Lalamove Partner Driver: Cash Out Process

Bossing, nahihirapan ka bang mag cash out? Madali lang! Alamin ang proseso dito at iba pang importanteng detalye na para mas mapadali ang pag-cash-out bilang delivery driver ng Lalamove.
PAANO MAG-CASH-OUT?
1. Buksan ang Lalamove Driver App
Siguraduhing verified Lalamove Partner Driver ka para makapag cash out agad-agad!
2. Piliin kung GCash o Maya
Siguraduhing ang bank account mo ay na-KYC o verified na sa GCash o Maya, Bossing! Kung ang gamit mong mobile number ay hindi pa validated, hindi mo ito makukuha at babalik lamang 'to sa iyong Wallet.
3. Ilagay ang amount na ica-cash out
Magkano ang halaga na gusto mong i-cash out? Dito mo ilagay, Bossing! Siguraduhin lang na wala kang pending case para mabilis ang proseso.
PAANO MAG PA-VALIDATE NG ACCOUNT?
One-time validation lang ito, Bossing! I-fill-up lamang itong mga forms para sa iyong preferred outlet:
• GCash account: CLICK HERE
• Maya account: CLICK HERE
Paalala: Kung magbabago ka ng gagamiting bank account sa iyong Wallet, kailangan mo pa ring sundan ang KYC process na ito.
TIPS PARA MAIWASANG MA-REJECT SA KYC ENROLLMENT
Bilang delivery rider, importanteng tama lahat ng detalyeng nakasaad sa valid ID mo. Para hindi ma-reject sa pag-enroll, siguruhing tama ang spelling ng iyong pangalan, walang abbreviation, malinaw ang photo, at hindi expired o tampered ang pagkakakuha.
Kapag na-approve na ang iyong KYC enrollment, ang iyong cash-out request ay mapo-proseso na at wala nang magiging aberya sa mga susunod na cash out.
Paalala: Iwasang palitan ang iyong GCash number na verified na sa KYC para walang maging problema sa iyong mga susunod na cash out.
CASH OUT SCHEDULE
• Kung nag-fill-up ka ng cash out form sa loob ng Sunday hanggang Thursday, mabibigay rin sa'yo kinabukasan kung kailan ka nag-request, Bossing!
Halimbawa:
Cash-out Request: Monday
Process & Disbursement: Tuesday
• Kung nag-fill-up ka naman sa Friday o Saturday, makukuha mo na din ito sa Monday.
• Kung nag-request ka isang araw bago mag-holiday, makukuha mo ito sa susunod na working day.
MGA KAILANGAN BILANG DELIVERY RIDER
Maliban sa pag-cash out, sa panahon ngayon, importanteng handa ka sa bawat biyahe. Maraming pwedeng ‘di inaasahang pangyayari ang naka-abang tulad ng mga posibleng aksidente, flat tire, biglaang ulan, atbp.
Ikaw man ay isang ganap na Lalamove Partner Driver o naghahanap ng delivery driver hiring jobs, ito ang mga dapat na bitbitin at siguraduhin bago pumasada:
• TUBIG. Pwedeng bumili sa malapit na convenience store o bumili ng sarili mong tumbler para mas makatipid. I-refill mo nalang ng malamig na tubig at siguradong buhay ka sa maiinit na biyahe!
• EXTRA TIRE. Para sa mga 4-wheel drivers na may malayong biyahe, maging handa sa mga hindi inaasahang matatalim na bagay sa daan at bigat na hindi kaya ng iyong sasakyan para maiwasan ang flat tire. Para maiwasan ang hassle na tumawag at maghintay ng matagal sa tulong, i-ready ang spare tire sa likod ng sasakyan.
• GEARS. Maging handa sa pabago-bagong panahon! Kung 2-wheel vehicle driver ka, laging siguraduhin na may helmet, knee pad, elbow pad and iba pang gears bago pumasada sa daan. Safety first, partner!
• FIRST AID KIT. Siguraduhing may band aid, medical gauze, alcohol cotton, medical tape, scissors, antiseptic cream, etc. para kung sakaling may di inaasahang pangyayari at malayo pa ang ospital, pwede mo muna remedyuhan ng mga ito.
• BAON. Mag-baon ng almusal, pananghalian at hapunan kung kinakailangan. Pwede ka ring sumabay sa iba pang tropa sa daan na Lalamove partner driver para mas masarap ang kainan. Salu-salo at may kasamang kwentuhan!
• AUTOMOTIVE TOOLS. Maghanda ng wrench, screwdriver, pliers, trolley jacks, multimeters, jumper leads, hammers, atbp. Kasyang-kasya ang isang automotive tool set sa trunk ng kahit anong 4-wheel vehicle. Kung ikaw naman ay 2-wheel driver, kahit yung mga pinaka importante lang ang isiksik para sa sariling seguridad.
• RAINCOAT / KAPOTE. Pwede kang bumili ng pansarili mo at mga susunod mong pasahero para swabe ang biyahe kahit magkaron ng 'di inaasahang pag-ulan. Piliin ang medyo maluwag na size para makagalaw parin nang maayos habang nagmamaneho.
Alam mo bang may Panalomove Benefits ka bilang Delivery Driver?