3 Lady Drivers nag-uwi ng 30K Panalong PangNegosyo Package
Sa nagdadamihan na mga Lalamove drivers sa bansa, ‘di maipagkakaila na nangingibabaw pa rin ang mga Lalamove Lady Bossings dahil sa kakaiba nilang diskarte!
Karamihan din sa kanila ay maraming side hustles at gustong magkaroon ng negosyo. Kaya para i-celebrate ang mga Lady Bossings noong Women’s Month noong Marso, may handog na Panalong PangNegosyo program ang Lalamove.
Sa panahon ngayon, kita naman ng lahat na marami nang women entrepreneurs ngayon. Ayon sa Philippine Statistics Authority, dumadami na ang mga kababaihan na nagtatayo ng negosyo ngayon dahil halos nasa 28,000 na ang mga SMEs na pagmamayari ng mga kababaihan noong 2015.
Dahil dito, namili ng tatlong Lady Bossings beneficiaries ang Lalamove para bigyan ng PHP 20,000 worth of grocery package mula sa Puregold at Lalamove at PHP 10,000 Lalamove wallet credits na pwedeng gamitin pangdagdag sa kanilang gustong negosyo.
Para sa tatlong swerteng Lady Bossings na si Marycris, Gina, at Marie, dream come true ang makapagpundar ng sariling negosyo.
Narito ang kanilang kwento!
Hindi ka pa ba Lalamove Partner Driver?
Abot-kamay na pangarap
Marami sa atin ang nakaranas na magkaroon ng iba’t ibang hanapbuhay. Tulad na lang ni Marycris Ensilang, isang 48 years old na babaeng truck driver mula sa Caloocan City. Bago pa maging isang Lady Bossing, marami na siyang pinasok na trabaho mula sa pagiging OFW, sales representative, driver on hire, at call center agent.
Ayon sa kanya, isang blessing na isa siya sa mga napiling mabibigyan ng pangnegosyo dahil matagal na daw niyang pinapangarap ito. At dahil sa Lalamove, naabot na niya ito.
“Sa edad kong ito, ang hirap na magkahanap ng trabaho kaya wala na akong ibang hangad kundi magkaroon ng sariling negosyo,” sabi niya.
Halos isang taon palang na nakakalipas nung sumali siya sa Lalamove. Sa sobrang dami na niyang pinagdaanan, gusto naman ni Marycris na magkaroon ng maliit na grocery para matulungan niya ang kanyang pamilya na nasa Negros Oriental.
Maliban sa kanya, truck driver sa trucking business din ang partner ni Marycris. Parehas silang dumidiskarte para sa mga gastusin nila araw-araw.
“Gusto ko pang lawakan ang kita ko habang nasa Lalamove ako. Gagawin ko ‘yung makakaya ko na habang ipinagpapatuloy ‘yung biyahe ko, pinapalago ko rin ‘yung magiging negosyo namin,” dagdag niya.
Kailangan mo rin ba ng dagdag kita?
Sipag at tiyaga para sa pamilya
Para naman kay Gina Dacion, palaging sipag at tiyaga ang baon niya tuwing naghahanap buhay siya. Parte na ng pamumuhay ng pamilya ni Dacion ang Lalamove dahil maliban sa kanya, ang asawa niya rin ay isang Lalamove driver ng motorsiklo habang siya naman ay bumibiyahe ng sedan.
Sa tatlong taon niya sa Lalamove, matagal na rin niyang gustong magkaroon ng negosyo para sa pamilya niya sa Pampanga.
“Gusto ko talagang magkaroon ng sari-sari store para may pangdagdag kita kami. Para ‘pag may mga araw na walang bumibiyahe sa amin, mayroon kaming negosyo na maasahan,” sabi niya.
Pero bago siya maging parte ng Lalamove, isa muna siyang naging private elementary tutor sa loob ng halos 21 years. Hanggang sa natapos ito noong pandemic kaya siya naman ay humanap ng panibagong hanapbuhay. Dito, natuklasan niya ang Lalamove.
Ayon sa kanya, lahat ng kanyang pagsisikap bilang isang babaeng Lalamove driver ay para sa kanyang mga anak. “Malaking tulong ang mga programang ito para sa lahat ng mga partner drivers tulad namin na nagsasakripisyo para sa pamilya,” dagdag niya.
Maging isa sa mga Lady Bossings tulad ni Gina!
All-around single parent at Lady Bossing
Isang blessing naman para kay Marie Ceno mula sa Cebu City, isa din na Lady Bossing na mapili sa Panalong PangNegosyo. Bilang isang single mother sa loob ng halos 12 taon, naranasan na niya ang iba’t ibang trabaho para maitaguyod ang kanyang mga anak.
“Bilang isa sa mga Lalamove lady driver at isang single mom, proud ako sa sarili ko na nakaya ko ang ganitong trabaho. Ini-enjoy ko lang ang bawat araw na booking na natatanggap,” sabi niya.
Ayon sa kanya, marami na siyang naging trabaho tulad ng pagiging OFW bilang dance instructor at yellow taxi driver sa Cebu.
Ngayon, maliban sa pagiging partner driver, matutupad na rin ang kanyang pangarap maging small business owner. “Matagal ko nang gusto magsimula ng negosyo habang bumibiyahe ako sa Lalamove para may dagdag kita ako para sa mga anak ko.”
“Malaking tulong po talaga itong programa na ‘to para sa mga Lady Drivers at single mothers na tulad ko na aalaga at nagpaaral sa kolehiyo,” sabi niya.
Simulan na ang pagiging Lalamove lady driver!
Kayang abutin ang pangarap kasama ang Lalamove
Iba’t iba man ang estado natin sa buhay, babae man o lalaki, bata o matanda, lahat may opportunity na maabot ang kanilang pangarap bilang isang Lalamove partner driver, tulad nalang ng mga Lady Bossings natin na si Marycris, Gina, at Marie.
Gusto mo rin ba magkaroon ng dagdag kita? Mag-sign-up na bilang part-time o full-time Lalamove driver!
Para simulan ang Lalamove application mo, sundin lang ang mga steps na ‘to:
-
Mag-download ng Lalamove Driver app sa App Store o Google Play Store.
-
Sign-up sa Driver app.
-
Mag-online o on-site training.
-
I-upload ang mga Lalamove requirements.
• Professional Driver’s License
• Valid NBI clearance
• Vehicle Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR)
• Deed of Sale
• Letter of Authorization (LOA) if the vehicle is owned by someone else
-
Magpa-verify.
Maging Lalamove partner driver na rin!
SEE ALSO:
• Ano ang Diskarte para Kumita nang Mas Malaki?
• 3 Tips para makaiwas sa traffic
• Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?