Delivery Driver

Paano kumita ng 200K bilang Fleet Operator?

featured image

 

Posible bang kumita ng ₱200,000 sa loob ng isang buwan bilang Fleet Operator?

Kilalanin si Bossing Jayppy Villaceran, isang kahanga-hangang part-time Lalamove fleet operator na nagpatunay na kung meron kang tamang diskarte, dedikasyon at mapagkakatiwalaang Fleet Management Program, makakamit mo ring kumita ng ₱200,000 sa isang buwan!

Hindi lang posible kundi abot-kamay pa ang tagumpay! Kaya kung naghahanap ka ng job hiring in Cebu o cebu hiring baka ang hanapbuhay na ito na ang para sa'yo.

Alamin ang diskarte ni Bossing Jayppy para masundan mo rin ang yapak niya kung paano kumita ng ganito kalaki!

 

icon_Vehicle Registration

Gusto mo rin bang kumita nang malaki?SIGN-UP NA BILANG OPERATOR

 

lalamove-fleet-operator-jayppy

Kilalanin si Bossing Jayppy: Cebu's Top Earning Part-Time Fleet Operator


Si Jayppy Villaceran ay hindi lamang part-time Lalamove Fleet Operator kundi siya rin ay isang Assistant Manager sa kanyang full-time job sa isang planta ng automobile company/industry.

Limang buwan palang siyang nag o-operate ng Lalamove fleet mula nung nasa Manila pa siya hanggang sa lumaki ang kanilang sakop at umabot na siya sa Cebu para lalo pang palakihin ang fleet business nila dito.

Sa fleet na hawak niya, meron siyang sampung truck at ang apat sa sampung unit niya ay 3000kg trucks na ginagamit niya sa Lalamove. 

Wala pa mang isang taon, pagkalipat ni Bossing Jayppy sa Cebu, kumita na agad siya ng 200,000 sa loob ng isang buwan!

 

LALAKIT_Icon6

#DiskartengJayppy

Paano niya nga ba nagawang kumita nang ganito kalaki sa loob ng isang buwan? Tingnan ang sariling diskarte ng top earning Lalamove Fleet Operator na si Bossing Jayppy dito!

1. HERO VEHICLE: 3000kg TRUCK

Apat na 3000kg truck units ang pinapa-pasada ni Bossing Jayppy sa kanyang drivers at sa apat na 'yon, umabot ang total revenue niya sa ng ₱200,000. Nang tanungin kung bakit ito ang napiling unit:


 "Maka biyahe ka lang ng dalawa o tatlong ikot sa 3000kg, solb ka na agad. Ang dalawang ikot mo kasi sa 2000kg, isang ikot lang ng 3000kg."

- Bossing Jayppy Villaceran, Lalamove Fleet Operator

 

Isa na sa mga diskarte ni Bossing Jayppy ang pagpili ng kung anong truck vehicle ang paglalaanan niya ng puhunan at para sa kanya, 3000kg ang panalo sa lahat. Mas malaking truck, mas malaking kita! Tingnan ang Lalamove Cash Out Process dito.

 

2. DRIVER QUALITY + DRIVER MANAGEMENT

Sa pagpili ng mga kukuning truck drivers, nagsimula siya sa mga kakilala muna. Karamihan sa sampung hawak niyang truck driver ay mga kadikit niya na at matatalik na kaibigan o ka-sosyo sa mga dating trabaho.

Sa susunod, mag i-interview daw na siya para sa mga gusto pang mag-apply sa kanilang fleet operations.

"Importante sa mga Fleet Operator na kilalanin muna ang kanilang drivers bago pagkatiwalaan." advise si Bossing Jayppy. Kinakausap niya ng masinsinan ang kanyang truck drivers para masiguro na maganda at dekalidad ang serbisyong naihahatid.

Dagdag pa niya na, "Pinapaalalahanan ko rin sila na ang driver, dapat laging fresh. Maging presentable sa customer at clients namin dahil malaking bagay din iyon."

 

 "Kapag may problema, lagi ko sila sinasabihang wag agad magagalit sa customer. Tawag kayo sa'kin, ako muna ang kakausap para makapagbigay ako ng ibang truck at di masayang ang booking."

- Bossing Jayppy Villaceran, Lalamove Fleet Operator

 

 

Bilang fleet operator, sinisiguro rin ni Bossing Jayppy na kargo niya ang kanyang truck drivers pati rin ang customers. Siya ang bahala sa'yo!

Dagdag pa niya ang laging paalala sa hawak niyang drivers, "Wag maging maangas, dapat laging mapagkumbaba. Maging ma-diskarte lang, masipag, at hindi arogante." Tingnan ang iba pang #DiskarTips para sa good Customer Experience dito.

