nasa baba. Isa sa the best na courier jobs using your own car ang maging Bossing dito sa'min!

 

Fleet DRD Landing Page Banner

REFER NA SA MANILA REFER NA SA PAMPANGA REFER NA SA CEBU


Kaya Bossing, kung interesado kang matuto at madagdagan pa ang kaalaman mo, mapa-kalsada man ‘yan o sa samahan, ang Lalamove Liga ng Bossing ay maaasahan mo.

 

Maging parte na ng samahan ng Partner Drivers, sali na sa Liga ng mga Bossing!

Join the Facebook Group

 

 

Read more