Partner Ko 'To: Maaasahan On The Road

Paps! Anong kwentong on-the-road mo?

Napakaraming pwedeng mangyari sa bawat biyahe sa kalagitnaan man ng traffic o sa kasagsagan ng matulin na takbo ng mga sasakyan. Alam mo bang sa bawat matagumpay na delivery, may kaakibat na #HeroMove? Tunghayan natin ang iba’t ibang kwento ng ating Lalamove Partner Drivers!

 

Tara, Kwentuhan Tayo!

 

Naranasan mo na bang masiraan sa daan?

Hindi maiiwasan ang mga ganitong klase ng aberya kung ikaw ay isang delivery rider. Buti na lang ay may mga tao na handa laging tumulong. Isa na rito si Partner Ricky.

Bumabiyahe papuntang Cainta si Partner Ricky nang may nadaanang kapwa Lalamove Partner Driver na tinutulak ang nasiraan at tila may flat tire na motorsiklo sa kahabaan ng Ortigas flyover. Maulan ang panahon at mabigat ang dala-dalang Lalabag ng rider. Dahil dito, hindi na nagdalawang-isip pa na tumulong si Partner Ricky.

 

Pinagtulungan nilang isakay ang motor sa kanyang sasakyan at sinamahang maghanap ng vulcanizing shop. Ayon kay Partner Ricky, sinubukan siyang bayaran ng kapwa rider pero tumanggi siyang kunin ang pera.

 

Natigil man nang sandali sa pag-deliver, para sa kanya, mas importanteng makahanap sila ng mag-aayos ng motorsiklo.

RICKY1

Hindi na natanong ni Partner Ricky ang pangalan ng tinulungang rider. Pero sa kanilang pag-uusap, isa raw siyang Muslim na taga-Mindanao. Dito niya naisip na magkaiba man sila ng pinaniniwalaang relihiyon, iisa pa rin ang kabutihan na maaring ibahagi sa kapwa.

“Wag nang pumili. Basta gusto[ng] tumulong, tulungan na agad, lalo na sa kapwa rider.”
- Ricky Soteo, Lalamove Partner Driver

 

Sa oras na may nahihirapan, umuusbong ang kabayanihan. Hindi madaling trabaho ang pagiging delivery rider, lalo na’t kaliwa’t kanang orders ang kailangan bunuin. Sa kabila nito, may mga tao pa rin na handang umalalay, maantala man ang biyahe.

Patunay ang kwentong ito na basta Partner Driver, hindi lang naghahatid ng deliveries, pati na rin ng malasakit sa kapwa. Umulan man o umaraw, may Partner Driver kang maaasahan. Ano man ang pagsubok, tuluy-tuloy lang ang solid na serbisyo at samahan sa Lalamove!

 

 

Ikaw, anong kwentong on-the road mo?

Ibahagi mo na rin ang iyong Partner Ko 'To moment!

Share mo na 'yan!

 

Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?

MAG-SIGN UP NA TINGNAN ANG MGA BENEPISYO

 

Read more