'Yan Ang Bossing: Natatanging Kwento ng Bawat Biyahe

featured image

Para saan ang biyahe mo?

Ano man ang paglalaanan, araw-araw mananaig ang natatanging serbisyo at kasipagan – ganyan ang Lalamove delivery driver!

 

#BossingSaDaan

Iba-iba talaga ang bawat booking; minsan, may aberyang hindi inaasahan. Buti na lang, may mga taong handang tumulong at isa na riyan si Bossing Marvin.

Kwento niya, mahigit isang oras pagkatapos ng delivery nang ipaalam ng customer na na-scam ito pagkatapos hindi bayaran ng reciever ang mamahaling item na binili mula sa kanya. 

Dali-daling nakaisip ng solusyon si Bossing Marvin. Gamit ang kinuhanang picture bilang “proof of delivery” sa Lalamove app, natunton niya ang scammer at naiharap sa kanyang customer.

Dahil sa malakasakit at mabilis niyang aksyon, natulungang maibalik at mabayaran ang item na ipinadeliver. Pinaalalahanan ni Bossing Marvin ang customers na palaging siguraduhin ang pagdadalhan ng delivery. Dagdag pa niya, hingan ng ID picture na may address ang receiver para may habol kung sakali mang ma-scam.

‘Wag maging kampante at maging maingat sa lahat ng oras ang payo naman niya sa kapwa Lalamove Bossings sa driver job na ito.

 

lalamove-driver

“Palaging kuhanan ng picture ang customer at receiver para laging handa sa anumang mangyari."
- Bossing Marvin

 

#BossingSaPamilya

Para sa mga kumakayod para sa pamilya, sipag ang puhunan. Pang-tuition, pandagdag sa budget, o para sa simpleng salu-salo man, may pinaglalaanan ang bawat biyahe ng mga idol natin sa kalsada.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang Lalamove deliveries, laking pasasalamat ni Bossing Ariel na nailabas at nakapag-bonding sila ng kanyang pamilya, kahit sa simpleng paraan lamang. Dahil na rin sa kanyang kasipagan bilang partner driver, nakaipon at napagawan ng salamin ang kanyang anak.

Abala man sa biyahe, importanteng magkaaroon ng oras para pamilya – ang inspirasyon at pinagkukunan ng lakas sa hamon ng kalsada.

Kaya kung may pinag-iipunan ka, laging hiring ng delivery drivers sa Lalamove! Full-time man o part-time, pwede kang kumita dito. Basta handa kang bunuin ang deliveries para sa inaasam na #LifeGoals, pasok ka rito, Bossing!


lalamove-driver3

“Tunay nga ang kasabihan na ‘pag may tiyaga, may nilaga.'"
- Bossing Ariel

 

 

Sila Bossing Marvin at Bossing Ariel ang patunay na hindi lang sila tagapaghatid ng deliveries, pero pati na rin ng malasakit sa kapwa at pagmamahal sa pamilya.

Hindi madaling trabaho ang pagiging delivery driver sa Pilipinas, pero handa silang magsumikap kada biyahe. Basta’t para sa nangangailangan, ‘Yan ang Bossing na maaasahan!

 

 

 

Maging parte na ng samahan ng Partner Drivers!
Sali na sa Liga ng mga Bossing

Join the Facebook Group

 

Gusto mo rin bang maging Lalamove Bossing Driver?

MAG-SIGN UP NA 

 

Read more