 

 

3. RENT-TO-OWN TRUCKS

Isa sa matalinong diskarte ni Bossing Jayppy ay ang magpa rent-to-own trucks!

Kada-pasok ng bagong driver sa kaniyang fleet business, meron silang option na i-rent-to-own ang truck na gagamitin.

 

 "After 4 years, sa sakanya na ang unit. Kumita pa kayo parehas! 'Yan ang focus namin. Mabenta ang mga unit para mabilis lang ang kitaan."

- Bossing Jayppy Villaceran, Lalamove Fleet Operator

 

Dagdag pa niya na sa isang 3000kg truck, nasa ₱53,000 ang revenue niya sa isang buwan. Sa dalawang booking, kumikita na siya agad ng ₱5,000. Kaya naman maganda ang napili niyang vehicle na pamasada. Kung isa kang driver na naghahanap ng cebu hiring, hanap na ng sarili mong operator!

 

4. VEHICLE MAINTENANCE

Kung hatian ang paguusapan, malaki laki ang nauuwi ng drivers niya dahil 30% ng kinita ay kanila na. Hindi na rin problema ang Vehicle Maintenance dahil sagot na ito ni Bossing Jayppy!

 

 "Everyday ang washing ng truck units. Either paguwi o bago sila umalis para maganda ang vehicle pag makita ng customer. Double-check din lagi ang oil at gulong sa umaga."

- Bossing Jayppy Villaceran, Lalamove Fleet Operator

 

"Linisin at papogiin yung sasakyan." dagdag pa niya. Mabusisi ang fleet operator na si Bossing Jayppy sa pag alaga ng truck vehicles niya at laging sinisiguro na protektado ang bawat biyahe. Para manatiling ligtas sa bawat booking, tingnan ang BLOWBAGETS: Mga Dapat Tandaan sa Daan.

 

5. TAMANG RUTA

Araw-araw mula 7AM, pinapa-biyahe niya na ang mga truck driver niya. Nagsisimula sila sa Mandaue dahil ito malapit ang lahat. Madali sila makakuha ng booking galing Lapu-Lapu at Cebu City.

Bilin din ni Bossing Jayppy na kung malayo ang pinanggalingan, sulitin ang biyahe: "Tumambay kada stop para sulit ang biyahe. Kada stop hanggang makabalik sa base, merong kinita."

 

 

Gusto mo na rin ba magtayo ng sariling negosyo?

SIGN-UP NA BILANG OPERATOR

 

icon-Tax-ID-REGIMEN

Work-Life Balance

Sa laki ng kinikita ni Bossing Jayppy bilang Lalamove Fleet Operator na marami ring drivers at vehicles na mina-manage, meron pa kaya siyang work-life balance?



"Oo naman! Ang sunday ko ay non-negotiable. Naka-reserve 'yan sa pamilya. Sila ang inspirasyon ko sa pagsisipag ko. Balewala yun kung hindi ko naaalagaan ang pamilya ko." - Bossing Jayppy Villaceran

 

Meron parin siyang work-life balance dahil maayos ang kaniyang time management. Naka antabay lang si Bossing Jayppy sa phone niya kung sakaling may problema sa fleet pero nakalaan na ang bawat linggo para sa oras sa pamilya. 

 

fleet-operator-lalamove

"Blessing in disguise sa'kin ang pagiging Lalamove Fleet Operator. Extra income na, hindi ka pa gaanong pagod. Nagandahan din kasi ako sa sistema ng Fleet Management Program dito, lalo na yung app."


- Bossing Jayppy Villaceran, Lalamove Fleet Operator

 

lalamove-fleet-operators

 

Tulad ni Bossing Jayppy, kaya mo rin kumita nang malaki sa pagiging Lalamove Fleet Operator! Samahan mo lang ng sipag at tamang diskarte sa pag manage ng iyong fleet.

Tingnan ang mga sumusunod na para sa lahat ng kailangan mong malaman bilang operator:
Lalamove Fleet Operator: How to Get Started
What it takes to be a Lalamove Fleet Owner
Lalamove for Fleet Operators: Manage Fleets Efficiently & Earn More


Kung naghahanap ka ng job hiring in Cebu o cebu hiring sa loob ng logistic industry, tingnan ang aming Fleet Management Program para sa karagdagang impormasyon. Ikaw ang sarili mong boss dito sa Lalamove, Bossing!

 

 

 

Handa ka na ba kumita nang malaki?

SIGN-UP NA BILANG OPERATOR

 

Read more

Need to book a delivery?