3 Tips para makaiwas sa traffic ngayong Pasko
Holiday rush na para sa mga Lalamove driver! Gusto mo bang makaiwas sa traffic?
Sa gitna ng mataas na demand, dapat maging aware sa tamang diskarte na makakatulong sa'yo na mag-navigate ng mabilis at maayos sa kalsada.
Alamin ang mga sikreto para mapanatili ang efficiency at magtagumpay sa paghatid ng mga packages ngayong pasko!
Panoorin kung magkano kinikita ni Bossing B sa Lalamove dito:‘
RELATED POSTS:
• Panalomove: Fuel Discounts mula sa Jetti Petroleum
• Panalomove: Fuel, Rebates at Free Services galing Petron
• Panalomove: 15% na Lubricant Discounts mula sa Mobil
TIPS PARA MAKAIWAS SA TRAFFIC
• GAMITIN ANG WAZE O GOOGLE MAPS
Siguraduhing naka-install ang mga mobile apps na nagbibigay ng real-time na update sa kondisyon ng kalsada.
Malalaman mo sa Waze o Google Maps kung may free flow, light traffic, moderate traffic, at kung heavy traffic depende sa color coding. Pwede mo ring makita kung bumper to bumper na ba pag mapula na ang color code kaya gamitin ang alinman sa dalawang apps na ito lalo na kung hindi mo kabisado ang pin location o drop off ni customer, Bossing!
• IWASAN ANG RUSH HOUR
Alamin ang mga rush hour (7 AM - 10 AM at 5 PM - 8 PM) at iwasan ang mga ito kung maaari para pwede mong i-adjust ang iyong oras ng biyahe.
Mas magandang bumiyahe kung maiwasan ang pinakamasikip na oras sa kalsada. Payo ng ibang Lalamove driver, dapat bago mag rush hour, malalapit lang dapat ang iyong ruta.
• DUMISKARTE SA SHORTCUTS
Kung matagal ka nang Lalamove driver, malamang kabisado mo na ang mga pwedeng shortcut — alam mo na kung saan ka mas makakaiwas sa traffic at kung saan maluwag ang daan.
Kumuha ka ng booking sa kabisado mong lugar para alam mo na ang pasikot-sikot. Doon tayo sa mapapabilis ang biyahe mo, Bossing!
Pag marunong ka na dumiskarte sa pag iwas sa traffic ngayong holiday season, mas malaki ang kita! At syempre, pag malaki-laki na ang naipon mo, siguraduhing alam mo ang tamang Cash Out Process para iwas aberya.
Merong TRIPLE HOLIDAY TREAT na naka handa para sa'yo, Bossing! Sulit ang biyahe mo sa Christmas Surcharge, Stacking, at Orders.
Alamin sa ibaba para trumiple ang kita ngayong pasko! Magsisimula na ngayong December 1. Siguraduhin din na nakapag pakabit ka na ng Vehicle Sticker para makarami ng booking at laging tandaan ang Mga Kailangan ng isang Lalamove Partner Driver para sulit ang bawat biyahe!
Kaya't wag nang magpatumpik-tumpik pa! Isabuhay ang mga tips na ito at siguraduhing ang iyong biyahe ngayong holiday rush ay magiging mas mabilis at mas maginhawa.
Laging driver on hire dito kaya pwedeng mag aya ng mga tropa via Driver Referral Program.
Sa pamamagitan ng tamang diskarte, tiyak na mapanatili mo ang iyong efficiency at magtagumpay sa bawat paghatid ng mga packages ngayong masiglang pasko! Happy driving, Bossing. 😄
Gusto mo bang kita nang malaki bilang delivery driver?
SEE ALSO:
• 'Yan Ang Bossing: Natatanging Kwento ng Bawat Biyahe
• #BreakTheBias: Lalamove Lady Bossings
• 'Yan Ang Bossing: #PAANGATMoves ni Bossing Reynaldo & Ronaldo