Mga Kailangan ng isang Lalamove Partner Driver
Partner, kumpleto na ba ang mga on-the-road essentials mo bilang delivery driver?
Sa panahon ngayon, importanteng handa ka sa bawat biyahe. Maraming pwedeng ‘di inaasahang pangyayari ang naka-abang tulad ng mga posibleng aksidente, flat tire, biglaang ulan, atbp.
Napakaraming driver partner opportunities sa Lalamove pero para maging handa, ito ang mga dapat na bitbitin at siguraduhin bago pumasada:
TUBIG
Pwedeng bumili sa malapit na convenience store o bumili ng sarili mong tumbler para mas makatipid. I-refill mo nalang ng malamig na tubig at siguradong buhay ka sa maiinit na biyahe!
EXTRA TIRE
Para sa mga 4-wheel drivers na may malayong biyahe, maging handa sa mga hindi inaasahang matatalim na bagay sa daan at bigat na hindi kaya ng iyong sasakyan para maiwasan ang flat tire. Kung mangyari man ito, magandang may reserba kang gulong sa likod ng sasakyan para hindi masayang ang oras mo. Kaya para maiwasan ang hassle na tumawag at maghintay ng matagal sa tulong, i-ready ang spare tire sa likod ng sasakyan.
GEARS
Maging handa sa pabago-bagong panahon! Kung 2-wheel vehicle driver ka, laging siguraduhin na may helmet, knee pad, elbow pad and iba pang gears bago pumasada sa daan. Safety first, partner! Bago ka umalis ng bahay, i-secure muna ang sarili para swabe ang biyahe.
FIRST AID KIT
Magtabi ng kahit simpleng first aid kit sa sasakyan – 2-wheel man o 4-wheel rider ka. Pwedeng bumili ng isang set sa malapit na botika, tiyak kumpleto na ang mga kailangan! Siguraduhing may band aid, medical gauze, alcohol cotton, medical tape, scissors, antiseptic cream, etc. para kung sakaling may di inaasahang pangyayari at malayo pa ang ospital, pwede mo muna remedyuhan ng mga ito.
BAON
'Wag magutom sa daan, partner! Siguradong sisipagin ka sa biyahe pag may lakas at resistensya sa buong araw. Mag-baon ng almusal, pananghalian at hapunan kung kinakailangan. Pwede ka ring sumabay sa iba pang tropa sa daan na Lalamove partner driver para mas masarap ang kainan. Salu-salo at may kasamang kwentuhan!
AUTOMOTIVE TOOLS
Maghanda ng wrench, screwdriver, pliers, trolley jacks, multimeters, jumper leads, hammers, atbp. Kasyang-kasya ang isang automotive tool set sa trunk ng kahit anong 4-wheel vehicle. Kung ikaw naman ay 2-wheel driver, kahit yung mga pinaka importante lang ang isiksik para sa sariling seguridad.
RAINCOAT / KAPOTE
Important ang kapote lalong-lalo na’t tag-ulan! Pwede kang bumili ng pansarili mo at mga susunod mong pasahero para swabe ang biyahe kahit magkaron ng 'di inaasahang pag-ulan. Piliin ang saktong size para makagalaw parin nang maayos habang nagmamaneho.
Pero, ang pinaka importanteng dalhin sa bawat biyahe ay pasensya at tibay ng loob! Iba’t-ibang uri ng pasahero at customers ang makakasalamuha mo kaya magtabi ng maraming pasensya para maka-unawa at lubos na mabigay ang quality service. Simplehan mo lang din ang traffic, paps.
Siguraduhing alam mo ang pasikot-sikot para mas mapabilis ang biyahe, lalong-lalo sa mga long distance roadtrip! Lagi ring hiring delivery drivers sa Lalamove kaya pwedeng mag sama ng mga bagong tropa sa solid na driver community na ito.
Pwede ka ring kumita ng mas malaki sa pagiging fleet owner. Tingnan ang mga dapat mong malaman para mag-apply dito. Maasahan ang Lalamove para mapabilis ang pag-iipon mo, partner! Kung wala ka pang sasakyan, hatid ng Lala Auto ang pagpapa-arkila ng sasakyan para sa'yo.
The best ang delivery driver hiring jobs sa Lalamove! Tiyak na panalo ka sa hanapbuhay. Sulit ang pag-sisikap at siguradong may mauuwi sa pamilya! May driver hiring in Cebu, driver hiring in Pampanga at driver for hire in Manila. Apply na!
Gusto mo bang maging Lalamove Partner Driver?