Partner Ko 'To: Ikaw ang Lodi ko, Mark!

Paps! Anong kwentong on-the-road mo?

Napakaraming pwedeng mangyari sa bawat biyahe sa kalagitnaan man ng traffic o sa kasagsagan ng matulin na takbo ng mga sasakyan sa buhay ng isang delivery driver. Alam mo bang sa bawat matagumpay na delivery, may kaakibat na #HeroMove? Tunghayan natin ang iba’t ibang kwento ng ating Lalamove Partner Drivers!

 

Tara, Kwentuhan Tayo!

 

Kilala ang ating mga Lalamove Partner Drivers dahil sa kanilang sipag, tiyaga, at kahandaang tumulong anumang oras, basta’t para sa nangangailangan. Isa na sa mga ito si Partner Alexander Amparo. Isa na namang araw ng pagsusumikap  sa daan ang dumating. Dali-dali at mayroon na agad siyang natanggap na order!

 

Mabilisang naghanda si Partner Alexander para i-pick-up ang item na kanyang kailangang i-deliver. Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nasiraan siya ng motor bago pa man siya makarating sa paroroonan.

 

Agarang nag-isip ng paraan si Partner Alexander para masigurong matutuloy pa rin ang delivery ng customer na kanyang tinanggap. Naisipan niyang magbook na lamang ulit gamit ang Lalamove On-Demand Delivery App. Hinintay niyang may tumanggap ng kanyang booking hanggang sa lumitaw ang pag-accept ni Partner Mark Vasquez! Laking ginhawa niya dahil matalik na kaibigan niya pa ang nakakuha ng kanyang booking, kaya naman sigurado siyang safe ang parcel ni customer. Tinanggap agad ito ni Mark at sinabing,


“Dahil doon sa nangyari, masaya na ako at nakatulong pa ako para mapabilis ang pagdeliver ng item na sa kanya.. Nakakatuwa lang [na] nagkataon talaga.."

 

Nang dahil sa #HeroMove ni Mark, nasolusyunan agad ang problema ni Partner Alexander! Higit pa rito, naihatid ang parcel ng customer nang safe at secure dahil sa mabilis na pag-aksyon ni Alexander.

 

Iba talaga ang galing ng mga delivery driver! Maaasahan, lalung-lalo na sa oras ng pangangailangan. At kita naman sa kwento ni Partner Alexander na solid ang samahan ng ating mga Lalamove Partner Drivers! Sabi nga natin lagi, “Ganito kami sa Lalamove!”

 

 

Ikaw, anong kwentong on-the road mo?

Ibahagi mo na rin ang iyong Partner Ko 'To moment!

Share mo na 'yan!

 

Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?

MAG-SIGN UP NA TINGNAN ANG MGA BENEPISYO

 

Read more