Delivery Driver

Tuloy Biyahe Program: Dagdag Kabuhayan Para Sa 1000+ Tsuper

featured image

Marami sa mga iba’t ibang klaseng drivers sa Pilipinas ang gustong magkaroon ng bagong pagkakakitaan, tulad nalang ng pagiging isang Lalamove driver.

Dahil dito, nakakita ng oportunidad ang Lalamove na gumawa ng programa na makakatulong sa mga jeepney drivers, tricycle drivers, taxi drivers, UV express drivers, at marami pang iba. 

Nabuo ang Tuloy Biyahe Program: Tsuper Onboarding Roadshow para sa mga PUV at PUJ drivers sa iba’t ibang lungsod at probinsya na gustong magkaroon ng dagdag kita.

Nais nitong tulungan ang mga tsuper na maging financially independent at entrepreneurs. 

 

 


Driver on hire ka rin ba?
MAGING PARTNER DIVER NA

 

Nakipagpartner din ang Lalamove sa mga local government units (LGU)  para sa maipaabot ang programa sa iba pang komunidad ng mga tsuper sa kanilang lugar. Kasama sa mga tumulong ay sina City of San Fernando Pampanga Mayor Vilma Caluag, Tarlac City Mayor Cristy Angles, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Valenzuela City Mayor Weslie Gatchalian, Lipa City Mayor Eric Africa, Cebu City Acting Mayor Raymond Garcia, at Mandaue City Acting Mayor Glenn Bercede. 

Sa programang ito, mabilis na na-onboard ang mga gustong maging partner driver ng Lalamove. Basta kumpleto ang kanilang Lalamove requirements at mayroon na silang Lalamove driver app, agad na silang na-verify. 

Kasama rin ang Lalamove Automotive na nag-offer ng affordable vehicle loan options. May mga partners din tulad ng LTO na nagbigay ng driver safety tips at Pag-IBIG para sa mga nag-apply ng Loyalty Card at multipurpose loan. Nandoon rin ang mga brand sponsors ng roadshow tulad ng PLDT, Maynilad, at Invested. 

Narito ang ilan sa mga kwento ng mga bossings na tsuper na naging parte ng Tuloy Biyahe program. 

 

Bagong oportunidad para sa mga tsuper


DSC_2397

 

Sinimulan ang Tsuper Onboarding Roadshow sa City of San Fernando, Pampanga, Tarlac City, at Baguio City. Sa mga lugar na ito, maraming driver on hire, jeepney, at tricycle drivers ang pumunta sa hangad na magkaroon ng iba pang pagkabuhayan para makatulong sa kanilang pamilya. 

 

4d6b30a5-7663-4755-8ce1-0e97e5177c22

Fernando Balingit Jr., Tarlac City

 

Ayon kay Fernando Balingit Jr., isang jeepney operator sa Tarlac City, malaking tulong ang programa para sa mga namamasada dahil pwede itong gawing sideline. Kwento niya, “MWF ako pumapasada kasi coding ako, pwede pala akong mag-Lalamove sa mga araw na ‘di ako namamasada."

 

a869e696-d8c1-4a23-942a-dc64dfebb7a5

Raul Teodoro, Tarlac City

 

“Kailangan ko ng extra income para sa pamilya kasi nagta-tricycle lang ako, hindi sapat ‘yun. Ngayon sa Lalamove, pwede ang extra income, hawak ko pa ang oras ko,” sabi ni Raul Teodoro, isang tricycle driver sa Tarlac City. 

Ayon kay Ricky Santiago, isa ring tricyle driver mula sa Tarlac City, malaki ang pasasalamat niya dahil mayroong pumasok na bagong oportunidad para sa mga kagaya niyang drivers  sa kanilang lugar. 

“Malaking tulong ‘yung ganitong programa, lalo na sa pamilya [ko] at para na rin sa mga kakilala ko na interesadong maging delivery rider para magkaroon ng bagong kabuhayan,” dagdag niya. 

Para sa iba, nakita rin nila ang oportunidad ng programa para makapag-part time para madagdagan ang kanilang kita sa pang-araw araw.

 

viber_image_2024-09-20_13-59-55-114

Tyrone Esperanza, Baguio City

 

“Nakita ko na pwede kang bumiyahe sa Lalamove anytime, lalo na kung may free time ka. Para hindi sayang ‘yung oras, pwede kang mag-side line, magkakaroon ka pa ng kita,” sabi ni Tyrone Esperanza, isang motorcycle driver mula sa Baguio City.

