Surprise Deliver Care treat para sa Lalamove Bossings
Sino ang superhero mo?
Ito ang kadalasang tanong kapag usapang bayani. Sa Lalamove, simple lang ang sagot d'yan: ang mga Lalamove Bossing ang aming delivery heroes on the road!
Pero siyempre, kahit superheroes, kailangan din ng pahinga. Kaya naman, through our Deliver Care initiative, namili kami ng apat na masuswerteng Lalamove delivery drivers sa Manila at Pampanga na deserve ang pahinga kasama ang kanilang mga chikiting.
Kilalanin sila dito at panoorin ang video na ito para malaman ang surpresang inihanda namin para sa kanila.
Strong Solo Parent Bossing
Pinapakita at isinasabuhay ni Jovylyn Kabingue ang pagiging strong woman sa buhay at sa career.
Nang tanungin namin ang anak niyang si James kung bakit niya kinoconsider ang mama niya bilang superhero, mangiyak-ngiyak nitong sagot, "Kasi... pinalaki niya 'ko ng maayos. I love you, Mama!"
Si Jovylyn ay isa sa ating mga Lady Bossings sa Lalamove. Isa siyang solo parent na binubuno ang biyahe sa kalsada araw-araw para mapunan ang pangangailangan nilang mag-ina.
Para sa Lady Bossing na ito, mas nakikilala niya ang sarili niya dahil sa mga lugar na napupuntahan niya habang nagde-deliver.
Dagdag pa nito, proud siya kapag pinupuri ng mga customers at clients ang kanyang pagiging female delivery rider sa Manila.
Pinaalalahanan din ni Jovylyn ang mga kapwa niya kababaihang may driver job sa Manila: "Kahit anong kayang gawin ng mga lalaki, kaya din nating mga babae!"
Also read: #BreakTheBias: Lalamove Lady Bossings
Tough Mommy Bossing on the Road
"Si Catwoman!"
Ito ang sagot ni Althea Jalandoni, anak ni Lady Bossing Joy Bell Jalandoni, nang tanungin namin siya kung sino ang kanyang favorite superhero.
Nang tanungin bakit, sabi ni Althea, "Dahil tough at maganda si Catwoman, tulad ni Mama."
Dagdag pa ng 14-year-old na supling ni Joy Bell, "Si Mama ang superhero ko talaga kasi kaya niyang gawin ang trabaho ng lalaki, gaya ng pagiging delivery rider."
Isang proud na Lalamove Lady Bossing si Joy Bell at malaki ang pasasalamat niya sa on-demand delivery platform sa pagiging inclusive nito.
Para sa kanya, malaking bagay na kahit sino, kahit ano pa ang gender or sexual orientation o estado mo sa buhay, ay pwedeng maging delivery rider sa Manila -- tulad niya.
"Gamechanger talaga si Lalamove sa pamilya namin. 'Yung mga naiipon ko sa Lalamove, natutulungan akong mag-budget ng sapat para sa pamilya at sa bahay namin," paliwanag ni Lady Bossing Joy Bell.
Tandaan, laging hiring ng delivery riders sa Manila sa Lalamove! Full-time man o part-time, pwedeng kumita dito tulad nila Lady Bossings Jovylyn at Joy Bell.
Also read: Kilalanin ang Tunay na Lalamove Bossing ayon kay Bossing Vic Sotto
Dedicated Daddy Bossing ng Pampanga
Si Al Paguio ay isang Lalamove partner driver sa Pampanga na dating nagtatrabaho ng full-time.
Pero nang kinailangang mag-stay sa bahay para alagaan ang kanilang mga anak, napagdesisyunan ni Al at ng kanyang may-bahay na magtrabaho part-time. Kaya nag-apply siya sa Lalamove.
Tinanong namin ang kanyang walong taong gulang na supling na si Karl kung sino ang kanyang favorite superhero.
Sagot ng bata, "Si Spiderman! Kasi responsable siya, parang si Papa!"
Para kay Karl, good provider at hands-on na ama itong si Al. Isinabuhay rin ni Bossing Al ang popular na line ni Spiderman sa comics na "With great power comes great responsibility".
Para naman kay Al, nagiging businessman siya dito sa Lalamove.
Napupunan niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak nang naaayon sa kanyang oras at kapasidad.
"Salamat, Lalamove, sa pag-mount ng ganitong event. Nakita ko today kung gaano kasaya 'yung anak ko sa bonding namin today -- at priceless 'yon," pagbabahagi ni Al.
Also read: 'Yan ang Bossing: Natatanging Kwento ng Bawat Biyahe
All-Around Daddy Bossing ng Pamilya
Para naman kay Renz, ang 12 taong gulang na supling ni Idol Julio Fabian, pinapakita ng kanyang papa ang mga qualities ni Batman.
"Para siyang si Batman, hindi takot sa kahit ano," sagot ni Renz.
Dagdag pa niya, "Si Papa ang superehero ko kasi tinutulungan niya kami at nagpo-provide siya para sa pamilya namin."
Taong 2020 nang magsimula si Julio bilang Lalamove Bossing. Naranasan na niyang mag-deliver ng iba't ibang mga items bilang delivery driver sa Metro Manila at sa sa karatig na mga city at probinsya tulad ng Bulacan, Pampanga, Laguna, at Batangas.
Tulad ni Batman, pinagsisilbihan niya ang community sa pagtulong sa mga negosyong i-fulfill ang kanilang mga orders.
Paalala ni Bossing Julio sa mga gustong mag-apply sa Lalamove bilang delivery rider sa Manila, "Enjoy niyo lang 'yung ginagawa niyo kasi magugulat na lang kayo, ang dami niyo na pa lang napuntahan at ang layo na ng narating ninyo. At pinakaimportante, maging patient at mabait palagi sa mga clients ha?"
Lalamove Bossing ka na ba?
Sali na sa Liga ng mga Bossing!
Para kay Djon Nacario, ang aming Lalamove Philippines Managing Director, mahalagang mag-"give back" sa hardworking community ng ating mga Lalamove Bossings sa ganitong paraan.
"Higit sa pagiging delivery heroes on the road na tumutulang sa mga small- and medium-sized enterprises (SMEs), malaking bahagi ang ginagampanan ng ating mga Lalamove Bossings sa kani-kanilang mga tahanan at pamilya. Kaya patuloy lang tayo sa pagtulong tungo sa pag-uplift ng kanilang mga buhay sa pag-provide ng flexible source of income, Panalomove benefits, at sa mga events gaya nito na magpapasaya talaga sa kanila," paliwanag ni Djon.
Salamat nga pala sa aming mga Panalomove Partners na sina MemoXpress at Unioil para sa mga supresang hatid sa ating mga Lalamove Bossing! Pasasalamat rin para sa Toys R Us, isa sa ating partner merchants sa Lalamove Rewards, para sa mga regalo para sa mga supling ng ating mga Bossing.
Paulit-ulit naming sasabihin ito, pero hindi talaga madali ng trahabo ang pagiging delivery driver sa Manila, Pampanga, at Cebu. Sa kabila nito, patuloy silang kumakayod at nagsusumikap kada biyahe.
Saludo kami sa inyo, mga Bossing!
Gusto mo rin bang maging Lalamove Bossing Driver?