Partner Ko ‘To: #PAANGATMoves ni Partner Reynaldo at Ronaldo

Paps! Anong kwentong on-the-road mo?

Napakaraming pwedeng mangyari sa bawat biyahe — sa kalagitnaan man ng traffic o sa kasagsagan ng matulin na takbo ng mga sasakyan. Alam mo bang sa bawat matagumpay na delivery, may kaakibat na #HeroMove? Tunghayan natin ang iba’t ibang kwento ng ating Lalamove Partner Drivers!

 

Tara, Kwentuhan Tayo!

Ang storyang ito ay tungkol sa solid na pagkakaibigang #PAANGAT nila Partner Ronaldo at Partner Reynaldo. Tulad ng ibang pagkakaibigan, nagsimula sila sa pagiging magkatrabaho sa loob ng halos sampung taon. Nanatili pa rin silang magkaibigan kahit nang umalis sila at lumipat sa panibagong pangkabuhayan, patunay na solid ang kanilang tropahan. 

 

Nang mangailangan ng trabaho si Partner Reynaldo, to the rescue si Partner Ronaldo! Agad-agad niyang tinulungan ang kaibigan, at sabay silang nagsumikap bilang Lalamove Partner Drivers! Mas enjoy nga naman ang biyahe kapag kasama mo ang tropa mo. Mayroon pang mga pagkakataon na tuwing magkasama sila, bago sila tumanggap ng orders ay dumidiretso sila sa kainan ng lomi! Syempre, isang paalala na good time din tayo ‘pag may time!  Pagdating sa kani-kanilang mga bahay, tatanungin sila ng kanilang asawa kung bakit hindi pa kumakain, at mapapangiti na lamang sila. Ang totoo niyan ay busog na busog pa sila sa lomi! Good vibes talaga kayo Paps ha!

 

Maganda ang experience ni Partner Ronaldo sa Lalamove kaya naman siya naengganyong yayain si Reynaldo na mag-sign up na bilang Partner Driver. Sabi niya, “Para po sa akin, ang laking tulong sa pamilya ko ng Lalamove dahil dito ko kinukuha ang pang-araw-araw namin, [bilang]ako lang kasi ang nagtatrabaho sa pamilya. ‘Yan din po ang kinuwento ko kay Reynaldo hanggang sa naengganyo rin siya na maging Lalamove Partner Driver. Sinubukan niya at nagustuhan niya rin! Unang-una, hindi niya na kailangang gumising ng maaga lagi. Walang boss na nagagalit at walang kaltas ‘pag late. Hawak niya ang oras niya at nakukuha pa rin niyang kitain ‘yung kinikita niya kada-araw nung pumapasok siya sa dating trabaho kahit tanghali pa siya gumising ngayon.”

 

Hindi lang sulit, kundi enjoy rin talaga ang bawat pasada basta’t kasama mo ang Partner mo sa mga solid biyahe! Good vibes talaga palagi kay Lalamove, dahilsabay-sabay tayong aangat!

 

“Malaking tulong sa amin si Lalamove. Basta samahan lng ng tiyaga at diskarte, kinaya at kinakaya kong tustusan ang pang-araw-araw naming pamilya."
- Ronaldo Tejada Bautista, Lalamove Partner Driver

 

Iba talaga ang Lalamove Partner Drivers! Maaasahan, lalung-lalo na sa oras ng pangangailangan. At kita naman sa kwento ni Partner Ronaldo at Reynaldo na solid ang samahan ng ating mga Lalamove Partner Drivers! Sabi nga natin lagi, “Ganito kami sa Lalamove!”

 

 

Ikaw, anong kwentong on-the road mo?

Ibahagi mo na rin ang iyong Partner Ko 'To moment!

Share mo na 'yan!

 

Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?

MAG-SIGN UP NA TINGNAN ANG MGA BENEPISYO

 

Read more