Kilalanin ang Tunay na Bossing, Ayon Kay Bossing Vic Sotto

featured image

Paps! Sino nga ba ang tunay na bossing para kay Bossing?

Kilala si Vic Sotto sa palayaw na “Bossing” bilang isang prominenteng komedyante at bihasang TV personality, hindi lang bilang haligi ng sikat na noontime show na Eat Bulaga! kundi pati sa buong Philippine showbiz industry.

Tulad niya, ang Lalamove Partner Drivers ay mga Bossing din! Bossing sa daan. Bossing sa negosyo. Bossing sa pamilya. – ‘Yan ang Lalamove Partner Drivers! Tibay ng loob at pakakaisa ang puhunan.

 

Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?

MAG-SIGN UP NA TINGNAN ANG MGA BENEPISYO

 

 

 

Nang tanungin si Bossing Vic kung gaano siya kadalas gumamit ng Lalamove, natawa-tawa siyang sinabing, “EVERYDAY. Depende sa order ni Misis [Pauleen Luna-Sotto]. ‘Yung mga ino-order niyang make-up. Bukod doon, mahilig din kasi kami magpadala ng mga food at regalo, lalo na ngayong magpa-Pasko. Mga furniture, pang-truck delivery.

 

Madalas niya ring gamitin ang truck delivery dahil swak sa bulsa para sa mga mabibigat at bulk purchases. “Compared sa iba, I think siya ang pinakamura. Bukod sa affordable na siya at very reasonable ang presyo, yung choice of vehicles, marami. From the smallest motor hanggang sa truck. So kahit anong maisip mo na ipapadala or what, kahit anong size niyan, Lalamove, meron,” kwento niya.

 

Binigyang diin niya pa ang napakaraming available vehicles ng Lalamove para sa kahit anong kailangang ipadala ng customer bilang gamit na gamit niya ito sa mga kailangan nila sa bahay via same-day truck delivery.

 

 

"Pinakaimportante sa lahat para sa akin e ‘yung mapagkakatiwalaan. Alam mo na ‘pag nag-Lalamove ka, kung anuman [ang] pinadala mo, kung anuman ang hinihintay mo ay darating ng buong-buo – walang problema, walang sira. Pagkain man ’yan o bagay,”
- Vic Sotto

 

 

Bukod sa mapagkakatiwalaan ang mga Bossing sa Biyahe ang nagpahanga kay Bossing Vic, napansin niya rin daw na maganda ang samahan ng mga Lalamove Partner Driver. Pala-bati lalo na ‘pag naghahatid ng delivery. “Bago mo lang kakilala pero parang dabarkads mo na sila,” ika niya.

 

vic-sotto-lalamove

 

“Gusto ko namang magsilbing inspirasyon sa kanila e ako, bossing-bossingan lang ako. Kayo ang mga tunay na bossing,”
- Vic Sotto

 

Ang “Liga ng mga Bossing” Campaign ay pagkakaisa ng mga bossing sa daan. “Ang maganda rito, may pinagkakakitaan ang ating Partner Drivers – sa Lalamove, maraming benefits na talagang pwede nilang sabihin na bossing sila ng pamilya, bossing ng negosyo at nagiging microentrepreneurs pa. On my part naman, gusto ko bigyan ng importansya at saludohan sila dahil hindi madali ang maging driver. Napakalaking tulong nila lalo na nung pandemic. Isa sila sa mga frontliners nating matuturing e. Kaya, saludo ako. Kaya itong liga ng mga bossing, SILA ang puso nitong campaign na ‘to,” sabi ni Vic Sotto.

 

vic-sotto-lalamove-1
“Taos-puso akong nagpapasalamat sa Lalamove Partner Drivers. Malaking bagay sila sa takbo ng ating lipunan e. Ganun sila kahalaga. Kaya ako’y sumasaludo sa kanila. Sana patuloy ang pagsisilbi nla sa ating mga kababayan at siyempre sa lahat ng bagay, mag-iingat tayo. ‘Wag makakalimot na magpasalamat sa Panginoon at parating magdasal,”

- Vic Sotto

 

lalamove-bossing

Sa Lalamove, ‘di mo lang namamalayan pero malayo na pala ang narating mo. Tulad ng malayuang biyahe, pwede ka ring maging fleet owner para sa patuloy na pag-asenso sa buhay gamit ang Lalamove Fleet Management Program. Kumita nang malaki at simulan na ang fleet management journey mo bilang truck delivery driver at microentrepreneurs.

 

Ikaw ang tunay na Bossing, Partner! 

 

Fleet Owner ka ba?

SALI NA

 

Read more