Panalomove: Mas protektadong biyahe sa 24/7 FREE Personal Accident Insurance

Mahalaga ang seguridad at kaligtasan mo bilang Lalamove Partner Driver sa bawat biyahe, kaya naman hatid ng Lalamove ang libreng Personal Accident Insurance kasama ang Chubb. Narito ang buong detalye ng benepisyong ito:
Disclaimer: This has been updated and optimized as of July 2022.
ANO? |
Libreng 24/7 personal Accident Insurance |
SINO? |
Para sa mga Partner Drivers na naaksidente habang nagdedeliver ng Lalamove orders |
PAANO? |
Sundin ang mga sumusunod na steps sa pag-claim: STEP 1: Ireport ang aksidente sa alinman sa mga sumusunod
STEP 2: Sagutan at ipasa ang claim form kasama ng mga dokumento o requirements na nakasaad sa ibaba:
Note: Ingatan at itago ang lahat ng orihinal na resibo at dokumento dahil ito ay required para ma-reimburse ang lahat ng medical expenses. STEP 3: Kapag nakumpleto na ang mga requirements, maaari nangi-submit ang mga ito sa alinman sa mga sumusunod upang masimulan ang validation o assessment ng Chubb
*Para sa mas mabilis na pag-claim, isabay na ang mga requirements sa pag-report ng aksidente. STEP 4: Makikipag-ugnayan ang Lalamove sa’yo para sa iba pang mga kinakailangang detalye o dokumento. Kapag na-acknowledge na ng Chubb, maghintay lamang ng notification hanggang 10 working days kung naaprubahan o na-reject ang iyong claim. STEP 5: Kapag naaprubahan ang iyong claim, ito ay i-disbursed sa iyong binigay na GCash number sa loob ng 3-7 working days. |
Gusto mo bang makita ang iba pang Panalomove?
Ano ang Personal Accident Insurance Policy?
Covered ang lahat ng partner drivers, mapa-2-Wheel o 4-Wheel ang iyong minamaneho. Tumatakbo ang insurance mula sa puntong “online” ang iyong status sa Lalamove Driver App hanggang sa 15 minuto pagkatapos kumpletuhin ang isang Lalamove order. Kampante ka sa bawat delivery dahil dito.
Mga Benepisyong maaaring makuha sa Personal Accident Insurance (effective Jul 15, 2022)
Narito naman ang mga benepisyo na pwede mong makuha sa personal accident insurance na ito:
Benepisyo | Amount |
Accidental Death & Permanent Disablement |
₱135,000.00 |
Accidental Medical Expenses Reimbursement |
₱8,000.00 |
Accidental Hospital Cash (per day, up to 30 days) with 1 day excess |
₱530.00/day |
Funeral Expenses due to accidental death |
₱5,300.00 |
Mga Importanteng Paalala
- Mahalaga na makipag-ugnayan at makipag-cooperate sa proseso ng iyong claims at ipasa ang mga kinakailangang dokumento.
- Ang isusumiteng claim ay kinakailangang i-report sa lalong madaling panahon o sa loob ng 30 araw ng aksidente. Kapag hindi nareport kaagad sa loob ng 30 araw, kinakailangang magbigay ng valid na dahilan ng pagka-delay.
- Kumpletuhin ang claim form at magbigay ng iba pang impormasyon na maaaring kailanganin upang masigurado ang pag-proseso ng iyong claim.
- Ang approval ng claims ay nakadepende sa terms and conditions ng policy, kasama na rin ang compliance ng partner driver sa nakasaad sa batas pang trapiko.
FAQs
- May bayad ba ang Personal Accident Insurance na ito?
Ang Chubb Personal Accident Insurance ay libre at walang bayad; ito ay libreng benepisyo mula sa Lalamove.
- Maaari bang mag-claim ng insurance kapag na-aksidente ng walang ongoing booking?
Hindi ikokonsidera ang mga aksidenteng hindi nangyari sa oras na may booking. Maaari lamang mag-claim ng insurance kung nangyari ang insidente habang may ongoing na order.
- Paano malalaman kung qualified o insured ang isang partner driver para makapag claim ng insurance?
Kinakailangang ang partner driver ay may biyahe sa oras na nangyari ang aksidente. Ito ay maaaring i-konsidera kung papunta sa pick-up point, papunta sa drop-off location, o hanggang pagkalipas ng 15 minuto matapos makumpleto ang order.
- Maaari bang mag-claim sa insurance na ito para sa vehicle damages?
Ang insurance na ito ay limitado lamang sa mismong partner driver na naaksidente; hindi kabilang ang pagkasira ng sasakyan.
- Maaari bang mag-claim sa insurance kapag nagkasakit?
Ang insurance na ito ay limitado lamang sa Personal Accidents; hindi ito maaaring gamitin sa pagkakasakit o sa alinmang health-related concerns.
- Maaari bang ipasa ang insurance sa ibang tao?
Ang insurance mula sa Lalamove ay non-transferrable at eksklusibo lamang para sa mga partner drivers na naaksidente habang may ongoing order.
- Binayaran ng Public Hospital, Philhealth, HMO, o third party ang aking medical expenses.
Ang insurance ay reimbursement basis lamang. Ibig sabihin, babayaran lamang ng insurance ang iyong mga nagastos na base sa mga ipapasang Official Receipts o resibo. Tandaan: ingatan at itago ang mga Official Receipts para masigurado ang pag-claim ng benefit.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Policy Inclusions, Extensions and Exceptions, i-click ang link na ito. Gamit ang personal accident insurance na ito, mas magiging panatag ka na at ang iba pang mga Lalamove partner driver sa kada-delivery!