Delivery Hero Ko 'To: Favorite Lalamove Driver ng mga MSME
Malaki ang parte ng mga Lalamove driver sa ating komunidad, kabilang na dito ang mga MSMEs.
Marami sa kanila, malaki ang pasasalamat sa mga Lalamove partner drivers na naging ka-partner nila sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Kaya naman nakakita ng magandang oportunidad ang Lalamove na bigyan ng pagkakataon ang mga MSMEs na bigyang pansin at pasasalamat ang kanilang mga favorite drivers sa Delivery Hero Ko 'To.
Sa mga napiling entries tungkol sa kanilang mga favorite Lalamove driver sa Delivery Hero Ko 'To, makakatanggap ng P5,000 wallet credits ang mga MSMEs, habang ang mga napiling favorite drivers ay makakatanggap naman ng P10,000 cash at P5,000 worth of groceries o gadget.
Dahil dito, mas naibida pa ang mga Bossing drivers natin. Narito ang kanilang mga istorya.
Mga Bossing na ka-partner sa negosyo
Isa sa mga nagbigay ng kwento tungkol sa kanilang favorite driver ay si Alona Arit. Ang napili niyang favorite driver ay si Bossing Moises Gamboa. Ayon sa kanya, malaki ang tulong na nabigay niya noong pandemic nung ‘di pa pwede lumabas lalo na’t buntis siya.
“Sobrang considerate niya sa mga additional request sa pagiingat at ang caring niya sa pagdeliver ng mga items kaya nakakarating ng maayos yung mga package,” sabi niya.
“Matagal na akong Lalamove driver kaya malaking pasasalamat ko sa mga clients ko tulad ni ma’am Alona na nakaka-appreciate ng serbisyo namin,” sabi ni Moises Gamboa.
Si Ann Dilomos naman, isa ring small business owner, ay pinili si Bossing Sylvester Bulaon bilang kanyang favorite driver dahil siya ay tunay na maasahan, sobrang sipag, at palaging ligtas sa kanyang biyahe kahit anong items ang ipadala sa kanya.
“Grabe ‘yung hanga ko sa kanya dahil araw-araw siya active at bumibiyahe. Deserve niya maging favorite driver,” sabi ni Dionos.
“Patuloy ko pang gagalingan ko sa serbisyo para patuloy din ang blessings, basta tapat ka sa hanapbuhay mo araw-araw,” sabi ni Bulaon.
Para kay Anneline Sistoza, owner ng Papa’s Garden Silangan SMR, napili niya si Bossing Macario Barbosa dahil sa kanyang pagiging masayahin at masipag sa pagtratrabaho. “Deserve niya mabigyan ng blessings sa dami niyang naserbisyuhan. Saludo kami sa kanya dahil sa pagtuwang niya sa aming munting negosyo.”
“Laking pasasalamat ko sa mga cliente tulad ni ma’am Anneline. Malaking tulong itong makukuha naming mga napiling favorite drivers mula sa programa ng Lalamove,” sabi ni Barbosa.
Ayon naman kay Aileen Agarin na mayroong furniture business, napili niyang favorite driver si Bossing Jeffrey Balete dahil maayos at maasahan ang serbisyo niya pagdating sa pagdeliver ng mga furniture. “Maayos at mabilis din nakarating yung mga item na pinapadeliver ko sa mga customers kaya sobrang pasasalamat kay kuya Jeffrey sa kanyang serbisyo.”
“Naniniwala po ako na kahit pagod, huwag kalimutan magpasalamat sa client. Kaya naman salamat po ulit kasi napili akong favorite driver,” sabi ni Balete.
Handle with care 'yan ni Bossing!
Malaking pasasalamat din ni Rhea Navarro, isang online food seller, kay Bossing Liu Lien Cosme dahil naging kaagapay niya ito sa pagpapadeliver ng kanyang mga special orders. “Sobrang maingat niya na nadadala yung mga pagkain tulad ng leche flan sa mga customers. Responsive rin siya at sobrang maingat sa mga products.”
“Masaya po ako na may naka-appreciate po sa akin bilang isang Lalamove driver. Blessing itong programa para sa aming dalawa,” sabi ni Cosme.
Ganoon din kwento ng isa pang online food seller na si Ferlyn Leyte na napiling favorite driver si Bossing Bryan San Sebastian dahil sa kanyang pag-iingat sa pagdeliver ng pagkain. “”Maingat niyang nadedeliver ‘yung bilao sa aking mga customers. Makikita mo talaga sa kanya ang pagiging pursigido at pagmamahal sa trabaho bilang driver ng Lalamove.”
“Thankful ako kay ma’am Ferlyn dahil napili niya akong favorite driver. Mahirap man ang biyahe, laban pa rin para sa pamilya. Drive safe para sa mga Lalamove drivers!,” reaksyon ni San Sebastian.
Para kay Lhey Pangilinan, importante ang pagiging maingat at accommodating kaya napili niyang favorite driver si Bossing Bernard Yanga. “Laking tulong niya sa mga online customers ko at sa online business namin. Napakaganda ng performance niya kaya deserve niya maging favorite driver dahil sa sobrang hard working niya.”
“‘Di talaga ako makapaniwala na nanalo kami dahil sa dami ng sumali, kaya sobrang pasasalamat ko dahil isa ako sa mga napiling manalo,” sabi ni Bernand Yanga.
Bossing to the rescue!
Ayon sa naman sa kwento ni Tristan Tan, challenge para sa kanila na makahanap ng driver on hire na tatanggap ng booking nila. Kaya naman parang naging superhero para sa kanila ang favorite driver nila na si Bossing Jherick Herrera dahil palagi niyang tinatanggap ang booking. “Rescuer ‘yan si kuya, laging inaaccept ang booking mapa-north to south man. Hassle free dahil lagi siyang on time.”
“Sobrang saya ko kasi sa dami ng customer na napaghatiran ko ng mga gamit nila, mayroon palang nakaka-appreciate ng trabaho ko bilang isang Lalamove driver,” reaksyon ni Herrera.
Isa rin sa mga na-”rescue” ng kanyang favorite driver ay si Ursula Miguel. Sabi niya best delivery rider si Bossing Romel Cas dahil sa mahabang pasensiya nito. “Nagkamali ako sa pin location pero tinuruan niya ako. Simula noon ‘di na ako nahirapan sa pag gamit ng Lalamove app. Salamat sa mahabang pasensiya niya sa tulad kong senior citizen na.”
“Nagpapasalamat ako kay ma’am dahil naalala niya pa ako bilang Lalamove driver niya. Pagbubutihin ko pa ang aking serbisyo dahil malaking tulong ito para sa pamilya namin,” sabi ni Cas.
Kasama sa mga hangarin ng Lalamove ang makapagbigay ng win-win situation para sa mga customers o business owners at mga Lalamove driver.
Sa pamamagitan ng Delivery Hero Ko 'To, naipakita nito ang kanilang collaboration para mapaunlad pa nila ang kanilang mga hanapbuhay. At siyempre, naibida rin ang mga magigiting at masisipag na Delivery Heroes ng Lalamove.
Para maging updated sa mga susunod na programa ng Lalamove, bumisita lang sa official Lalamove Facebook page.
Gusto mo rin ba maranasang maging Favorite Driver?
SEE ALSO:
• Ano ang Diskarte para Kumita nang Mas Malaki?
• 3 Tips para makaiwas sa traffic
• Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?