#BreakTheBias: Lalamove Lady Bossings

FULL-TIME LALAMOVE TWIN RIDERS
Si Joy Bell Jalandoni at Jovylyn Kabingue ay hindi lang kambal by blood kundi kambal rin sa sipag! Dating Grab drivers na lumipat sa Lalamove noong 2021. Sa edad na 43 years old, kakaibang diskarte ang naipakita nila bilang full-time riders. Napili nila ang trabahong ito dahil sa hilig rin nila ang pagmo-motor, pero ano nga ba ang ilang lubak na nararanasan nila bilang babaeng delivery driver sa Pilipinas?
"'Bakit ikaw ang nagde-deliver? Nasaan si Mister? Dapat nasa bahay ka lang.' Ang laki kong sagot, 'Hindi lang dapat nasa bahay lang ang babae. Dapat tumutulong rin kay Mister. Ang importante ay nakakatulong ka sa pamilya at asawa mo. Sa Lalamove, AKO ang boss.'"
- Joy Bell Jalandoni, Lalamove Lady Bossing
Madalas ma-discrimate si Bossing Joy Bell dahil sa pagiging lady rider niya dahil sa nakasanayang isipan na nasa bahay lang dapat ang mga babae. Para sa kanya, hindi siya sumasabay sa agos ng kung paano lang dapat ang mga babae at hindi niya iaasa sa asawa niya ang magtrabaho para sakanilang pamilya. Masaya siyang tumutulong sa asawa dahil gusto niya rin ang ginagawa niya.
Nabanggit niya rin na dahil sa edad nila, wala nang kukuha sa kanila sa pabrika kaya malaking tulong ang Lalamove sa pagsagip ng kanilang mga pangangailangan dahil madali lang rin siyang nakakakuha ng booking sa dami ng gumagamit ng delivery app. Isa rin daw sa kinagigiliwan niya sa pagiging lady bossing ay ang unli-booking at kalayaan para pumili ng order booking — ramdam niyang siya ang bossing.
“Bilang single mom at babae, wala na tayong 'di kayang gawin na ginagawa ng mga lalaki. Papasukin lahat ng klase ng trabaho. Sa Lalamove, araw-araw akong kumikita di tulad ng lingguhan o buwan pa bago sumahod. Sobrang laking tulong ni Lalamove lalo na sa pangaraw-araw namin ni baby”
- Jovylyn Kabingue, Lalamove Lady Bossing
Malaking bagay kay Bossing Jovylyn na araw-araw siyang kumikita kesa buwan buwan bilang single mom. Lakas nang loob ang puhunan niya sa trabaho bilang Lalamove delivery rider dahil naniniwala siyang kung kaya gawin ng lalaki, kaya niya rin.
Mas gusto niya raw ang ganitong trabaho dahil hawak niya ang oras niya. May balanse ang oras para sa anak at pagbyahe. 'Pag may delivery siya, mayroon din siyang mga customer na nagugulat at natutuwa dahil babae ang nagdedeliver. — driver partner opportunities
LADY RIDER TO REGISTERED CRIMINOLOGIST
Si Vallery Agustin ay isang 22-year-old part-time Lalamove partner driver na nagsimula noong 2020. Nang makakuha siya ng driver's license nung nag simula ang pandemic, agad na niyang pinasok ang motor niya sa Lalamove.
Kasabay ng part-time job niya ay nagsusumikap rin siya sa pag-aaral. Naging malaking tulong raw ang kita niya bilang Lalamove partner driver bilang pambayad ng review center para sa board exams niya ng Criminology.
Habang nag-aantay sa resulta, sinabi niya sa sarili niya na 'pag nakapasa siya, magpapa-FREE DELIVERY siya bilang pasasalamat. Tingnan ang Facebook post dito.
“Walang imposible para sa mga babae. Thank you Lalamove sa pag-ahon sa'kin sa hirap nung college days ko para matustusan ko 'yung pag aaral ko at makapagtapos. Heto na ko ngayon, Registered Criminologist (RCrim) na!"
- Vallery Agustin, Lalamove Lady Bossing
Trabahong panlalaki man para sa iba ang napili niya, hindi ito naging hadlang para makamit niya ang tagumpay. Banggit pa niya, "Kaya natin gawin ang mga kaya ng kalalakihan, sipag at tiyaga ang puhunan. Thank you Lalamove kasi kung nasaan man ako ngayon, naging big part kayo ng success ko."
LADY RIDER FROM MINDANAO
Taong 2021 nang maging Lalamove partner driver si Bossing Claudine "Claud" Boholano na galing pa sa Mindanao. Pumunta siyang Manila para sa mas maraming trabaho na mapasukan at agad rin siyang pumasok nung nalaman niyang pwede magpart-time at laging drivers wanted sa Lalamove.
“Kapag gusto mo talaga ang isang bagay, motivated kang kumita at inspired ka sa ginagawa mo – kung ano ang kaya ng ibang gawin, kaya ko din. May goal akong sineset ang gusto kong matuto at kumita nang mas malaki sa isang araw.”
- Claud Boholano, Lalamove Lady Bossing
Dagdag pa niya, “Malaki ang utang na loob ko sa Lalamove. Nasasagip ang mga extra kong pangangailangan.” Dahil hawak niya ang oras niya, bumabyahe talaga siya kung kailan niya gusto. Mataas pa ang kita!
Ayaw niyang may nasasayang na oras kaya maliban sa biyahe bilang delivery driver, may full-time job din siya sa isang travel agency at miyembro rin ng sikat na dance group na Lalamovers. Nagbibigay sila ng oras para magpasaya sa social media, tumulong sa kapwa partner drivers at dumiskarte sa trabaho.
Nitong nakaraang 6sik Saya Star Driver's Recognition nanalo naman si Bossing Claud ng brand new motorcycle. Tunay na hindi ka talaga lalagpasan ng mga bagay na para sa'yo, Bossing!
Iba talaga ang galing ng mga Lalamove Bossing, lalo na ang aming Lalamove Lady Bossings! Kitang-kita sa kwento ni Bossing Joy Bell, Jovylyn, Vallery, at Claud. Inspirasyon kayo sa mga kababaihan na walang imposible. Saludo kami sa diskarte at lakas nang loob niyo!
DELIVERY SERVICE JOBS NEAR ME
Panalong benefits, panalo pa ang kita! Laging may driver hiring in Cebu, Pampanga at Manila sa Lalamove. Apply na! Kung interesado ka at marami ka pang katanungan, i-click lamang ang link na ito.
Lady rider ka rin ba?
Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?