Kwentong Favorite Driver: Memorable Driver Experiences
Sa bawat delivery na tinatanggap o pinapadala mo, siguradong marami ka nang nakuhang mga kwento na nakakatuwa, nakakataba ng puso, at memorable, lalo na tungkol sa mga naging Lalamove driver mo.
Para mas bigyan pa ng halaga ang mga kwetong ito, naglabas ang Lalamove ng Kwentong Favourite Driver, kung saan lahat ay pwedeng mag-share ng kanilang mga storya tungkol sa memorable na drivers nila.
Dahil sa mga kwentong ito, mas nabigyan pa ng kahalagahan ang mga delivery drivers dahil sa kanilang walang sawang pagtulong at sipag sa araw-araw na pagseserbisyo.
Sa mga napiling entries, ang mga Grand Prize winners ay nakakuha ng appliances, habang ang iba ay nakakuha naman ng Php1,000 cash prize.
Narito ang mga Kwentong Favourite Driver nila.
Gusto mo rin bang kumita nang malaki?
Maaasahan sa oras ng pangangailangan
Para kay Siony Magtoto, isang long-time Lalamove user, malaking pasasalamat niya sa kanyang favourite driver on hire na si Bossing Argel Alvendia dahil sa tulong nitong mapadeliver ang mga damit mula sa bahay papuntang ospital.
“Dahil sa [kanyang] tulong, naging madali at magaan ang aming pag-aalala sa oras ng pangangailangan. Salamat din sa [kanyang] pasensya at pag-aasikaso, na talagang nagpapakita ng malasakit sa mga kliyente,” dagdag niya. Tingnan ang buong kwento dito.
Malaking tulong din para kay Joanna Aguirre ang kanyang favourite driver na si Bossing Jade Pron para sa kanyang trabaho.
“Alam nyang nagmamadali ako kasi may meeting sa office tapos naiwan ko charger ng laptop ko sa bahay so nagbook ako. Nadeliver niya agad, salamat Kuya Jade dahil sa kanya may trabaho pa ko,” sabi niya. TIngnan ang buong kwento dito.
Noong kailangan maglipat-bahay, naging katulong din ni Maria Anne Sacay ang Lalamove. Dahil sa kanyang favourite driver na si Bossing Elmer Malate, madali siyang nakapaglipat ng kanyang mga gamit.
“Malaki ang pasasalamat ko sa kanila kasi tinulungan nila ako maglipat-bahay. Masikip 'yung daan, mabigat 'yung mga gamit tapos maulan pa. Salamat, Kuya Aldrin tsaka sa kasamahan mo. 'Di kami makakapalipat ng bahay kung 'di niyo kami tinulungan,” sabi niya. Tingnan ang buong kwento dito.
Basta madiskarte, i-flex na 'yan!
Deserve i-flex ang favourite driver ni Juliet Luego na si Bossing Melchor dahil sa galing niya mag-navigate ng lugar gamit ang Lalamove drive app, kahit ‘di pamilyar si Juliet sa address.
“Bilis niya na-deliver ang item ko at kabisado nya ang daan kaya mabilis na naedeliver ito saken. Mabait din si Kuya at masipag, dahil sa kanya napabilis ang trabaho ko,” kwento ni Fuego. Tingnan ang buong kwento dito.
Para naman kay Erica Lav, kahit nagkalituhan sa mga items na ipapadala, tinulungan pa rin siya ng kanyang favourite driver on hire na si Bossing Ronald Granada.
“Nagkaroon ng switching of items kasi ‘yung kapitbahay ko. Sabay kami nakapagbook so ‘yung item ko napunta sa wrong rider. Buti na lang bumalik si Kuya. Sabi niya mag-focus daw ako,” ibinahagi ni Lav. Tingnan ang buong kwento dito.
Saludo naman si Jhon Ygot, na isang negosyante, sa kanyang favourite driver na si Bossing Raymart Sarcia, dahil sa diskarte niya na hanapin ang drop off location kahit nakakalito ang daan papunta.
“Maayos at maingat niyang na-pick up at nahatid ang item ko at mahaba ang pasensya niya. Kalmado pa rin siya habang hinahanap ‘yung naka-pin. Bilang rider ito talaga ang mas kailangan lalo na pag nabababad ng matagal sa biyahe para iwas gulo at disgrasya. Saludo po ako sayo kuya,” kwento ni Ygot. Tignan ang buong kwento dito.
Malaking pasasalamat naman ng negosyante na si Brijed Nasalliv sa kanyang favourite driver na si Bossing John Addun, dahil sa dedikasyon niya na maging flexible sa iba’t ibang sitwasyon.
“Magaan siyang kausap at marunong mag-adjust sa iba’t ibang sitwasyon. Kapag may biglaang delivery na kailangang gawin, lagi siyang nariyan, kahit sa gabi o maulan. Hindi ko maramdaman na trabaho lang ang ginagawa niya; para sa kanya, parang may malasakit siya sa bawat kliyente,” ani ni Nasalliv. Tingnan ang buong kwento dito.
Good vibes palagi kay Bossing
Para kay Carol Duka, isang business owner, nakakawala ng pagod sa pagtrabaho kung good vibes din ang nagiging delivery drivers niya tulad ng kanyang favourite driver na si Bossing Rodel Aulistian.
“His smile and positive attitude can lift someone’s gloomy day! Mahirap ang naka-expose lagi sa initin pero, g na g pa rin siya. Shout out sa iyo kuya,” sabi niya. Tingnan dito.
Ganon din ang naging experience ni Dean Carl Sebastian sa kanyang favourite driver na si Bossing Anthony na. “One in a million ka kuya. Salamat sa ‘yo dahil sa nakaka-good vibes na ngiti mo,” kwento niya. Tingnan dito.
Ayon naman kay Prince Lozada, isa ring business owner, paborito niyang driver si Bossing Harold Alvarez dahil sa good vibes at tulong na nabibigay niya sa kanyang negosyo.
“Gusto ko sa rider ay ‘yung kagaya ni Sir Harold, comedyante, magalang at mabilis mag-deliver Laking tulong saken ni Lalamove at ng rider niyo sa business ko,” ayon sa kanya. Tingnan dito.
Para kay Corazon Javier, naging favourite driver niya si Bossing Joselito Balagtas dahil sa good vibes na dinadala niya tuwing siya ay nagdedeliver para sa kanya.
“Isa sa favourite kong rider, suki lagi magpick up with smile and kwela. Always nagdedeliver with a smile,” sabi ni Javier. Tingnan pa dito.
• Panalomove: Exclusive na Fuel Discount mula sa Caltex
• Panalomove: Fuel, Rebates at Free Services galing Petron
• Panalomove: VIP Card na may Points to Cash Feature ng SEAOIL
Ayon sa kanilang iba’t ibang kwento tungkol sa kanilang mga favourite Lalamove drivers, lahat sa kanila ay may mga katangian na masipag, madiskarte, matulungin, at nagbibigay ng ngiti at saya sa kanilang delivery.
Sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang kwetong sa Kwentong Favourite Driver, naibida ang ang katangian ng mga magigiting na Lalamove drivers na patuloy na bumibiyahe araw-araw.
Tingnan ang Lalamove Requirements: Paano Maging Delivery Driver? para makapag-apply na!
Para maging updated sa mga susunod na programa ng Lalamove, bumisita lang sa official Lalamove Facebook page.
Handa ka na ba maging Lalamove driver?