 

Tulong para sa pamilya at kinabukasan

 

Halos lahat sa mga masisipag na drivers na namamasada araw-araw ay may pamilyang binubuhay. Kaya naman ang tanging hangad lang nila mula sa programa ay makakuha ng dagdag kita para sa kanilang pamilya. 

“Una, iniisip ko pong mag-freelance sa Lalamove kasi free po ang oras ko bumiyahe. Pero ngayon, pwede ko na rin i-full time para may pang-gastos kami ng pamilya ko araw-araw,” kwento ni Christopher Cinco, isang motorcycle driver sa Quezon City.

Ayon naman sa iba, ‘di sapat ang kinikita nila para sa pagpapaaral at gastusin nila sa bahay.

“Minsan ‘di sapat yung full-time work ko sa pang-gastos kaya pumasok ako sa Lalamove as delivery rider para may pang-dagdag kita ako sa pamilya ko,” sabi ni Anthony Tuyor, isang driver mula sa Antipolo City.

 

viber_image_2024-09-27_14-33-42-174

Rotchel Sumugat mula sa Valenzuela City

 

 

“Kaya ko naisipang pumasok sa Lalamove, meron na kasi akong dalawang anak na nasa college kaya kailangan ko magkaroon ng extra income para sa kanila,” dagdag ni Rotchel Sumugat, isang driver at security guard mula sa Valenzuela City. 

“Dati akong work-from-home, pero ngayon, sinubukan ko namang maging delivery rider. Pumasok din ako sa Lalamove para [may] pang-dagdag kita para sa pamilya ko,” sabi naman ni Alexander Magbuhos, isang delivery rider sa Lipa City.

Ayon naman kay Marc del Carpio, isang motorcycle driver din sa Baguio City, kinuha niya ang oportunidad na ito dahil mahilig din siya magmaneho ng motor. “Dahil palagi na akong nagmomotor, gagawin ko na rin itong pang-sustento para sa sarili ko at pamilya ko.” 

 

 

Diskarte sa paghahanap ng dagdag kita

 

Sa huling batch ng Tuloy Biyahe program, sinuportahan ng Lalamove ang tsuper sa Cebu na magkahanap ng dagdag kita. Isa sa mga dahilan kung bakit kailangan nila ng extra income ay hindi na nagkakasiya ang kanilang kinikita sa pamamasada o full-time job kaya naghahanap sila ng ibang diskarte. 

 

viber_image_2024-10-21_09-14-00-175

Joseph Balaan mula sa Cebu City

 

“Minsan kulang ‘yung income kaya kailangan maghanap ng dagdag kita. Ngayon, madadagdagan na ‘yung source of income namin dahil sa Lalamove, pang-dagdag sa kita mula sa negosyo ng asawa ko at ng full-time job ko,” ayon kay Joseph Baalan, isang mini van driver mula sa Cebu City.

 

viber_image_2024-10-04_12-16-52-633

Abner Monaras mula sa Liloan, Cebu

 

“Kinuha ko na ‘yung opportunity para magkaroon ng bagong business at isa pang source of income,” sabi ni  Abner Monares, isang business owner sa Liloan, Cebu.

 

viber_image_2024-10-21_09-18-44-728

Fritzeberge Caballero, Cebu City

 

“Tinake ko na yung opportunity na maging Lalamove driver kasi no time limit. Kahit sa free time mo pwede, kaya perfect siya na pang-sideline,” sabi ni Fritzeberge Caballero, isang motorcycle driver na suma-sideline rin sa mga events sa Cebu City. 

 

 

Icon1-2

TULOY LANG ANG BIYAHE SA LALAMOVE

 

Hangad talaga ng Lalamove na makapagbigay ng tulong at suporta sa mga taong gustong magkaroon ng sariling kabuhayan, kasama dito siyempre ang iba’t ibang uri ng mga drivers. 

At sa pamamagitan ng Tuloy Biyahe Program na handog ng Lalamove, sana patuloy din ang pagkakaroon ng oportunidad at pangkabuhayan ng ating mga masisipag na tsuper sa bansa. Patuloy ang Lalamove sa pagbibigay ng madaliang access sa livelihood opportunities para sa sinumang nangangailangan ng pagkakakitaan.

Para maging updated sa mga susunod na programa ng Lalamove, bumisita lang sa official Lalamove Facebook page.

 

 

 

Hindi ka ba naka abot? Pwede pa mag sign-up, Bossing!
MAGING PARTNER DIVER NA

 

 

SEE ALSO:
Ano ang Diskarte para Kumita nang Mas Malaki?
3 Tips para makaiwas sa traffic
Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?

 

Read more

Need to book a delivery?