Partner Ko ‘To: Long Distance Roadtrip

Paps! Anong kwentong on-the-road mo?
Napakaraming pwedeng mangyari sa bawat long distance delivery — sa kalagitnaan man ng traffic o sa kasagsagan ng matulin na takbo ng mga sasakyan. Alam mo bang sa bawat matagumpay na delivery, may kaakibat na #HeroMove? Tunghayan natin ang iba’t ibang kwento ng ating Lalamove Partner Drivers!
Tara, Kwentuhan Tayo!
Ang storyang ito ay tungkol kay Partner Giovanie at ang kanyang kwentong long distance. Noong una, ‘di niya inaasahang magiging parte siya ng Lalamove. Nang kumuha siya ng motorsiklo, hindi nag-atubili si Giovanie na ipasok agad ito sa Lalamove. Hindi man niya kabisado ang mga lugar, pero dahil sa Lalamove, Waze, at Google Map, mas napadali ito. Sa 7 buwan, nalibot niya ang buong Quezon City, Marikina, Pasig, Cainta, Caloocan North, Antipolo, Makati, at Taguig. Maraming ring natutunan si Partner Giovanie bilang isang part-time partner driver, gaya nang pagkaligaw at ang magkaroon ng malayong delivery.
Dagdag pa rito, marami siyang nakasalamuha at nakilalang iba’t-ibang tao. Sabi niya, “Ako ay buong pusong nagpapasalamat kay Lalamove - napakalaking tulong sa aking pamilya lalo na ngayong pandemic. God bless!” Kakaibang diskarte ang ipinakita mo, Partner Giovanie. Saludo kami sa’yo!
"Rotational man ang aming trabaho, at least may sideline at extra income galing sa pagiging [sic] Lalamove rider."
- Giovanie Orcales, Lalamove Partner Driver
Iba talaga ang Lalamove Partner Drivers! Sisiw lang ang long distance delivery! Maaasahan, lalung-lalo na sa oras ng pangangailangan sa malayong biyahe. At kita naman sa kwento ni Partner Giovanie na solid ang samahan ng ating mga Lalamove Partner Drivers. Sabi nga natin lagi’t lagi, “Ganito kami sa Lalamove!”
Ikaw, anong kwentong on-the road mo?
Ibahagi mo na rin ang iyong Partner Ko 'To moment!
Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?