Panalomove: 24/7 Unlimited Video Consultation at Healthcare Discounts para sa Lalamove Partner Drivers mula sa Doctor Anywhere

Affordable 24/7 Video Consultation at Healthcare Discounts ang hatid sa inyo ng Doctor Anywhere at Lalamove! Narito ang tiyak na panalong benefits para sa panalong delivery drivers:

ANO?

Ang lahat ng Verified Lalamove Partner Drivers at kanilang dependents ay maaaring makakuha ng affordable unlimited video consultation mula sa mga licensed medical practitioners ng Doctor Anywhere sa loob ng isang (1) taon sa halagang Php 699 (VAT Ex) lamang. Bukod diyan, makakakuha rin ng discounts ang bawat mag-aavail ng subscription ng mga sumusunod na benepisyo:

A. Ideal Vision:

  1. Free eye examinations at consultation
  2. Free services tulad ng eyeglasses repair (palit ng turnilyo o nosepad) at pagpapalinis ng contact lenses at eyeglasses
  3. 20% discount sa mga regular frames
  4. 10% discount sa mga regular priced finished lenses
  5. Dagdag na 10% discount sa mga sale na items

B. 5% discount sa Hi-Precision clinics. Mga halimbawa ng mga laboratory tests na may mga discounts:

  1. Complete Blood Count (CBC)
  2. Urinalysis
  3. Random Blood Sugar (RBS)
  4. Cholesterol
  5. Chest X-ray (posterior to anterior)
  6. 12-Lead Electrocardiogram (ECG)
  7. Complete Physical Examination
SINO?

Lahat ng Verified Lalamove Partner Drivers (2W o 4W) 

PAANO?
  1. Sagutan ang Enrollment Link:
    • Link para sa active Lalamove Partner Driver
    • Link para sa dependent ng active Lalamove Partner Driver

  2. Ang mga verified Partner Drivers at kanilang dependents na nag-register sa Enrollment Link ay makakatanggap ng email na naglalaman ng steps kung paano magpurchase ng unlimited video consultation mula sa mga licensed medical practitioners ng Doctor Anywhere.

  3. Matapos bayaran ang coverage, maaari nang gamiting ng Partner Driver at ng kanilang dependents ang unlimited video consultation ng Doctor Anywhere.

 

 

Payment methods:
Ang bawat transaksyon ay pwedeng bayaran gamit ang Gcash, debit o credit card (Visa o Mastercard). Ang lahat ng presyong naka tala ay one-time payment only o isahang bayaran para makakuha ng isang (1) taong coverage.

 

 

Gusto mo bang makita ang iba pang Panalomove benefits?

Tingnan ang mga benepisyo

 

 

Mula August 1 - 31, 2022, mas murang rate para sa one (1) year 24/7 Unlimited Video Consultation ang hatid ng Doctor Anywhere. Imbis na Php 699 (VAT Ex), maaari mo itong ma-avail ng Php 499 (VAT Inc) lamang. Para sa mga Lalamove Drivers na gustong mag-avail ng parehas na benepisyo sa mas maikling coverage (anim na buwan), puwede nila itong makuha sa halagang Php 402.00 (VAT Ex).


1. Php 699 (VAT ex) para sa 1 year coverage
2. Php 402 (VAT ex) para sa 6 months coverage
3. Php 1,250 (VAT ex) para sa bawat Mental Health consultation

 

Mayroong available na mental health consultation rin ang Doctor Anywhere para sa mga Lalamove delivery drivers sa halagang Php 1,250 sa bawat session. Free ang delivery ng gamot sa Metro Manila para sa mga bibili ng mga gamot sa Doctor Anywhere app. Magbibigay din ng libreang e-prescription ang Doctor Anywhere kung nais bumili ng gamot sa mga botika.

 

 

KL_LP_Referral-Friend_8-Oct-1

REFERRAL PROGRAM

Sa bawat Lalamove Driver na bumili ng Doctor Anywhere subscription, sila ay pwedeng makasali sa referral program at makakuha ng abot sa Php 10,000 na incentive!

 

Kapag ang Lalamove Driver ay nakapag hikayat ng sampung (10) bibili (maaaring kapwa Lalamove Driver, kamag-anak, kaibigan, o customer) ng DA Boost sa halagang Php 3,499 (VAT Inc), DA Ultra sa halagang Php 7,949(VAT Inc), o kaya naman halo ng dalawang package, may tsansa na makakuha ng Php 5,000 incentive via Gcash. Kung naman makakuha ng dalawampu (20), ang Lalamove Driver ay pwedeng makakuha ng Php 10,000 incentive via Gcash. 

 

Kung ang Lalamove Driver na nag avail ng subscription ay makakumpleto ng sampung (10) bibili mula August 1-31, 2022, bukod sa Php 5,000 ay makakakuha pa siya ng free upgrade ng kanyang subscription. Mula Php 499 siya ay upgraded sa DA Boost Package na may coverage na isang (1) taon.

 

Mga benepisyo ng DA Boost Package (Php 3,499)

  • Unlimited Video Consultation sa mga General Practitioners at Specialists
  • Php 100,000 Life Insurance Coverage
  • Php 15,000 Emergency Coverage sa kahit anong Maxicare accredited hospitals

 

DOCTOR

Mula sa top left: Jose Jerome Sebastian (General Manager, Doctor Anywhere), Lorenz Joseph Mendoza (Business Development Manager, Doctor Anywhere), Dan Majarocon (Managing Director, Lalamove), Alfred Zarraga (Senior Driver Operations Manager, Lalamove), Aki Sumulong (Driver Operations Manager - Driver Retention Manager, Lalamove), Alex Alberto (Strategic Partnerships Assistant Manager, Lalamove), at Mikka Mabulay (Strategic Partnerships Lead, Lalamove).

 

 

 

 

Gusto mo rin ba ng delivery driver benefits?

Mag-sign up na

Read more