Babae sa Manibela: Kwentong Lalamove Lady Bossing

featured image

(This blog has been optimized last March 15, 2024)

 

Ngayong Women's Month 2024, nakikiisa rin kami sa pagbigay-pugay sa mga kababaihan — ang aming Lalamove Lady Bossings.

Ito ay ang mga babaeng Lalamove drivers na patuloy na nakikipaglaban sa nakasanayan at walang sawang itinataas ang bandera ng mga kababaihan.

Alamin ang iba't-ibang kwento nila dito!

 

Lady driver ka rin ba na naghahanap ng pagkakakitaan?

REGISTER NA


 

FULL-TIME LALAMOVE TWIN RIDERS

lady-bossings

Si Joy Bell Jalandoni at Jovylyn Kabingue ay hindi lang kambal by blood kundi kambal rin sa sipag! Dating Grab drivers na lumipat sa Lalamove noong 2021. Sa edad na 43 years old, kakaibang diskarte ang naipakita nila bilang full-time riders.

Napili nila ang trabahong ito dahil sa hilig rin nila ang pagmo-motor, pero ano nga ba ang ilang lubak na nararanasan nila bilang babaeng Lalamove driver sa Pilipinas?

 

joybell_lalamove

"'Bakit ikaw ang nagde-deliver? Nasaan si Mister? Dapat nasa bahay ka lang.' Ang laki kong sagot, 'Hindi lang dapat nasa bahay lang ang babae. Dapat tumutulong rin kay Mister. Ang importante ay nakakatulong ka sa pamilya at asawa mo. Sa Lalamove, AKO ang boss.'"

- Joy Bell Jalandoni, Lalamove Lady Bossing

 

Madalas ma-discrimate si Bossing Joy Bell dahil sa pagiging lady driver niya dahil sa nakasanayang isipan na nasa bahay lang dapat ang mga babae. Para sa kanya, hindi siya sumasabay sa agos ng kung paano lang dapat ang mga babae at hindi niya iaasa sa asawa niya ang magtrabaho para sakanilang pamilya. Masaya siyang tumutulong sa asawa dahil gusto niya rin ang ginagawa niya.

 

Nabanggit niya rin na dahil sa edad nila, wala nang kukuha sa kanila sa pabrika kaya malaking tulong ang Lalamove sa pagsagip ng kanilang mga pangangailangan dahil madali lang rin siyang nakakakuha ng booking sa dami ng gumagamit ng delivery app. Isa rin daw sa kinagigiliwan niya sa pagiging driver on hire ay ang unli-booking at kalayaan para pumili ng order booking — ramdam niyang siya ang bossing.

 

 

lalamove_jovylyn

“Bilang single mom at babae, wala na tayong 'di kayang gawin na ginagawa ng mga lalaki. Papasukin lahat ng klase ng trabaho. Sa Lalamove, araw-araw akong kumikita di tulad ng lingguhan o buwan pa bago sumahod. Sobrang laking tulong ni Lalamove lalo na sa pangaraw-araw namin ni baby”

- Jovylyn Kabingue, Lalamove Lady Bossing

 

Malaking bagay kay Bossing Jovylyn na araw-araw siyang kumikita kesa buwan buwan bilang single mom. Lakas nang loob ang puhunan niya sa trabaho bilang lady driver dahil naniniwala siyang kung kaya gawin ng lalaki, kaya niya rin.

Mas gusto niya raw ang ganitong trabaho dahil hawak niya ang oras niya. May balanse ang oras para sa anak at pagbiyahe. 'Pag may delivery siya, mayroon din siyang mga customer na nagugulat at natutuwa dahil babae ang nagde-deliver.

 

 

LADY DRIVER TO REGISTERED CRIMINOLOGIST

lady-bossings-1

Si Vallery Agustin ay isang 22-year-old part-time Lalamove driver na nagsimula noong 2020. Nang makakuha siya ng driver's license nung nag simula ang pandemic, agad na niyang pinasok ang motor niya sa Lalamove.

Kasabay ng part-time job niya ay nagsusumikap rin siya sa pag-aaral. Naging malaking tulong raw ang kita niya bilang Lalamove partner driver bilang pambayad ng review center para sa board exams niya ng Criminology.

Habang nag-aantay sa resulta, sinabi niya sa sarili niya na 'pag nakapasa siya, magpapa-FREE DELIVERY siya bilang pasasalamat. Tingnan ang Facebook post dito

 

val_lalamove1

Walang imposible para sa mga babae. Thank you Lalamove sa pag-ahon sa'kin sa hirap nung college days ko para matustusan ko 'yung pag aaral ko at makapagtapos. Heto na ko ngayon, Registered Criminologist (RCrim) na!"

- Vallery Agustin, Lalamove Lady Bossing

 

Trabahong panlalaki man para sa iba ang napili niya, hindi ito naging hadlang para makamit niya ang tagumpay. Banggit pa niya, "Kaya natin gawin ang mga kaya ng kalalakihan, sipag at tiyaga ang puhunan. Thank you Lalamove kasi kung nasaan man ako ngayon, naging big part kayo ng success ko."

 

HK_DriverPage_Icon_20190923-02


Iba talaga ang galing ng mga Lalamove driver, lalo na ang aming Lady Bossings! Kitang-kita sa kwento ni Bossing Joy Bell, Jovylyn, at Vallery. Inspirasyon kayo sa mga kababaihan na walang imposible. Saludo kami sa diskarte at lakas nang loob niyo!

Kung naghahanap ka ng part-time o full-time job, sumubok na at tingnan ang Lalamove Requirements dito. Tingnan rin ang Exclusive Driver Benefits na mae-enjoy mo, bossing!

 

 

 

Gusto mo rin ba maging Lalamove Lady Bossing?

Mag-sign up na

 

SEE ALSO:
Babae sa Manibela: Tapat na Single Mom Lady Driver ng Manila
Babae sa Manibela: Lakas ng Kauna-unahang Cebu Lady Driver
Babae sa Manibela: Kwentong Lalamove Lady Bossing

 

Read more