Ang LALALove Story nina Bossing Janet & Bossing Lalaine
Ngayong buwan ng pag-ibig, maraming pamilya at magkasintahan ang naghahanda para iparamdam ang kanilang pagmamahal at appreciation sa isa’t isa. At kahit busy sa trabaho, para sa mag-partner na sina Janet Empeño at Lalaine Diano, palagi pa ring “love is in the air” kahit parehas silang abala maghanapbuhay para sa kanilang pamilya.
Isang motorcycle Lalamove driver si Empeño habang sedan naman si Diano. Habang nasa Lalamove, ang full-time job ni Empeño ay isang delivery driver para sa isang cargo company, at si Diano naman ay isang teller.
Sabi nila, tig-dalawa man sila ng trabaho, para naman ito para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. At dahil sa kanilang lubos na pagmamahal sa isa’t isa at sa kanilang anak, lahat ng pagod nila araw-araw ay sulit naman.
Gusto mo ba ng extra income para sa iyong pamilya?
LALALove at first sight
Simula pa lang, palagi na silang magkasama sa trabaho. Bago mahulog sa isa’t isa, naging malapit na magkaibigan muna sila sa kanilang dating kumpanya, kung saan security guard si Empeño at isang office staff naman si Diano. Dahil doon, namuo ang kanilang pagsasama.
Halos dalawang taon na noong ginanap ang civil wedding nina Empeño at Diano sa Quezon City. Marami man ang pagsubok na kanilang pinagdaanan, naging matatag naman sila ngayon at patuloy na kumakayod para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
“Kaibigan lang talaga [ang turing namin sa isa’t isa], wala kaming plano magkaroon ng relasyon. Magbarkada lang kasi kami,” kwento ni Empeño.
Biro nito, “Kaya lang, nagwapuhan siya sa’kin eh!”
Ngayon na may pamilya na sila, busy silang pagsabayin ang kanilang trabaho. Para kay Empeño, ang usual routine niya ay bumiyahe sa Lalamove kapag maagang natatapos sa kanyang full-time job.
“‘Pag may time pa kami, pwede kaming dumiskarte para pandagdag at kung meron na kaming nakuha, tuloy-tuloy na yon. ‘Pag nakalabas kami dito [sa bahay], ‘di kami uuwi nang walang booking,” sabi ni Empeño.
Ayon naman kay Diano, tuwing bumibiyahe siya sa Lalamove, madalas niyang kasama si Empeño dahil mas kabisado niya ang daan at para may katulong siyang magbuhat ng mga mabibigat na deliveries.
“Kailangan talaga may assistant para ‘pag [may booking] [na manggagaling] sa mall, ‘di na kailangan mag-park, may pupunta na para kumuha ng item,” kwento ni Diano.
“Kailangan kasi namin maging apat ang trabaho kasi nagbabayad kami ng bahay at school ng mga bata, pagkain namin araw-araw, at bills. ‘Pag papasok ka sa isang company, ‘di talaga kasya,” dagdag ni Empeño.
Dahil sa pagsisikap nila sa araw-araw, marami nang naipundar ang ang kanilang pamilya. Sa tulong ng Lalamove, unti-unting silang nakakaraos sa pagbabayad ng kanilang bahay at tuition fee para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Isa rin sila sa mga pinalad na mapasama sa BiyahEdukasyon, kung saan beneficiary ang anak nila na si Jellaine Diano at ang kapatid naman ni Janet na si Joseph Empeño, na parehas na nag-aaral sa kolehiyo.
Para sa kanila, priority nila na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak at maging kumportable sila sa araw-araw nilang pangangailangan. Ang kanilang hangad lamang sa buhay ay magsipag at ‘wag lang mag-focus sa problema sa buhay.
“‘Di naman kasi pwedeng titingin ka lang sa mga problema. Kung meron, i-solve mo na ‘yun – wag mo na palakahin. Kaya kami, ‘pag bumibiyahe, ‘di na namin iniisip ‘yung pagod, ang importante kung uuwi kami, kung may kumatok man isa sa pamilya namin, kailangan namin, kailangan ng mga bata, may dudukutin kami sa bulsa namin,” sabi ni Empeño.
Expressing LALALove sa Lalamove
Sa pagsisikap nila na makamit ang kanilang pangarap para sa pamilya, mas naging matibay ang kanilang pagsasama at mas lalo pa nilang naparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa. Naging katuwang nila ang Lalamove sa kanilang journey na ito para sa kanilang pamilya.
May mga binubuong pangarap ka rin ba para sa pamilya mo? Kung ikaw ay beginner or may experience sa pagiging driver on hire o motorcycle at truck driver, mag-sign-up na bilang part-time o full-time Lalamove driver!
Para simulan ang Lalamove application mo, sundin lang ang mga steps na ‘to:
1. Mag-download ng Lalamove Driver app sa App Store o Google Play Store.
2. Mag-sign up sa Driver app.
3. Mag-online o on-site training.
4. I-upload ang mga Lalamove requirements:
- Professional Driver’s License
- Valid NBI clearance
- Vehicle Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR)
- Deed of Sale
- Letter of Authorization (LOA) if the vehicle is owned by someone else
5. Magpa-verify.
Pwede mo na ring simulan ang iyong journey sa Lalamove!
Nagsimula siyang sumali sa Lalamove noong 2020, maliban dito, nagtratrabaho din siya bilang isang food delivery rider sa Cabantuan. Ayon sa kanya, naging kasangga niya ang Lalamove sa araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya, lalo na sa pagpapalaki ng kanyang tatlong nagaaral na anak. Isa din siya sa mga nabigyan ng educational financial assistance mula sa BiyahEdukasyon.
Ang tanging advice niya lamang sa mga partner drivers na may gustong simulan ngayong taon ay, “Magsikap lang sa biyahe para sulit lahat ng pagod para sa pamilya.”
Biyahe na bilang Lalamove partner driver
Lahat tayo, may iba’t ibang dahilan at paraan kung paano magkakaroon ng bagong simula. Para sa ating tatlong partner drivers, naging lakas nila ang kanilang pamilya at pananampalataya para magkaroon ng new beginnings. At sa tulong ng Lalamove, may opportunity sila para magkaroon ng bagong journey ngayong taon.
Iniisip mo rin bang magkaroon ng bagong pagkakakitaan para sa pamilya mo? Mag sign-up na bilang part-time o full-time Lalamove driver! Para mag-apply, i-follow lang ang mga ito:
1. Mag-download ng Lalamove Driver app sa App Store o Google Play Store
2. Sign-up sa Driver app
3. Mag-online o on-site training
4. I-upload ang mga Lalamove requirements
-
Professional Driver’s License
-
Valid NBI clearance
-
Vehicle Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR)
-
Deed of Sale
-
Letter of Authorization (LOA) if the vehicle is owned by someone else
5. Magpa-verify.
Simulan ang iyong journey as a Lalamove driver!
SEE ALSO:
• 'Yan Ang Bossing: Natatanging Kwento ng Bawat Biyahe
• Partner Driver Aceking, Biyahe-Ready sa 2024
• 'Yan Ang Bossing: #PAANGATMoves ni Bossing Reynaldo & Ronaldo