Delivery Driver

Partner Driver Aceking, Biyahe-Ready sa 2024

featured image

Bagong taon, bagong pagkakataon para umarangkada. Ang tanong, handa ka na ba? Si Bossing Aceking, isa sa mga masisipag na Lalamove driver sa Metro Manila, ay handang-handa na daw kumayod ngayong 2024.

Paano kaya naghahanda si Bossing Aceking Lapid para sa pangmalakasang biyahe ngayong new year? Sino nga ba ang inspirasyon niya sa bawat biyahe? Kung naghahanap ka ng inspirasyon, kahit truck driver ka pa, mukhang para sa’yo ang blog na ‘to.

 


Driver on hire ka ba? Pwede ka sa Lalamove!

REGISTER NA

 

AKK2

ANG SIMULA NG KANYANG BIYAHE

Ayon kay Aceking, 18 years old pa lang siya, nagmomotor na siya. Dati na rin siyang tricycle driver, at taga-deliver ng mga pagkain noon. Kaya naman ngayon, full-time siya sa Lalamove. 

Nang marinig sa iba na maganda sa Lalamove, naisipan niyang mag-sign up. Dahil madali lang makumpleto ang Lalamove requirements, lalo na nung pandemic, nakapagsimula siyang bumiyahe noong December 2021.

Paliwanag niya, “Bukod sa kikita ka talaga, hawak mo pa ‘yung oras mo dito. Kahit anong oras ka gumising, sipagan mo lang sa biyahe, kikita ka talaga.”

Gaya ng iba, hindi lahat ng bagay ay madali sa umpisa. Sabi ni Aceking, matapos mapagtagumpayang ang kanyang Lalamove application bilang delivery driver, medyo nangangapa pa siya sa simula.

Dagdag pa niya, “Lagi kong chinecheck ‘yung app noon kasi kailangan kong masanay.”

Pero kwento nito, sa kinalaunan ay mas naging confident na siya sa bawat biyahe. Sabi pa niya, “Nagamay ko na rin po. Sa sipag niya, naging Star Driver din siya ng Lalamove noong 2023. 

Bagaman full-time sa Lalamove, nabakante din siya ng tatlong buwan noong nakaraang taon sa kadahilanang nagkasakit ang kanyang biyenan.

Kwento niya, “Tatlong buwang nabakante kasi kailanga kong tumulong na magbantay ng tindahan. Pero nung OK na ‘yung nanay ng asawa ko, bumalik ako agad sa biyahe.”

 

 

'BAON ANG INSPIRASYON' SA BAWAT BIYAHE

Maliban sa pagiging Lalamove driver, isang matatag na haligi ng tahanan din si Aceking. Kwento niya, “Sa bawat biyahe, inspirasyon ko ‘yung pamilya ko. Unang-una ‘yung mga anak ko, ‘yung asawa ko – lagi ko silang baon sa pagbiyahe ko.”

 

Isang mapagmahal na asawa

Bilang mapagmahal na asawa, gumigising si Aceking ng maaga araw-araw para ihatid si Ryz sa kanyang trabaho.

Aniya, “Ihahatid ko muna siya sa work niya. Paghatid ko sa kanya, start na ‘kong magbiyahe. Pagkauwi niya, ganun din po ang uwi ko kasi sinusundo ko rin po siya.”

Ganito na lamang ang dedikasyon ng ating magiting na Bossing dahil kailan lang ay na-diagnose ang kanyang misis na may hyperthyroid.

“Bale nagme-maintenance po siya ngayon, pero kaya na po niya ulit magtrabaho. Talagang alaga lang po at pagmamahal [para sa kanya],” pagbabahagi ni Aceking.

 

Bilang butihing ama

Para kay Aceking, malaki ang pasasalamat niya at may masisipag at matatalinong anak sila ni Ryz.

Excited na rin ang pamilya nila ngayong 2024 kasi graduating na ang kanilang bunso na si Arkince sa Senior High School.

Samantala, kaka-enroll lang nila sa kanilang panganay na si Aceprince na kasalukuyang Engineering student sa Adamson University.

Paliwanag ni Aceking, “Ang laki ng pasasalamat namin sa BiyahEdukasyon program kasi hindi biro ‘yung tuition, kaya malaking bagay talaga na isa kami sa mga napiling beneficiaries.”

 

 

Naghahanap ka ba ng trabaho? Pwede kang maging truck driver dito!

Mag-sign up na

 

 

 

BIYAHE-READY PARA SA PAMILYA

Tulad ng lahat, marami ring goals si Aceking ngayong 2024. Una sa lahat, graduating na ang kanilang bunso.

Sabi niya, “Pinaplano namin na magkaroon ng konting salu-salo para sa pamilya, pagkatapos siguro ng graduation ceremony [ni Arkince].”

Maliban pa dito, ibinihagi rin ni Aceking na hindi pa talaga sila kasal ni Ryz. Kwento niya, “Ngayong 2024 sana, kung walang aberya, sisimulan na namin ‘yung paghahanda para makapagpakasal na kami.”

Para sa mga goals na ‘to, kailangang may paghahanda ayon kay Aceking.

Kaya naman isa siya sa mga pumunta sa “Ready, Set, Biyahe: Lalamove Partner Driver Health Fair 2024” noong ika-20 ng January sa Lalamove Quezon City Hub.

“Nakapagpagupit at masahe po ako. Nagpa-check up din ako, pati ng mata. ‘Yung kalusugan natin, siyempre, number one ‘yan para tuluy-tuloy ang biyahe,” bahagi nito. Panoorin ang buong kwento dito.


AKK

Gaya ng karamihan, isa lang ang pangarap ni Aceking, at ‘yon ay ang mapagtapos niya ang kanyang mga anak sa pag-aaral. “‘Yun lang, kuntento na ‘ko,” sambit nito. At tulad ng ibang Lalamove driver, handang-handa siyang kumayod para sa kanyang pamilya, kaya naman biyahe-ready na siya ngayong 2024.

 

 

 

Ready ka na rin bang bumiyahe bilang driver on hire?

REGISTER NA

 

 

 

 

SEE ALSO:
'Yan Ang Bossing: Natatanging Kwento ng Bawat Biyahe
#BreakTheBias: Lalamove Lady Bossings
'Yan Ang Bossing: #PAANGATMoves ni Bossing Reynaldo & Ronaldo

 

 

 

Read more

Need to book a delivery?