'Yan Ang Bossing: Long Distance Roadtrip

featured image

Bossing! Anong kwentong on-the-road mo?

Napakaraming pwedeng mangyari sa bawat long distance delivery — sa kalagitnaan man ng traffic o sa kasagsagan ng matulin na takbo ng mga sasakyan. Alam mo bang sa bawat matagumpay na delivery, may kaakibat na #HeroMove? Tunghayan natin ang iba’t ibang kwento ng ating delivery drivers!

 

 

 

Tara, Kwentuhan Tayo!

Ang storyang ito ay tungkol kay Bossing Giovanie at ang kanyang kwentong long distance. Noong una, ‘di niya inaasahang magiging parte siya ng Lalamove. Nang kumuha siya ng motorsiklo, hindi nag-atubili si Giovanie na ipasok agad ito sa Lalamove.

Hindi man niya kabisado ang mga lugar, pero dahil sa Lalamove, Waze, at Google Map, mas napadali ito. Sa 7 buwan, nalibot niya ang buong Quezon City, Marikina, Pasig, Cainta, Caloocan North, Antipolo, Makati, at Taguig. Maraming ring natutunan si Bossing Giovanie bilang isang part-time partner driver, gaya nang pagkaligaw at ang magkaroon ng malayong delivery.

Dagdag pa rito, marami siyang nakasalamuha at nakilalang iba’t-ibang tao. Sabi niya, Ako ay buong pusong nagpapasalamat kay Lalamove - napakalaking tulong sa aking pamilya lalo na ngayong pandemic. God bless!

Kakaibang diskarte ang ipinakita mo, Bossing Giovanie. Saludo kami sa’yo! Buti nalang laging drivers wanted sa Lalamove. Kung l300 driver ka, pasok na pasok ka sa driver community, Bossing!

 

 

"Rotational man ang aming trabaho, at least may sideline at extra income galing sa pagiging [sic] Lalamove rider."
- Giovanie Orcales, Lalamove Partner Driver

 

 

Iba talaga ang Lalamove partner drivers! Sisiw lang ang long distance delivery! Maaasahan, lalung-lalo na sa oras ng pangangailangan sa malayong biyahe. At kita naman sa kwento ni Bossing Giovanie na solid ang samahan ng ating mga Lalamove Bossings. Sabi nga natin lagi’t lagi, “Ganito kami sa Lalamove!”

 

 

Kung ikaw ay Lalamove Bossing na, siguraduhing kabilang ka na sa Liga ng mga Bossing FB page para maging updated sa exclusive discounts at latest announcements. Marami ka pang makakausap at makaksalamuhang mga kapwa Lalamove Bossings na magbibigay ng tips, inspirasyon, at handang tumulong sa mga kapwa nila driver.

Kung wala ka pang Vehicle Sticker, basahin ang simpleng steps para kumuha at alamin na rin ang kahalagahan ng Sticker Retention Check!

 

 

 

Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Bossing?

MAG-SIGN UP NA TINGNAN ANG MGA BENEPISYO

 

 

 

Alamin kung magkano ang kinikita ng Lalamove Bossings sa araw-araw na pasada dito:

 

 

 

 

Read more