Delivery Driver

Bossing Stories: Mga Kwento ng Bagong Simula sa Lalamove

featured image

Sabi nga nila, it’s never too late to start something new. Anuman ang goal o inspiration mo, basta’t may sipag at tiyaga, makakamit lahat ‘yan. Ganyan ang outlook ng mga Lalamove driver na nag-share ng kanilang bagong simula kasama ang Lalamove.

Narito ang kanilang mga kwento.

 


Driver on hire ka ba? Pwede ka sa Lalamove!

REGISTER NA

 

 

Ang ‘stepping stone’ sa buhay 

Hindi naging madali ang magkaroon ng bagong simula para kay Ulysses Adones, isang Lalamove driver. Pero hindi ito naging hadlang para makatayo ulit at makahanap ng bagong opportunities. Ayon sa kanya, nahirapan siyang maghanap ng hanapbuhay dahil kakalabas niya lang sa correctional facilty noong 2017. 

“Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil naging stepping stone ko ‘yung Lalamove para makatayo at magsimula ulit. Blessed ako na may mga taong nagbibigay sa akin ng chance,” sabi niya. 

In-encourage siya ng pamangkin niya na partner driver din na mag-submit ng Lalamove application online. Nung September 2023, nagsimula ang journey niya sa Lalamove. Simula noon, ito na ang full-time job niya.

“Kailangan araw-araw bumiyahe para sa mga expenses. Ang binubuhay ko ngayon ay mga pamangkin at apo ko na rin. Salamat at binigyan pa ako ng Diyos ng lakas at sa tulong ng Lalamove nabubuhay ako,” pagbabahagi nito.

Kahit mag-iisang taon palang siya, meron na siyang memorable experience sa daan. Isa siya sa mga lucky drivers na nabigyan ng special gift on the road sa Be The Next Be The Bossing: Santa Crizzy Edition nung December. 

“Sobrang memorable ‘yung nahuli ako ni Santa Crizzy. Birthday ko kasi kinabukasan, so ‘yung pa-premyo, nagamit ko para mag-celebrate at ‘yung laruan, nabigay ko sa apo ko,” sabi niya.

Ang advice niya para sa ibang partner drivers ay maging masipag at magkaroon ng pananampalataya. “‘Di ko na iniisip ‘yung mga kabigatan sa buhay ko, lagi lang akong nananalig sa Diyos. Satisfied na ko na nakakapagtrabaho ako basta maging mapagkumbaba lang sa kapwa mo.” Panoorin ang buong video dito.

 

Pwede ka rin maging driver on hire tulad ni Bossing Ulysses!

Mag-sign up na

 

 

Para sa munting pangarap 

Para naman kay John Wayne Magsanay, isang Cebu partner driver, gusto niyang simulan ang taon na makapagpatayo ng maliit na negosyo para sa kanyang asawa. Ayon sa kanya, isa ‘to sa mga pinapangarap niya na makamit sa tulong ng Lalamove. 

Kwento niya, “Focus ko talaga ngayon ay magkaroon ng maliit na negosyo ang misis ko para habang nandoon siya, bumibiyahe ako sa Lalamove para tuloy-tuloy ang kita. Lalo na’t may lima akong anak na nag-aaral at isang two-years old pa lang.” 

 

354557807_6693281284038185_2548292183972999123_n

 

Nagsimula siya sa Lalamove noong 2022 bilang part-time, pero kalaunan ay nag-full time na rin. Isa rin siya sa mga napiling beneficiaries ng BiyahEdukasyon para sa panganay niyang anak na nasa senior high school, at nanalo rin siya ng motorsiklo sa promo ng Lalamove noong 2023. 

 

414920214_7412088442157462_8836271897806106901_n

 

“Malaking tulog talaga si Lalamove sa pang-araw-araw na pangangailangan namin. Isa sa pinakamalaking bagay na natulong sa’min ay ‘yung nanalo ako ng motor at napili kami bilang sa BiyahEdukasyon – sobrang saya talaga namin lalo na ‘yung anak ko na first time makabisita ng Maynila,” sabi niya. 

Ang advice niya para sa kapwa partner drivers ay, “Talagang i-enjoy mo lang. ‘Yung pakikitungo mo sa mga customer dapat maganda at consistent ka palagi. Dapat masipag ka, ipatuloy ang magandang serbisyo, at dapat ikaw, kondisyon ka rin palagi para tuloy-tuloy ang biyahe.” 

 

 

 

Biyahe na bilang motorcycle o truck driver sa Lalamove!

REGISTER NA

 

 

Kasangga para sa kinabukasan

Para naman kay Marjon Malipot, isang partner driver sa Nueva Ecija, excited na siyang magsimula ulit sa “daily grind” para makaipon ng pera pampagawa ng sariling bahay para sa kanyang pamilya. 

“Ngayong taon, ang gusto ko po talaga ay ‘yung makaipon pampagawa ng sariling bahay kasi nakikitira lang po kami, kaya mas magpupursige at magsisipag pa ako sa pagbiyahe.”

 

viber_image_2024-01-25_14-32-47-252

 

Nagsimula siyang sumali sa Lalamove noong 2020, maliban dito, nagtratrabaho din siya bilang isang food delivery rider sa Cabantuan. Ayon sa kanya, naging kasangga niya ang Lalamove sa araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya, lalo na sa pagpapalaki ng kanyang tatlong nagaaral na anak. Isa din siya sa mga nabigyan ng educational financial assistance mula sa BiyahEdukasyon. 

Ang tanging advice niya lamang sa mga partner drivers na may gustong simulan ngayong taon ay, “Magsikap lang sa biyahe para sulit lahat ng pagod para sa pamilya.”

 

Biyahe na bilang Lalamove partner driver

Lahat tayo, may iba’t ibang dahilan at paraan kung paano magkakaroon ng bagong simula. Para sa ating tatlong partner drivers, naging lakas nila ang kanilang pamilya at pananampalataya para magkaroon ng new beginnings. At sa tulong ng Lalamove, may opportunity sila para magkaroon ng bagong journey ngayong taon.

Iniisip mo rin bang magkaroon ng bagong pagkakakitaan para sa pamilya mo? Mag sign-up na bilang part-time o full-time Lalamove driver! Para mag-apply, i-follow lang ang mga ito:

1. Mag-download ng Lalamove Driver app sa App Store o Google Play Store

2. Sign-up sa Driver app

3. Mag-online o on-site training

4. I-upload ang mga Lalamove requirements

  • Professional Driver’s License

  • Valid NBI clearance

  • Vehicle Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR)

  • Deed of Sale

  • Letter of Authorization (LOA) if the vehicle is owned by someone else

5. Magpa-verify. 

 

 

Simulan ang iyong journey as a Lalamove driver!

Mag-sign up na

 

 

 

SEE ALSO:
'Yan Ang Bossing: Natatanging Kwento ng Bawat Biyahe
Partner Driver Aceking, Biyahe-Ready sa 2024
'Yan Ang Bossing: #PAANGATMoves ni Bossing Reynaldo & Ronaldo

 

Read more

Need to book a delivery?