Delivery Driver

Dos & Don'ts: Cancellation, Account Selling, Insurance, atbp.

featured image

Bossing, alam mo na ba ang Dos & Dont's ng isang Lalamove driver?

Maging maalam sa mga dapat at hindi dapat gawin sa daan para sa mas swabeng biyahe!

Bilang pinagkakatiwalaang kasosyo sa paghahatid ng mahusay na serbisyo, importanteng alam mo ang mga simpleng driver guidelines at tips para makapagbigay ng maayos na serbisyo. 

Nais nating magbigay ng good customer experience sa bawat drop-off kaya basahin ang na blog na ito!

 


Gusto mo rin ba kumita nang malaki?

REGISTER NA

 

 

 

1. VEHICLE STICKER AT LALABAG

Panatilihin ang iyong Vehicle Sticker at Lalabag na malinis bawat buwan para maayos ang nadadatnan ng customer.

Hindi pwedeng gamitin ang stickered vehicle at Lalabag para sa mga hindi authorized transaction sa Lalamove.
'Wag tumanggap ng oversized at overweight deliveries
Iwasang maglagay ng kulay o mag-drawing sa Lalabag cover.
Hindi rin pwede ibenta online ang sarilin mong Lalabag.

Panatilihing maayos ang brand image ng Lalamove para mas maraming booking, Bossing! Tingnan pa ang ibang impormasyon tungkol sa Vehicle Sticker at Lalabag dito.

 

 

2. PAGBENTA NG DRIVER ACCOUNT

Bossing, huwag ibenta ang iyong driver account sa iba pang mga company o kaibigan, makisali sa self-booking, o gumawa ng fake booking.

Ang mga pag uugali na ito ay hindi lamang ilegal ngunit going against Lalamove. Gusto natin magbigay ng kahalagahan sa pagiging tapat at may integridad sa paggamit ng Lalamove platform. 

Kung sino ang nag-register sa driver app, siya lang din dapat ang may-ari ng mobile number, e-wallet account number at bank details na nakalagay doon. 'Wag mag share o mag benta ng account para hindi ma-ban, Bossing! Tingnan ang Lalamove Partner Driver: Easy Sign-up Process dito.

 

 

3. CASH OUT PROCESS

Para sa Cash Out requests, siguraduhing KYC-ed na ang bank information mo at normal ang status ng iyong account! Ano ang KYC? Ito ay ang pag va-validate ng identity ng isang driver.

Para sa KYC, siguraduhin na ang impormasyon sa form ay tama at updated.

Para sa pagbabago ng iyong sasakyan, siguraduhin na ang lahat ng kinakailangan ay uploaded ng malinaw.

Kung ang iyong sasakyan naman ay hindi mo pag aari, magbigay ng Letter of Authorization.

Para sa dormant reactivation requests, magsubmit ng malinaw at updated na driver's license. Kung wala kang physical ID, mag-submit ka lang ng screenshot mula sa LTO portal. Alamin pa ang ibang detalye kung Paano mag-cash out bilang Lalamove Partner Driver dito!

 

 

4. INSURANCE

Kami ay patuloy sa pagsuporta sa iyo at sa iyong pagbiyahe at iyon ang dahilan kung bakit nagbibigay kami ng insurance coverage para sa lahat ng mga Lalamove driver. Ipinapaalala namin sa iyo na ang mga claim sa insurance sa pandaraya ay hindi mapaparangalan at hahantong sa suspensyon ng account. Tandaan na ang insurance offer ay pang-reimbursement lamang.Tingnan ang Panalomove: 24/7 FREE Personal Accident Insurance ng CHUBB dito.

Paalala lang na maging tapat sa pagkuha ng insurance para hindi ma-suspend ang iyong account, Bossing!

❌ REJECTED INSURANCE CLAIMS: Vehicle damage, health-related/illness, nag self-medicate o hindi kumuha ng professional medical help, walang medical receipts, no Lalamove transaction nung nangyari ang aksidente.

✅ APPROVED INSURANCE CLAIMS: Kung merong physical injury (animal bites, unprovoked assault) na kailangan ng medical attention habang may Lalamove transaction nung nangyari ang aksidente, hindi nag violate ng traffic law, at kumpleto ang insurance requirements.


5. ORDER CANCELLATION & RUDE BEHAVIOUR

Ituloy ang lahat ng natatanggap na order at iwasan mag-cancel.

Bilang isang Lalamove driver gusto namin makita ninyo ang kahalagahan ng kaligtasan at magandang ugali habang nagmamaneho. 'Wag kanselahin ang mga order upang mapanatili ang mataas na Service Quality Score para marami pang pumasok na booking.

Bukod diyan, napakahalaga na maging magalang at may respeto sa kahit sinong customer. Basahin ang Partner Driver #DiskarTips para sa good Customer Experience para laging handa sa anumang pagsubok sa daan!

 

lalamove driver wearing orange shirt and a cap showing thumbs up while carrying a box-1

 

Sundan lang ang Lalamove driver guidelines na ito at siguradong mas magiging sulit ang bawat biyahe! Salamat sa pagiging bahagi ng Lalamove at paghahatid ng magandang serbisyo sa araw-araw.

Ingat sa biyahe, Bossing! 

 

 

Maging Lalamove partner driver na rin!

REGISTER NA

 

 

SEE ALSO:
Ano ang Diskarte para Kumita nang Mas Malaki?
3 Tips para makaiwas sa traffic
Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?

 

Read more

Need to book a delivery?