Delivery Driver

Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?

featured image

Posible nga bang umabot ng ₱70,000 ang kita mo sa isang buwan?

Sa panahon ngayon, marami ng paraan para kumita nang malaki sa sarili mong oras, at para sa ilan, nahanap nila ito sa pagiging 4-wheel delivery driver sa Lalamove — tulad ni Bossing Danny, ang Top Earning 300kg Star Driver ng Manila.

Alamin ang sikreto at tamang diskarte ni Bossing Danny dito!

 

(Bossing B Vlog #1: Magkano nga ba kinikita sa Lalamove?)

 

Gusto mo rin bang kumita nang malaki?SIGN-UP NA

 

 

Mahigit dalawang taong full-time Partner Driver na si Danny Amaro na may asawa't limang anak na babae. Pumasok siya ng Lalamove para masustentuhan pa ang kanilang negosyo — printing, computer shop & general merchandise.

 

Nung nag sisimula pa lang siya bilang Partner Driver, nabanggit niyang nagkaroon siya ng isang pagkakataon na umiikot siya ng Metro Manila na umuuwing walang biyahe walang kinita. 

 

"Lahat naman nagsisimula sa bago, kailangan pagtiyagaan mo hanggang sa makita mo yung sistema at kung paano ba dapat tumakbo para malaman mo kung paano gumalaw ng tama — yung pabor sayo at hindi makakapag paminsala ng ibang tao." kwento niya. Bago niya pa maabot ang halos ₱70,000 na kita niya sa isang buwan noong 2022, nangapa rin naman siya hanggang sa natuklasan niya mismo kung paano ang tamang galaw sa daan.

bossing-danny


"Gusto at patuloy na ginugusto ko yung ginagawa ko para sa pamilya ko."


- Bossing Danny Amaro, Lalamove Partner Driver

 

Dagdag pa niya, "May ugali ako na kung talagang gusto ko, kailangan mahalin ko." Alam niyang hindi siya magtatagumpay sa isang bagay na napipilitan lamang siya. Kaya naman epektibo ang kada-biyahe ni Bossing Danny dahil may puso sa gawa! 

 

Ano ang diskarte para lumaki ang kita?

Nang tanungin si Bossing Danny kung paano ang naging diskarte niya para kumita ng halos ₱70,000, agad-agad niyang ibinahagi na bilang negosyante, ito ang pananaw niya sa trabahong ito. — driver on hire



"Tinake ko itong Lalamove delivery service na trabaho as a Business. At dahil business ito sa akin, syempre meron akong puhunan at ito ay ang gas. Yung system ko naman, kailangan mabawasan ko yung business cost o gastos para lumaki ang net ko."

- Bossing Danny Amaro, Lalamove Partner Driver

 

 

Bilang negosyo ang pananaw niya sa pagiging Lalamove Partner Driver, dagdag niya pa, "Kaya ang ginagawa ko, nag se-set na 'ko ng route ko sa morning. Dahil taga-Cavite ako, kailangan ko makaluwas ng Quezon City o Manila then after lunch, kukuha naman ako ng pabalik. Pag napa-aga pa, doon nalang ako malapit sa bahay namin maghahanap ng booking na malayo para just in case wala akong makita, hindi ganun kalaki yung gasgas o masasayang para makauwi." Mindset at investment ang diskarte ni Bossing Danny!

 

Maging handa at alamin din ang Mga Kailangan ng isang Lalamove Partner Driver para sulit ang bawat biyahe. Alamin rin kung paano ang tamang Cash Out Process dito. 

 

4wheel-truck-delivery-lalamove

Gusto mo rin ba maging 4-wheel truck driver?SIGN-UP NA



"Wala naman akong fixed earning na gustong ma-achieve sa isang araw basta pag lumabas ako, kailangan malagyan ng laman. Piso-piso lang pero pag nabuksan mo na at the end of the month, magugulat ka ganito na pala kalaki yung kinikita mo. It all depends on the client na nagbu-book at di lang din naman ako ang driver sa paligid. So it’s more on pasensya, trust, at hiling sa taas." dagdag niya.

 

Dito sa Lalamove, pwede kang kumita nang marangal at tapat. Hanapin mo lang ang tamang diskarte, Bossing! Meron pang Exclusive Panalomove Driver Benefits na para sa'yo. Pwede ka ring kumita ng mas malaki via truck delivery sa Lalamove.

 

Kung isa ka sa mga nais ring kumita ng higit pa sa nakasanayan mo kada-biyahe, may munting payo para sa'yo si Bossing Danny, "Wag ka papadala sa negative impact or kung may nangyari man sa'yong hindi maganda, take it as a lesson learned. Para next time na mangyari ulit iyon sayo, alam mo na kung paano baguhin ang resulta."

 

MNL_SDR(Photo from Bossing Saves The Day: Star Drivers' Recognition kung saan binigyang pugay si Bossing Danny as 300KG Top Earning Star Driver)

 


Tunay na lahat ng Lalamove Partner Drivers ay Bossing sa Pamilya, Bossing sa Daan at Bossing sa Negosyo. Tagumpay ang nag-aantay para sa mga may sipag at tiyaga! Isa na si Danny Amaro sa tinatangkilik namin sa Liga ng mga Bossing — Driver FB Community. Salamat sa pagiging inspirasyon, Bossing Danny! Saludo kami sa iyong #BossingMindset. 

 

 

"Una, manalig lang. Tiwala lang sa Diyos. Pangalawa, kailangan laging nasa tama, wala tayong naa-agrabyado. Lumaban lang ng patas."

- Bossing Danny Amaro, Lalamove Partner Driver

 

 

Alamin ang mga hakbang kung Paano Maging Partner Driver - Requirements, Process, ATBP. sa Manila, NCR, South Luzon, Cebu Islandwide, North, at Central Luzon dito. Drivers wanted! Pwede mo ring tingnan ang iba pang detalye kung Magkano ang kita ng mga Lalamove Partner Driver sa iba't-ibang sasakyang pwede ipasok sa Lalamove: motorcycle, hatchback, sedan, SUV, MPV, FB, l300 van, pickup, aluminum at wing van trucks — Accepted Vehicles

 

Ikaw ang sarili mong boss dito sa Lalamove bilang delivery driver. Kumita ng mas malaki at maging inspirasyon sa iba tulad ni Bossing Danny!

 

 

 

Gusto mo rin bang maging Lalamove Partner Driver?SIGN-UP NA

Read more

Need to book a delivery?