Paano kumita ng 38K bilang Motorcycle driver sa Cebu?

Posible bang kumita ng ₱38,000 sa loob ng isang buwan bilang motor driver?
Kilalanin si Bossing Van Barbecho, isang kahanga-hangang full time Lalamove motorcycle delivery rider na nagpatunay na kung meron kang tamang mindset, time management at kung marunong ka mag maximize ng Lalamove Additional Services, makakamit mo ring kumita ng ₱38,000 sa isang buwan!
Hindi lang posible kundi abot-kamay pa ang tagumpay! Kaya kung naghahanap ka ng job hiring in Cebu o cebu hiring baka ang hanapbuhay na ito na ang para sa'yo.
Alamin ang diskarte ni Bossing Van para masundan mo rin ang yapak niya kung paano kumita ng ganito kalaki!
Gusto mo rin bang kumita nang malaki?
Kilalanin si Bossing Van: Cebu's Top Earning Motor Driver
Si Van Barbecho ay nagsimula maging partner driver noong 2019. Non-pro pa ang driver's license niya noon pero nung nagtagal siya sa Lalamove, nakapag upgrade rin siya to professional license.
Sa 6 years niya sa Lalamove, marami na rin siyang napagdaanan at nakamit na tagumpay. Bago pa mag pandemic, bumabiyahe na siya at kumikita nang malaki.
Kaya naman ngayon, tuloy-tuloy parin ang pagsusumikap niya at bilang top earning Cebu motor driver, nakamit niya rin ang ₱38,000 sa isang buwan!
#DiskartengVan
Paano niya nga ba nagawang kumita nang ganito kalaki sa loob ng isang buwan? Tingnan ang sariling diskarte ng top earning Lalamove motor driver na si Bossing Van dito!
1. HERO VEHICLE: MOTORCYCLE
Motor ang piniling ipasok ni Bossing Van sa Lalamove noon at hanggang ngayon, motor parin ang gamit niyang sasakyan. Mas pabor ito sa kanya dahil mas madali ang galawan sa kalsada at mabilis lang rin ang kitaan.
"Mas gusto ko sa Lalamove kasi kabisado ko na yung driver app at alam ko na rin yung mga lugar na maraming nag bu-book. Parcel lang kasi yung pini-pick up pag motorcycle, kaya hindi masyadong mabigat."
- Bossing Van, Lalamove Motorcycle Driver
Sa araw-araw sa pagbiyahe niya, na-kabisado niya na rin ang mga lugar na dapat pag tambayan para maraming booking at madali lang din kasi gamitin ang driver app.
Mas pabor sa kanya ang pagiging motorcycle delivery rider dahil up to 20kg lang din ang weight limit, mas madali bitbitin sa Thermal Bag.
2. HIGH DEMAND SURCHARGE at MULTI-STOP DELIVERY
Isa sa mga diskarte ni Bossing Van ay ang pag maximize ng Lalamove Additional Services.
Dalawa sa pinaka dagdag kita para sa kanya ay ang High Demand Surcharge at Multi-stop Delivery.
"Chine-check ko talaga 'pag meron ng High Demand Surcharge kasi mas malaki ang kita pag sinakto mo yung biyahe mo doon. 'Yun kasi nagbibigay sa amin ng gana na dalian o para paspasan ang paghahatid. Mas marami, mas malaki ang income.
Sa Multi-stop Delivery kasi, kahit matagal siya tapusin, sure naman na malaki yung kinita sa isang booking palang."
- Bossing Van, Lalamove Motorcycle Driver
Antabay lang sa iyong driver app, Bossing! Meron mga oras na nagkakaroon ng High Demand Surcharge. Meron ding push notification na lalabas sa phone mo para malaman na may surcharge sa oras at lugar na 'yon kaya laging mag abang para sulit ang kada-biyahe!
Sulit rin daw ang mga biyahe niya na may Multi-stop Delivery dahil kahit marami na hinahatid mo sa isang booking, sigurado naman na katumbas ito ng kita mo sa drop-off. "Dapat kabisaduhin ang booking para maximized din ang gas na nagagamit." dagdag pa niya.
Huwag rin kalimutang mag ingat, Bossing! Tingnan ang 2025 BLOWBAGETS: Mga Dapat Tandaan sa Daan.
3. MINDSETTING
Ayon kay Bossing Van, importante ang mindset bago bumiyahe. "Kumuha ng booking base sa ruta. Lagi ko mine-make sure na may panibagong booking din ako pabalik para hindi sayang yung papunta." sabi niya. Pero paano nga ba 'yun malalaman?
"Dapat yung ma-tao at maraming building. Yung may movement ng mga business kasi alam kong meron laging mag bu-book doon."
- Bossing Van, Lalamove Motorcycle Driver
Dagdag pa niya, "kumikita naman talaga sa Lalamove kahit hindi alam kung ilang booking yung papasok sa araw. Kailangan lang din habaan ang pasensya sa mga customer na demanding para hindi din masira yung araw mo at para makapag focus pa din sa goal." Tingnan ang Partner Driver #DiskarTips para makapaghatid ng good customer experience!
Gusto mo na rin ba ipasok sa Lalamove ang iyong motor?
Work-Life Balance
Sa laki ng kinikita ni Bossing Van bilang Lalamove motor driver ng Cebu, meron pa kaya siyang work-life balance? Meron pa kaya siyang oras para sa pamilya at personal na buhay sa labas ng trabaho?
"Ay oo! Start ako bumiyake 8am hanggang 5pm pero nahahatid at sundo ko pa ang asawa at anak ko. Comfortable ako sa Lalamove kasi anytime pwede ko puntahan ang anak ko. Kung may lakad kami ng pamilya, flexible lang oras ko para mag adjust. Sinisigurado ko rin talaga na merong isang araw na pahinga at family time."
- Bossing Van, Lalamove Motorcycle Driver
Meron parin siyang work-life balance dahil sa flexible na oras bilang Lalamove motorcycle delivery rider. Siya ang sariling niyang boss! Kaya naman nagagampanan niya parin ang responsibilidad bilang ama habang kumikita para sa pamilya.
Tulad ni Bossing Van, kaya mo rin kumita nang malaki sa pagiging Lalamove motor driver! Samahan mo lang ng sipag at tamang diskarte sa bawat biyahe.
Tingnan pa ang mga kakailanganin para maging Motorcycle delivery rider dito:
• Paano Maging Delivery Driver?
• Paano mag-cash out bilang Lalamove Partner Driver?
• Dos & Don'ts: Cancellation, Account Selling, Insurance, atbp.
Pwede pang mas lumaki ang kita mo ngayong may Lalamove Ride na dahil sa 2% commission! Maaari ka ring kumita kapag nag refer ka ng kapwa driver, tingnan ang aming Driver Referral Program para alamin kung paano.
Kung naghahanap ka ng job hiring in Cebu o cebu hiring sa loob ng logistic industry, maging Lalamove motorcycle delivery rider na! Kaya register na! Ikaw ang sarili mong boss dito sa Lalamove.
Handa ka na ba maging Lalamove motor driver?